Part 35

382 15 1
                                    


Part 35: V

"Seul ano yan?" to talaga si Irene oh, ang ganda

"Shock ka ba, pogi ko kasi eh noh, sorry kailangan mo pang makarecover" at binigayan ko siya ng kindat

"Ha ha ha, funny" sagot niya, funny daw pero hindi naman nakasmile, ha ha ha daw pero hindi naman tumatawa, gulo ng babaeng to

"Hinatid niya lang ako Rene, wag kang ano diyan" napataas naman ang kilay ni Irene at napangiwe sabay hawak sa beywang na singnipis ng tuwalya sa bahay namin

"Ha, so ako pa tong ano ngayon, eh ikaw nga yung ano diyan eh, ang ano mo kaya, magsama kayo mga ano" nagwalk out siya at sinara ang pinto, buti nalang may susi si Seulgi

"Bye, V ingat, pakibati din ako kay Rap"

"Okay" walang ganang sagot ko, Rap. Ano bang meron sakanila ni Namjoon, lagi nalang silang magkasama ah, kala mo magkarelasyon hindi mapaghiwalay

Naglakad nalang ako pauwi tutal sa parehong subdivision lang din naman kami nakatira.

"HOY PANDAK" sigaw ko, hulaan niyo kung sino, wag kayong OA ang dali lang kung hindi si Suga, si Jimin, sila lang naman mga pandak na kilala ko eh

Tumalikod siya para tumingin, kita mo ang loko talagang kinonfirm na pandak talaga siya

"HOY PANDAK DITO" pangalawang beses kong sigaw

Nakita niya na ako at binigyan niya ako ng pamatay na tingin, tumakbo ako papunta sa lugar niya.

"LOKO KA, KALA MO KUNG SINONG POGI" sabay sapok sakin, kapal ah kala mo naman katangkaran, take note tumingkad pa para lang maabot yung ulo ko, kapandakan nga naman

"Hayop ka, sakit nun ah, bakit matangkad ka ha matangkad ka" hindi nalang siya sumagot, sign of defeat, wohoo, kapag talaga gwapo laging panalo

Pagdating sa bahay. . . .

"Yeri?" nagtatakang tanong ni Jimin

"Anong ginagawa mo dito, ginawa mo ng tambayan bahay namin ah" pangloloko ko sa kaniya

"Hmmpp, aalis nadin ako nandiyan na ang pandak, nagpunta lang ako para kumustahin si Jungkook" kumustahin? Eh kakakita lang nila kanina sa school ah, sabay pa nga silang pumasok eh, ano ba talaga

"Sabihin mo nagpunta ka para lumandi" wala sa mood na sabi ni Jimin sabay bitaw sa bag niya, problema niya

"Hoyoyoy Jimin tigilan mo si Yeri, you really got no jams"

"HAHAHAAHAHA" sabay sabay na tawa ko ni Jungkook, Yeri at Suga na kabababa lang galing sa kwarto

"Hoy Suga makatawa wagas ah, nahiya naman ako sa perfect english mo, boom INFIRES" pang-aasar ni Jimin

"HAHAHAHAHAHAHHAA" mas lalong lumakas ang tawanan at nakisabay pa Jin at Jhope na kakabalik lang ata galing school

"Aba kita mo nga naman, sarap ng tawa ni Jhope oh, yan tuloy tumatalsik na yung DIRTY WATER ay mali DIRTEU WATEU pala" banat ni Suga

At dahil dun napuno nanaman ng malakas na tawanan ang bahay, si Yeri halos hindi na makahinga hawak na hawak sa tyan kala mo buntis, si Jin naman parang bakla na may papalo palo pa sa sofa at ang malala si Jungkook na nakahiga na sa sahig kala mo may asthma dahil di na makahinga.

"Nice, tawa ka pa Valien, ang perfect kasi ng BEACH? BITCH ? BEACH? mo eh" langya dinamay pa ako, mas malala naman yung dirty water niya, kaasar tong si pandak ah wagas makatawa, tignan ko lang kung makatawa ka pa

"Knock knock" bitaw ko sa kanila

"Who's there?" sabay sabay nilang sagot, habang tumatawa parin

"Jimin pandak" natatawa kong sabi

"JIMIN PANDAK WHO???" in unison nilang tanong

"EXCUJI ME" hahahahah langya diko kinaya nagkamatayan na, hindi na sila magkamayaw sa kakatawa

"Oh siya tama na, nakapaghanda na ng pagkain yung katulong dito ka narin kumain Yeri" anyaya ni Rap pagkatapos makarecover sa pagtawa, samantalang si Jin ganon parin mukhang bakla na papalo palo parin pero hindi na sa sofa sa lamesa na ng kusina ngayon

"Oo nga Yeri, dito ka na kumain, tapos ihahatid kita sa inyo, gabi narin kasi" napansin ng lahat na namula si Yeri sa sinabi ni Jungkook

"AYIIEEEEEEEE" panimulang pang-aasar ni Jhope at nakisabay narin kami sa pang aasar

Pagkatapos kumain, nagkagulo pa sa kung si Jimin o si Jungkook ang maghahatid kay Yeri pero sa huli si Jungkook ang nanalo, kaya manas na manas ang mukha ng pandak, padabog na umakyat sa kwarto.

Unregrettable LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon