Kabanata 18

189 2 0
                                    

Kabanata 18







No'ng una, gulong-gulo ako sa nararamdaman ko para kay Dante dahil sa mga ikinikilos niya. May mga bagay siyang gustong patunayan, pero hindi ko naman maintindihan kung para saan.




Nagtuloy-tuloy ang trabaho ni Dante. At gaya nang sinabi niya sa akin sa terrace na binawi rin niya ay ginawa ko pa rin. Hinihintay ko siya tuwing gabi. Hahalik siya sa noo ko at yayakap ako sa kaniya. Para kaming mag-asawa kung titingnan, mag-asawa na nagmamahalan. At unti-unti na akong napapalapit sa kaniya.

Pero alam niyo iyong pakiramdam na unti-unti ka ng nahuhulog sa taong panganib sa'yo? Iyong parang hindi mo puwedeng mahalin. Pero wala kang laban kasi puso na ang nagmamahal. Kumbaga wala na iyong ganyang pag-iisip kasi puso na ang gumagana, hindi na isip.





Kahit gano'n pa man ay hindi nakatakas sa akin ang mga araw at sandali na pinahihirapan ako ni Lily. Kapag kami lang ang mag-isa sa mansyon ay ipinaglalaba niya ako, nahihirapan ako kasi medyo lumalaki na ang t'yan ko. Hindi naman ako makatanggi dahil tinatakot niya ako na kung mag susumbong ako kay Dante ay makakawawa si Lily. Nag-aalala pa rin naman ako sa magiging kalagayan ni Lily kahit pa demonyita siya.




Naiirita rin ako sa mukha niya kahit pa maganda siya.




"Bakit ba ang kupad-kupad mo? " puno ng iritasyong tanong niya sa akin at inirapan ako.





Hinawakan ko ang medyo may kalakihan kong t'yan at tumayo. "Pasensya kana. Bawal kasi akong mapagod at mag kilos kilos baka ikasama kasi iyon ng baby namin ng Kuya mo..." Mahinahong paliwanag ko.



Sumimsim siya sa kape niya at bahagyang tumaas ang kilay.
"Maselan ba talaga ang mga buntis? " biglang tanong niya.


Tumango naman ako. "Bawal kang mag pagod. "



Napatango-tango siya. Bigla siyang tumayo. "Bilisan mo na riyan at baka isumpa pa ako ng pamangkin ko kapag namatay siya, " nakatalikod na utos niya sa akin.


Napangiti naman ako. Kahit may pagka maldita si Lily may busilak pa rin naman siyang puso.


Nag-aalala rin siya sa pamangkin niya kahit pa palagi siyang galit sa akin.




Totoo kaya ang usap-usapan na naging sila ng pinsan kong si Kuya Danilo?



At habang nagtatagal ako sa bahay na ito ay unti-unti niya akong natatanggap kahit pa minsan ay naiinsulto niya ako.






"Bakit ikaw ang nag lilinis? " tanong sa akin ni Dario na nasa pintuan.




Nakahalukipkip ito at nakatingin sa akin ng diretso. Bumuntong-hininga ito.




"Baka mapaano ang baby niyo... "




Lumapit siya sa akin at inagaw ang basahan para siya na ang mag punas ng kape na natapon kanina ni Lily sa kakamadali niya sa pag inom.




Umiwas ako ng tingin. Hanggang ngayon nahihiya pa rin ako sa kaniya. Kasi parang ang lagay ko ay siya dapat ang magiging fiancé ko pero nabuntis naman ako ng kapatid niya.




"Huwag mong pagsisihan iyon. Okay lang naman sa akin. At saka nakikita ko namang masaya ang kapatid ko sa'yo. " biglang sagot niya.




"H-ha? " totoo bang masaya sa akin si Dante?


Tumingin siya sa akin at tumayo. "Palagi ka niyang ikinukwento sa akin. At sa bawat kwento niya sa akin tungkol sa iyo ay nakangiti siya palagi. May plano na siya kaagad sa inyong dalawa. Nararamdaman ko rin na mahal ka ng kapatid ko kaya sana ingatan mo ang anak niyo habang wala siya, " seryosong wika niya.



In The Mindst Of Uncertainty (Casa Bilarmino #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon