Part 17

482 31 8
                                    




Part 17: Jungkook

Kararating lang nila Joy kanina, at imbis na mag- enjoy ako medyo nawalan pa ako ng gana magclub.

Paano ba naman kasi, ayaw akong tantanan nitong si Yeri. Bwiset napakaisip bata kanina pa hawak ng hawak sa akin tapos sasabihin 'ay Jungkook sorry di ko sinasadya' kahit obvious naman na sinasadiya niya.

Imbes na si Joy kausap ko ngayon nandito ako at nakikisama sa babaeng 'to.

"Kookie cr lang ako saglit ah. Wait for me!" pagkasabi niya nun parang gumaan ang pakiramdam ko. Woah sa wakas nakawala din ako.

Di ako sumagot, tinanguan ko lang siya.

Tinignan ko si Jhope with a please-lumayas-ka-para-makadamoves-ako-kay-Joy-look kasi naman kanina pa sila magka-usap. Mukang nagkaintindihan naman kami kaya nagpaalam siya kay Joy na sasayaw sa dancefloor.

Pagka-alis ni Jhope agad akong lumapit kay Joy para makausap siya.

"Uhm Jungkook nga pala" pagpapakilala ko

"Yeah I know you're Jungkook my sister Yeri's suitor, right" muntik na ng mabuga yung alak sa bibig ko sa sinabi niya, kailan ko pa niligawan si Yeri???!!!

"Ah mali ka" todo tanggi kong sagot, medyo nagtaka naman siya

"What do you mean?"

Masyado lang assuming yang kapatid mo. Yan sana ang gusto kong sabihin sa kaniya pero ayaw ko namang isipin niyang bad boy ako, kahit medyo may pagka.

"What i mean was hindi ako manliligaw ni Yeri. Hindi ko siya nililigawan. Mukang namisunderstood mo ata" pagpapaliwanag ko sa kaniya

"Ahh ganon. Yun kasi ang pagkaka-alam ko" sagot niya

"Uhm yup ganon nga, gusto mo sumayaw?" pag iiba ko sa usapan

"Erm, no thanks" medyo kj, pero challenging ka Joy, pahard to get

"Uh sige na saglit lang" pagpipilit ko. Ayaw ko kasing maabutan kami ni Yeri dito. Guguluhin na naman ako ng isip batang yun. Masama na kung masama pero totoo naman eh.

At eto na nga, speaking of isip bata she's here. Papalapit na siya samin ni Joy pero nagpapanggap ako na di ko siya nakikita. Nang makarating na siya sa table napansin kong nakatiger look siya sa'min ni Joy. Medyo pinipigilan kong matawa kasi aaminin ko ang cute niya hahaha.

At first akala ko guguluhin niya kami ni Joy pero mali ako. Nakita kong kinuha niya yung gamit niya at akma na siya na aalis pero napigilan ni Jimin. At ayun napadpad sila sa dancefloor. Lahat nasa dancefloor except sa amin nila Joy at Suga. What to expect? Si Suga yan eh... mas gugustuhin niya pang matulog kesa mambabae. Ewan ko ba kung bakit yan nagkaganyan simula nung iwanan ni Ruth.

"Jungkook" napunta yung atensiyon ko kay Joy nang tawagin niya ako

"Yes" sagot ko

"Labas muna ako ha medyo nakakahilo dito eh" napansin ko ngang mukang di maganda yung pakiramdam niya

"Tara samahan na kita"

"No thanks kaya ko naman"

"Hindi sige sasamahan na kita" pagpupumilit ko

"Fine!" halata na napilitan lang siya

Lumabas na kami sa bar at tahimik lang kami. Walang nagsasalita.

"Joy" tawag ko sa kaniya

"Hmm" ewan ko pero bigla nalang akong napangiti nang marinig ko yung boses niya

"I find you interesting"

"Hahaha" medyo nadissapoint ako nang bigla siyang tumawa

"I'm serious, let me get to know you more" seryoso kong banggit, ni walang halong reaksiyon na makikita sa mukha ko

"Jungkook i'm taken"

Unregrettable LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon