Part 42

248 10 2
                                    


Part 42: Seulgi

"Wends nagtext sa akin si Yeri di daw sila umattend ng klase ni Joy kasi may nangyari"

Nandito kami ni Wendy sa Notes class namin, nagpapractice kumanta dahil may individual check na mangyayari, papakantahin kami ng sad songs, titignan kung saang range at style nababagay ang boses namin. Confident ako, at mas lalo naman tong si Wendy, si Irene nga pala di nagNotes, nasa HIP siya ngayon, schedule niya kasi tong oras na to, pero mamaya mag aattend din siya sa Notes because panghapon ang schedule niya dito.

"Wendy get ready you're next" sabi ng caller namin, nandito kami sa isang malaki na theater, iba pa to sa theater na ginagamit ng mga taga Multi Acts mas malaki yun. Si Wendy na ang next at ang kakantahin niya is Someday by Niña, wala eh madrama ang englisherang yan

"Omg i'm next gosh i'm not nervous, kainis sana naman manervous ako kahit minsan" sabi pa niya sa akin, minsan naiisip ko na sobrang confident niya talaga at kailangan pang ipamuka sa akin

"OMG WHAT THE HELL IS HE DOING HERE" napatingin naman ako sa pinagtitinginan ng mata niya at may lalaking nakatayo sa pintuan ng theater na titig na titig kay Wendy, ugh creep

"Wends okay ka lang, ang creepy naman nun" sabi ko sa kaniya, napatingin siya sa akin tapos tumingin ulit dun sa lalaki na nakatintin sa kaniya, oww oo nga pala si Jhope to, so yun inisnaban niya si Jhope at nagproceed sa stage

Weird. Kala ko ba di siya kinakabahan, eh ba't parang kinabahan siya bigla, oh well hayaan nalang natin.

Nagsimula ng tumugtog ang instrumentals at naghihintay nalang si Wendy ng timing na kakanta siya.

Someday you're gonna realize

One day you'll see this through my eyes

By then I won't even be there

I'll be happy somewhere even if i cared

Tahimik lang na nakikinig ang mga teachers namin na napapatango nalang sa ganda ng boses ng pinsan ko, ganon din ang mga students halatang napapahanga, curious, tumingin ulit ako sa pwesto ni Jhope at nakita ko naman siya na nakangiting nakatingin kay Wendy.

I think kung may makakakita na iba sa reaction niya pwedeng picturan at ipost sa facebook with a caption.

Find a man who will look at you the way Jhope looks at Wendy.

Anyway. Bigla namang may sumulpot na lalaki sa tabi ni Jhope, kaya ayun natigil sa pagmomoment, napatingin yung bagong dating sa akin, si V lang pala.

"Pst, pwede pausod dun, dyan ako uupo" natawa naman ako, pinapaalis kasi ni V tong katabi kong lalaki sa right side, sa left side nakaupo si Wendy kaya siguro ayaw niyang upuan yun, baka kasi maenglish pa siya mamaya sa katarayan, kaya tong lalaki nalang ang pinuntirya.

Kala ko nung una di susunod pero mukang nahypnotize sa boses ni Wendy kaya ayan tumayo ng wala sa wisyo at umupo sa sahig.

Nagmabuting loob naman si V at inalalayan siya umupo sa vacant seat  na kasunod lang ng inuupuan namin.

"Hahahah grabe yun hahaha namesmerize sa boses ng insan mo" sabi niya

"Kaya nga, maganda naman kasi talaga ang boses ni Wends"

"Pero I bet maganda din boses mo" tsaka niya ko tinusok tusok sa tagiliran

"Ano ba stop V be serious may nagpeperform oh" ayoko kasi yung kapag may nagpeperfrom di ka magpapay ng attention sa kanila, tsaka mahalaga sa akin na ready ako dahil gusto ko magdebut next year at mapasali sa top 20

"Sows sungit oo na" nakinig nalang kami hanggang sa matapos na yung kanta

Someday, someday

Malakas na palakpakan ang sumalubong kay Wendy.

"Wahhhh omygosh I so did great out there didn't I" sabi niya habang nakacross arms

"Oo na ikaw na" tsaka niya ko hinug, kaso naputol yung hug namin nung nagsalita si V

"Uyy sali naman ako diyan" tinapakan naman ni Wendy yung paa ni V kaya napaaray nalang

"Sabi ko nga joke lang hehe"

"Seulgi you're next" tawag ng caller, okay i'm up goodluck

Ginoodluck ako ni Wendy, ganon din si V nag goodluck na may kasamang kindat, inisnaban ko lang.

Umakyat na ako sa stage kinuha ang mic at nagsimula ng magplay ag instrumentals ng Hanggang Wakas by Juris, alam ko sa sarili ko na macacarry ko tong kanta na to ng puno ng emosyon, hindi ko alam, hindi naman ako relate sa kanta, wala namang namatay na mahal ko kaya I don't know kung bakit pakiramdam ko madadala ko tong kanta.

Kay tagal kong naghanap

Ng isang katulad mo

Katuparan ng pangarap ang ako'y mahalin mo

Katangi tangi kang handog

Ng may kapal sa akin

Ngayo'y nagtatanong bakit bigla kang babawiin

Minulat ko ang aking mga mata at nakita ang mga classmates at teachers namin na nakikisimpatya sa emotions ng kanta. Nakita ko din na wala na si Jhope, obviously si Wendy lang ang habol, si V naman mukang ewan na papahid pahid ng luha niya, relate siya? Napatingin din ako sa babaeng teacher namin na nasa 30s na umiiyak, oo nga pala relate siya, patay na kasi yung asawa niya, balita ko sa isang plane accident, nagcrash, luckily narescue ang dalawa nilang anak na lalaki.  Siguro naglolong siya na makasama ulit ang asawa niya.

Kahit na alam ko

Na mawawala ka

Asahan mong pag-ibig ko'y wagas

Tayong dalawa

Hanggang wakas

Pagkatapos ng kanta ay malakas na palakpakan din ang nareceive ko, si V papansin, nagstanding ovation pa.

Bumalik na ako sa upuan, naririnig ko na pinag-uusapan ng ibang studyante ang boses ko, masaya ako na makarinig ng positive comments galing sa kanila.

Pagkaupo ko ay kinongratulate ako ni Wendy sabay sabi ng "You did great, but I did better" hinayaan ko nalang. Alam ko namang hindi marunong magpatalo ang isang Wendy

"Taehyung your turn" ayy oo nga pala tapos na kaming mga girls, it's the guys turn now, kung sa aming mga babae ay gloomy songs sa mga lalaki naman ay sweet songs at unang una pa talaga si V, ngayon ko lang siya maririnig kumanta kaya naman pakikinggan ko siya ng mabuti

Ginoodluck ko siya at si Wendy naman napilitan lang, may ibang babae din na naggugoodluck sa kaniya, ngningitian niya naman, ba't niya kailangan ngitian?

Hawak niya na ang mic sa stage at maririnig sa buong theater ang instrumental ng Mahal na Mahal ni Sam Conception

"Para sayo to ehem Seulgi ehem" that's quite embarassing ba't kailangan niyang sabihin yun, yan tuloy nagtilian yung ibang students tapos si Wendy pinagpapalo ako

Kung may taong

Dapat na mahalin ay walang iba kundi ikaw

Walang sino mang makakapigil pa sa akin

Binuhay mo muli ang takbo at tibok ng puso sa iyong pagmamahal

Ang mundo ko'y muling nag-iba

Napuno ng saya

Bakit siya nakatingin sa akin, mas lalo tuloy akong pinapalo ni Wendy.

"Wahhhh i'm so kinikilig for you couz"

Yung mga babae kinikilig habang nakikinig, mga lalaki naman may mukha na parang nagsasabing 'magaling pero i'm not impress'. Yung mga teachers be like 'okay lang maganda ang boses'. At ako, ano to? I mean normal lang naman ang boses niya, maganda pero di kasing galing  ng iba pero, bakit, bakit parang gustong-gusto kong pakinggan.

_=_=_=_=_=_=_=_=_=

Hi guys!!! Kumusta na kayo, buhay pa ako. Ang dyosa ni Seul sa media.

Unregrettable LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon