Kabanata 10

193 3 0
                                    

Kabanata 10








Binuksan ko ang pinto ng aking k'warto at walang salita-salitang nilapitan ang aking kama at pagod na humiga.

Ipinikit ko rin ang aking mga mata kasabay naman nun ang pagtulo ng mga luha ko na tila wala ng balak pang tumigil.


Humigpit ang hawak ko sa kumot ko at binalot muli ng galit ang aking puso.


May kumatok sa pinto kaya naman nagdilat ako ng mata at nakita ko si Kuya Rainillo.


Umupo ako. "Bakit ka nandito? " malamig na tanong ko sa kaniya.

Nakatitig lang siya sa akin. Kakaiba rin ang klase ng tingin niya sa akin. Parang sinusuri ako.


Nilapitan niya ako at kinapa ang aking noo. Tinabig ko naman iyon sa inis.

"Ano ba? " iritang tanong ko sa kaniya.

"May sakit kaba? "

Hindi ako nakasagot sa tanong niya. Pakiramdam ko din. Parang ang sama ng pakiramdam ko. Nahamugan din yata ako.


Nag-iwas ako ng tingin. At napaisip. Wala sila ng mga oras na kailangan ko sila.


Hindi ko naiwasan ang pamamasa ng mga mata ko kaya naman lumuhod sa harapan ko si Kuya at hinawakan ang aking pisngi at marahang pinunasan ang luhang bumagsak sa aking pisngi.

"A-anong nangyari? " tarantang tanong niya na may halong pag-aalala .

Nang marinig ko ang boses niya at pagtatanong niyang iyon ay parang gusto kong mag sumbong sa kaniya.

Pakiramdam ko sobrang bigat ng nararamdaman ko. Parang hindi ko na kaya. Sobrang bigat na.

Sinubsob ko ang aking mukha sa kaniyang balikat at doon umiyak pero hindi ko pa rin sinasabi sa kaniya ang dahilan.

Ang lungkot lang at ang sakit dahil wala man lang akong masabihan sa takot na baka mangyari rin sa kanila ito.

"Ano bang nangyayari? " clueless na tanong sa akin ni Kuya. Hinawakan pa niya ang aking balikat para iharap ako sa kaniya.

Humikbi ako. Iniyak ang lahat ng sakit. Doon dinaan lahat ng mga salitang hindi masabi.

"Mharissa, please tell me! " pagmamakaawa niya at bahagya pa akong niyugyog.

Yumuko ako at umiling. Kaya naman napaupo siya at napasuklay sa kaniyang buhok.



"Ano ba?! Bakit ba ayaw mo?! " pagalit ng tanong niya.



Tumayo siya sa inis at mabibigat ang bawat hakbang na ako'y iniwan.

Napaiyak na lang ako dahil doon. Nadagdagan pa lalo ang bigat sa dibdib ko. Hindi niya rin ako maiintindihan dahil dito palang ay iniiwan na niya ako. Pakiramdam ko wala talaga akong taong malalapitan para sabihin ang lahat ng ito.

Napatakip ako sa aking bibig. Sakto naman na bahagyang bumukas ang pinto at doon ko nakita si Daniela na nakasilip at inosenteng nakatingin sa akin ang mga mata nito.

At dahil sa klase ng tingin niyang iyon ay mas lalo akong nakaramdam ng takot na mawalan siya ng magulang sa oras na magkagulo ang lahat.

Kapag may ipinaglalaban ang isang pamilya na tinututulan naman ng isang pamilya ay idadaan nila ito sa dahas. Para mapagtagumpayan ang lahat.



"Ate, okay kalang po ba? "

At sa unang pagkakataon ay may isa sa mga pinsan ko ang nag tanong sa akin nun.


In The Mindst Of Uncertainty (Casa Bilarmino #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon