Kabanata 5
Nanlilisik ang klase ng tingin sakin ni Mommy.
Yumuko ako at dahan dahang pumasok. Nahihiya dahil sa kumpleto silang nandirito at nakatingin din sa akin.
Ang mas nakakahiya pa ay may pasa ako baka isipin nila nakipagbasag ulo ako.
Kanina lang ay maingay sila pero no'ng dumating ako ay bigla silang natahimik.
Tumayo si Mama La kaya nag angat ako ng tingin sa kaniya. Puno ng pag aalala ang mukha nito.
"Apo anong nangyari sayo? " nag aalalang tanong niya.
Napalunok ako at napatingin kay Mommy na ngayon ay ginagala na ang tingin sa aking katawan. Nakita ko pa ang pag taas ng kilay nito nang dumako ang tingin nito sa aking braso na nangingitim.
Napahawak ako roon at napangiwi rin dahil sa nakaligtaan ko pa nga yata na masakit iyon.
Well, lahat naman yata. Pero may naiiba, yung sakit na nararamdaman ko. Yung paninikip ng dibdib ko.
Ilang ulit na nagbukas sara ang aking bibig. Nag iisip ng idadahilan.
"Umh... N-nalaglag po kasi ako sa hagdan. Hindi ko naman po alam na madudulas po ako do'n, " mahinang sabi ko at nagbaba ng tingin.
Naramdaman ko pa ang pag hawak ni Mama La sa aking kamay.
"Apo... " nagsusumao ang tinig nito kaya naman nag angat ako ng tingin sa kaniya. Maging ang kaniyang mga mata ay tila nagmamakaawa rin. Nagmamakaawa na sabihin ko ang totoo.
Gusto kong sabihin. Pero ayaw kong naaawa sa akin si Mama La at ayaw kong pagagalitan niya si Mommy dahil paano ako magugustuhan ni Mommy kung pagagalitan siya ni Mama La ng dahil sa akin?
Tipid ko lang na binigyan ng isang ngiti si Mama La, pinapagaan ang kaniyang loob.
"Mama La. I'm okay. "
Makikita rin ang pagtutol sa kaniyang mga mata sa likod ng labis na pag aalala.
I looked away. "Aakyat lang po muna ako.... " imporma ko. Pailalim din ang tingin ko kay Mommy na ngayon ay nakatingin pa rin sakin. Lalo na sa kamay ko na may benda na tinapakan kanina.
Pasimple kong itinago iyon sa likod ng aking palda at dahan dahang nag lakad pa-akyat.
Kahit pa man nasa hagdanan na ako ay nararamdaman ko pa rin ang mga titig sa akin ni Mommy at hindi na ako magtataka pa kung puntahan niya ako sa kwarto ko.
"Why do you have a wound? Where did you get that? Nakipag-away kaba?" sunod sunod na tanong ni Mommy sa pamamagitan ng malamig na tono.
I swallowed and bowed slightly. Kung alam lang talaga niya. Pero sana nga alam niya eh, para hindi ako nasasaktan ngayon at nag hihirap ng ganito. Pero hindi eh, at kahit kailan ay hindi talaga.
Hindi ako sumagot dahil kung sasagot ako papakinggan ba niya ako?
Umayos siya ng tindig at ang kaniyang mapanuring mga mata ay parang tinutusok ang kaloob looban ko.
Pinagkrus niya ang kaniyang mga braso at nakita ko pa ang bahagyang pang angat ng kaniyang kilay.
"Sa susunod kung gagawa ka ng gulo huwag mong idadamay ang angkan natin. Ang apelyido ni Papa, nakakahiya ka. Huwag mo ring dudungisan ang apelyido ng Daddy mo."
BINABASA MO ANG
In The Mindst Of Uncertainty (Casa Bilarmino #4)
RomanceCasa Bilarmino #4 Sa mundong walang katiyakan ang lahat ng bagay. Nabuhay si Mharissa Chole Bilarmino Saler na walang ibang ginawa kundi ang patunayan ang mga bagay na kaya niya. Para siyang eroplanong papel sa ere, hindi alam kung saan lalanding. W...