Kabanata 23

344 3 0
                                    

Kabanata 23








Nagbalik ang lahat simula sa umpisa. Parang kailan lang bata pa ako. At parang kailan lang hindi ko ugaling ngumiti.

Aaminin ko. Maraming nagbago sa akin simula nang makilala ko siya. At hindi ko iyon itatanggi.


Gusto kong burahin lahat-lahat. 'Yong walang matitira kahit isa sa kanila. Kasi kahit katiting pa iyan na ala-ala parang sinasaksak na nang libo-libong patalim ang puso ko. Gusto ko na lang maglaho, gusto kong magpakalayo-layo. At gusto ko na dumating iyong araw na hindi nila ako maalala, iyong bumalik sa zero. Kasi kung mangyari man iyon ako na ang pinakamasayang tao sa mundo.



'Kung buo na ang 'yong pasya.
Na talikuran ang lahat.
May magagawa pa ba?




Kung pigilan ba kita,
Hanggang sa huli paglaban ka?




Dati pakiramdam ko na buhay lang ako para manatiling nakatayo sa isang madilim na silid na wala kang maririnig. Pero hindi ko namamalayan na unti-unti na pala akong namumulat sa katotohanan at liwanag. Katotohanan na kaya kong lumaban, at liwanag patungo sa kapayapaan.




Makikinig ka ba?



Hindi ko naman pinangarap na mahalin ako ng isang lalaki. Dahil pinangarap ko na mahalin ako ni Mommy.



Na buhay ako sa mundo para magdusa at kamuhian.



Kaya mahirap para sa akin ang manatili pang humihinga. Pero minsan gusto kong mabuhay para makasama siya.



"Kumusta ang b'yahe? " tanong niya mula sa malalim niyang tinig.




At ang marinig ang boses niya ay parang may kumalabit sa puso ko at dahilan nang pag talon nito. At bigla napawi lahat ng sakit na kanina ay bumalik at bigla ay parang gusto ko siyang yakapin. At isumbong lahat ng mga nanakit sa akin, pero bigla kong na ala-ala na isa rin pala siya sa mga nanakit sa akin.




"Ayos lang... "




Nang makita ko ang mga mata niya nakita ko rin doon ang isang emosyon na hindi yata nagbago magpasahanggang ngayon.



Sa dapit-hapon.
Ng pag-ibig natin.


'Di kita, kayang iwan.



Sobrang tahimik naming dalawa. Na halos tunog lang ng makina ang maririnig. Pero nararamdaman ko ang mga titig niya sa akin.




"Semicolon ba 'yan? " biglang tanong niya sa tattoo ko.



Natigilan ako. Umawang ang labi ko. It's still the same. Marami pa rin siyang napapansin. "Oo... "



Tiningnan ko siya para makita ko ang reaksiyon niya. Pero nabawi ko rin ang tingin ko nang masalubong ko ang kulay bughaw niyang mga mata.




Wala pa ring nagbago. Kaya pa ring pabilisin ng tibok ng puso ko ang bughaw niyang mga mata.




"May boyfriend kana ba? " napaawang ang labi ko sa tanong niya, nagulat lang ako. Kasi mabuti pa siya nagagawa niyang tanungin ako ng ganiyan, samantalang ako ay parang naipit ang dila at hindi makapag-salita. Siguro sa aming dalawa ako lang ang pinaka apektado.




In The Mindst Of Uncertainty (Casa Bilarmino #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon