Part 44

236 13 2
                                    


Part 44: Yeri

Ughhhh, nakakainis talaga, kakatapos ko lang magtoothbrush at maghilamos, matutulog na sana ang magandang ako kaso bigla namang may tumawag na uknown number, una text tapos si Jimin pala then tumawag siya, nakakainis, like since when ba naging ako si Seulgi at kung makatanong siya sa akin wagas, tsaka akala ko ba ako gusto niya pero makaSeulgi ng Seulgi, ugh nakakaewan, ba't ba ako nagpapastress sa dwendeng yun.

Tsaka wait nga, wait wait, oh noooooooo.

Pinagseselos niya ba ako?

No way, di ako nagseselos.

Pero yun yung gusto niya?

Edi sige.

Makukuha niya gusto niya.

Actually matutulog na sana ako kahit badtrip ako pero narealize ko na makakaganti naman ako, kinuha ko yung phone ko, nag-alarm muna ako then tumawag kay Jimin.

Sinave ko na din yung name niya using yung POOP na emoji 3 poop emoji, muka kasi siyang tae bwiset.

krrrriiiiingggg

Aba, huh, iba na talaga maganda, isang ring palang sinagot niya na, yan lang naman ang kamandag ko.

'Seryoso tumatawag ka? Ikaw ba si Yeri? Ang Yeri ng buhay ko'

"Oo ako to sige lang magtanong ka about kay Seulgi" sige lang magtanong ka Jimin, at ako Yeri ng buhay mo eww

'Sigurado ka diyan' basta magtanong ka nalang daming satsat

"Oo naman"

'Ah pwede ba malaman bakit ang dyosa ni Seulgi' whut? ugh seriously anong klaseng tanong yun at wow ah tumatawa pa siya ngayon

"Ah di ko alam eh siguro dahil sa parents niya, pero ang tanong is" hihihi ang saya naman nito

'Tanong is?'

"Ang tanong is bakit si Jungkook ang gwapo ng sobra" emeghed my Jungkookie, kinilig tuloy ako naalala ko nung hinatid niya ako

'Seryoso Yeri' serves you right pandak, sa sound ng boses niya para na siyang naiinis

"Ay tsaka di lang yun, hmm ano kasi hihihi, bakit ang cute niya din like gosh nakakakilig nakita ko siyang sumayaw nung audition grabe naman ang galing ang hot ang—"

'Ewan ko sayo' tsaka niya siya nag hung up, gosh how dare siya, hindi pinag huhungapan ang isang tulad ko

Pero yayyy, ako yung nanalo, in the end siya yung talo, pikon, magsisimula tapos di tatapusin. Pero promise that's real, legit yung mga sinabi ko tungkol kay Kookie. Grabe naman kasi ang galing niya palang kumata wahhhh. Nakita ko kasi yung post sa facebook nung page ng Starfeave Arts Academy, grabe ang ganda ng boses niya promise, yung kinanta niya pa ang sweet, Ngiti by Ronnie ata yung title nung song, feel ko tuloy ako yung kinakantahan niya, tapos nung audition din ng HIP nakita ko siyang sumayaw, pumasok pa talaga ako sa boys room ng HIP para lang mapanood siya grabe talaga ang galing ni Jungkook. More reasons to like him.

Ay oo nga pala, sabi sa akin ni V magaling din daw siya magrap, wahhh like really? SIYA NA TALAGA ang future hubby ko.

At dahil gabi na din, nakalimutan ko palang uminom ng milk, kailangan ko ng milk para tumangkad, bababa muna ako then inom.

Bumaba na ako sa kama then naglakad pababa ng stairs, tulog na ata sila cousins and sisters.

Pagdating sa kusina lumapit na ako sa ref then kumuha ng baso then drink ng healthy fresh milk. Ibabalik ko na sana yung milk sa ref kaso. OMG WHAT WAS THAT? OMG parang may nakita akong shadow na dumaan sa may window OMGGGGG.

Sa takot ko napasigaw na lang ako.

"WAHHHHH COUZ IRENEEEEE SEULGIIIIIIIIIII WAHHHHHHH"

Sa lakas naman ng sigaw ko isa isa ko silang narinig na pababa sa hagdan.

"Mygash Yeri what's the commotion all about i'm having my beauty rest" reklamo ni Ate Wen, sino pa nga ba

"YERI ANONG NANGYARI NAPANO KA" Irene the mommy

"Couz may nakita kasi akong dumaan sa window na anino ng lalaki, i'm scared" medyo napapaiyak na sabi ko

"WHUTTTT YERI NAKITA MO BA ITSURA, NATATAKOT NA AKO" sabi naman ni Ate Joy

"Shhh shh wag ka umiyak Yeri, wag ka matakot" sabi ni Seulgi couz tsaka niya ako hinug

"I'm scared guys" si Ate Wen natatakot na din

"Sure ka sa nakita mo?" tanong ni Irene

"Oo sigurado ako, bumaba lang ako para uminom ng gatas then may dumaan na shadow sa may bintana mukang galing sa likod ng garden natin" pagpapaliwanag ko

I think natakot na din si Irene, tumawag si Seulgi ng pulis wala naman daw magagawa yung mga pulis pero nagpadala na din sila para mabantayan kami.

"Guys tumawag sakin si Rap kanina tapos nakwento ko na din, pupunta daw sila kasi dito lang din naman sila sa subdivision" explain ni Seulgi

"WHATTT?? Why would you even call them Seul?" Ate Wen obviously, para siyang irritated

"Wen sabi ko siya yung tumawag wala na tayong magagawa on the way na sila"

"FINE"

Maya maya lang may nagdoorbell yung mga pulis na pinadala pala kasama sila Rap.

"Okay lang kayo" mabilis na tanong ni Rap

Napansin ko na hmm 5 sila, alam ko kasi 7 sila eh, wala si Jin and Suga.

"Yes okay lang naman kami" sagot ni Seul, napa Thank God naman si Rap, si V naman hmm?? Weird lumapit kay Irene pero maya maya lang din lumapit na siya kay Seulgi

Si Wendy nilapitan siya ni Jhope tinatanong kung okay lang ba siya o ano pa kung may nanakit daw ba sa kaniya.

Napatingin ako kay Jungkook, haiist nakakainis bakit kay Joy siya nakatingin, si Joy naman nasa phone niya naririnig kong kausap si Sungjae sinasabi yung nangyari.

Si Jimin papalapit sa akin.

"Tsk, ano okay ka lang" problema nito

"Muka ba akong di okay, malas mo kasi eh tinawagan mo pa ako"

"Aba, ako na ngang concern"

"Eh bat ka badtrip"

"Malamang sabihin mo ba namang pogi si Jungkook tapos ako hindi"

"Totoo naman kasi blehh" dinilaan ko lang siya tsaka ako lumapit kay Jungkook

"Hello Jungkook" bati ko habang nakasmile

"Oh ikaw pala Yeri, mabuti okay ka naman" tsaka nagsmile din siya sa akin, emegeshhh ang bait niya na talaga sa akin, baka like niya na din ako, we're mutual, yasss

"Oo nga buti nalang walang masamang nangyari"

Omygee, grabe guys, medyo nag-usap pa kami nun, until matapos si Joy sa pagbabalita kay BbyuJae niya, natapos din bigla yung talk namin ni Kookie, haiist. Lumapit naman si Kookie kay Joy at balak sana siyang kausapin kaso mukang naiinis si Joy dahil sa ginawa ni Kookie kay Sungjae kaya di niya to pinansin. Aiish, kawawa naman si Kookie, lapitan ko nalang.

Papunta ako kay Kookie nung bigla akong napatid kasi sinadyang iharang ni, ugh, hinarang ni Jimin yung paa niya para madapa ako. Lagot ka saking pandak ka.

Feel ko masakit kapag bumagsak ako kaso naramdaman ko nalang, O to the M to the G. Wahhhh my heart omg. Sinalo ako ni Jungkook, omg this is so emegesh, bye guys kailangan kong magcontrol ng feels.

.........

Unregrettable LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon