Part 52

213 12 7
                                    


Part 52: Joy

Akala ko OA lang yung mga babaeng sobrang nasasaktan kapag nagbreak sila ng boyfriend niya, pero totoo pala, totoo palang ang sakit, lalo na nung sinabi niya sa akin yung dahilan, dahilan na nakikipaghiwalay na siya dahil wala na akong halaga sa kaniya. Hindi ko natanong kung kailan pa siya nawalan ng gana sa akin dahil sobrang sakit, sinusubukan kong bawasan kahit papano pero hindi eh, hindi ko magawa. Gustuhin ko man hindi ko makaya.

Bakit?

Bakit?

Dahil, gusto kong mapag-isa pero di niya ko malubayan dahil unang una sa lahat karoommate ko siya at ang mas masakit pa dun, kasama din namin si Serene na bago niya, na pinagpalit sa akin ni Sungjae. Hindi ko siya mamura hindi ko magawang saktan dahil baka magalit sakin si Sungjae, sobrang mahal ko siya, first boyfriend at first kiss ko siya, hindi ko makakalimutan lahat ng pinagsamahan namin.

At ngayon eto mukha akong ewan sa kwarto nagtutulugtulugan kahit halata namang gising, halata namang hindi ako okay pero pinipilit ko parin, halata namang gising ako pero nagmamaangmangan parin dahil wala akong mukhang maiharap sa mga karoommates ko.

Hindi ko maimagine na wala na siyang pakielam sakin, parang nung minsan lang ang okay namin diba.

"Jae, sa labas nalang tayo" narinig kong sabi ng bago niya

"Kakakain lang natin ah tapos sabi mo gusto mo magpahinga" middle finger for you Sungjae sakin mo dapat sinasabi yan

"'sigh' Tara nalang" huling sabi ni Serene tsaka sila lumabas

Pagkasarado ng pinto narinig kong parang umiiyak si Serene at narinig ko din na sinabi niyang

"Naguguilty ako Sungjae, mahal ka ni Joy"

At dahil sa sinabi niya, hindi ko alam pero imbis na kainisan ko siya naawa din ako.

"Wag ka ng magtulugtulugan" sabi ng isa kong karoommate na lalaki tsaka ako tinap sa balikat

"Masyado bang halata?"

"Di masyado, sobra" tsaka siya tumawa

Napasigh nalang ako, ayoko sanang makipag-usap kaso masyadong friendly tong isang to eh.

"Chanyeol nalang" tsaka kami nagshakehands, nagpakilala na din ako

Sinabi ko sa kaniya na masama pakiramdam ko at gusto kong magpahinga, okay naman daw sa kaniya at tsaka siya lumabas pupuntahan daw yung kaibigan niya.

At dahil naiwan na ako mag-isa sa room magpapahinga na sana ako kaso nagvibrate yung phone.

From: 09*********
Joy, si Jungkook toh. Ayaw mo talagang kumain?

Kahit papano naman gumaan yung pakiramdam ko, si Jungkook palang ang nakakaalam sa nangyari.

Sinave ko na yung number niya at nagreply.

To: JK
Hindi naman ako gutom, wag mo nalang akong pansinin.

From: JK
Masama yan sayo

Masaya ako na may nag-aalala sakin pero, ano bang paki niya

To: JK
I'm eating whenever I want to

From: JK
Ikaw bahala pero, okay lang ba sayo na kasama sila

Malamang hindi, kung pwede lang lumipat.

To: JK
Mahirap pero 1 month lang naman kaya ko to

Yup 1 month lang kaya kong magtiis

From: JK
May naisip ako

Wala talaga ako sa mood makipag-usap kahit kanino pero buti nalang kinomfort ako kanina ni Jungkook kaya kinakausap ko siya.

To: JK
What's that?

From: JK
I don't know if you'll agree, but what about show him kung anong sinayang niya

To: JK
Anong ibig mong sabihin?

From: JK
You know, make him regret na maling iniwan ka niya

Para sakin, pwede, gusto ko yung idea, na ipakita sa kaniya na ako lang naman si Joy na sinayang ng isang katulad niyang walang label, just a name Sungjae.

Ito na ba yung tinatawag na kabitteran, yung gusto mong maging great sa harap niya kasi iniwan ka niya, sinayang yung trust mo.

To: JK
Pano ko naman gagawin yun?

From: JK
Simple

To: JK
Simple what?

From: JK
Be my girlfriend

Unregrettable LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon