Part 36

360 11 3
                                    


Part 36: Jungkook

"Ehm, Jengkeek, thenks se pegheted, ey eppreciete et" kita mo to, pabebe talaga ginawa bang Jengkeek pangalan ko, si Joy lang naman talaga pakay ko kaya hinatid ko si Yeri, kabanas nga kanina sa kotse eh patugtog ng patugtog nung paborito niyang kanta Miss Right ata yun, yung title, gusto ko na nga sigawan kasi kung hindi magpapatugtog, dadada ng dadada, tanong ng tanong tungkol sakin, ano daw paborito kong pagkain, kulay, pabango, kung ano ano pa, gusto ko na sanang pababain kaso masisira diskarte ko kay Joy.

Kay Joy na nireject ako, langya talaga, hinahabol ko padin, ewan ba may something sa kaniya na nagpapaattract sakin eh, bwiset ang bakla.

"Okay lang, uh pwede ba pumasok?" tanong ko, paraan para makita si Joy

"Ehm, sure, ekey lang nemen" shiz talaga sarap magmura feeling mo bagay pagpapacute mo, wag tol muka kang trying hard

Pumasok na kami sa bahay nila 2 floors maliwang at makulay ang lugar.

"Hoy ano yan?" tanong ni, uh, hindi ko kilala to, pero maganda

"Couz, si Jungkook, friend ko" pangiti ngiting pagpapakilala sakin ni Yeri, medyo naiilang na nga ako eh, kada salita tingin sakin, at friend daw pero pinagnanasaan na ko

"Landi niyo talaga" sabi ni ewan, sabay balik sa pagpaplantsa ng uniporme

"Uhm, Jungkook si Irene yun insan ko, wag mo pansin, bitter lang siya, hihihi" shizz talaga, hindi ko na kayang tagalan tong babaeng to nakakarindi ang tinis ng boses

Pero yung Irene? Medyo may kahawig, nakalimutan ko na basta may kahawig siya.

Hays yaan na nga.

May, isang babae pa akong nakita na nakaupo sa sofa habang nagcecellphone, napansin ata ni Yeri na tinitignan ko siya kaya pinakilala niya ako sa kaniya, Wendy daw ate niya.

"Jungkook, upo ka, magbibihis lang ko saglit, babalikan kita"

Tumango nalang ako at nanood ng tv, kinausap ako ni Wendy, mabait siya englishera nga lang si Irene naman, natapos na sa pagpaplantsa kaya sinervean niya ako ng biscuits na mukhang kakalabas lang sa oven

"Hmm, sarap ah, ikaw nagbake?" maingat kong tanong

"Talaga???" nakangiti niyang tanong sabay siko sa bewang ko

"Oo, walang halong biro" mas lumapad ang ngiti niya at kinausap ako tungkol sa kung ano anong bagay, gusto ko siya magsalita hindi katulad ni Yeri na ang tinis ng boses, ang lapit niyo lang sa isat-isa tapos makapagsalita parang ilang dipa ang layo niyo

"May bisita?" tanong ng pamilya na boses habang pababa sa hagdanan, bagong ligo ata siya basa kasi buhok, shiz ang hot niya

Kumuha siya ng biscuit sa plato at nag indian sit sa sofa, medyo nagulat siya nung makita ako.

"Erm hi" nag-aalinlangang bati niya

"Hi Joy" nakangising kong sagot

"Anong nginingisi ngisi mo?" masungit niyang tanong

"Wala lang, masamang magandahan sayo" tinignan niya ako ng nagtataka

"Oh well, hindi masisisi, maganda talaga ako" medyo natatawang tugon niya

Naging magaan na ang athmosphere at komportable na kaming nag-uusap, nalaman ko na kapatid niya si Yeri at Wendy, gitna siya paborito niyang kulay green at marami pang iba, inaya ko din siya minsan na lumabas kami, susubukan niya daw, pero may isang bagay ang hindi ko natanong.

Kung totoo ba yung sinabi niya sa akin nung gabing nasa bar kami.

Kung totoo bang may karelasyon na siya.

Unregrettable LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon