Kabanata 16

178 1 0
                                    

Kabanata 16









Mahirap pala kapag may batang nasa sinapupunan mo, hindi lang ikaw ang kakain kundi siya kaya dapat marami kang kinakain. Lagi kang gugutumin at may morning sickness ka pa. Palagi kang makakaramdam ng pagkahilo at kahit mabango babaho sa pang-amoy mo. At kung anu-ano na lang ang kinakain ko na ayaw ko naman noong kainin.




"You are five weeks pregnant, Misis, " nakangiting sabi sa akin ni doktora.





At sa loob ng limang linggong pagdadalang tao ko ay wala akong ibang ginawa kundi ang iwasan nang iwasan si Dante. Palagi kaming tahimik. Bumababa rin ako sa tuwing kakain nga lang. Dahil nakakahiya naman kung magpapadala ako ng pagkain sa loob ng kwarto. Kapag naman matutulog ay ako ang sa kama at siya naman ay sa sofa at kagaya nang dati ay wala pa ring imikan kahit pa ramdam kong ngaling-ngali na siyang kausapin ako.





"Dapat nagpapahangin ka, hija. Para naman makalanghap ka ng sariwang hangin. " puna sa akin ng Mommy ni Dante habang kumakain kami.





"Ah, Mom. Masama po kasi ang pakiramdam ni Risa nitong nakaraan kaya hindi siya makalabas. " singit ni Dante sa tabi ko.





Risa? Kailan pa umikli ang pangalan ko?






"Sasamahan ko na lang po siya mamaya," dagdag niya.





Tumango naman ang ginang na tila kuntento na sa paliwanag ng anak.





Pero nagsalita rin itong muli. "Ah, nga pala. Kailan kayo magpapakasal? " tanong niya na siyang pagkatigil ko sa pagkain.






Wala sa sarili na napatingin ako kay Dante na biglang naging seryoso.



Gayunpaman ay nag-aalangan siya sa isasagot niya sa kaniyang ina kaya ako na ang sumagor.




"Hindi po ako magpapakasal... " sagot ko na ikinatigil nilang lahat lalo na siya na para bang malaki ang nawala sa kaniya.





Nakita ko naman ang bahagyang pagtaas ng kilay ng ginang na tila hindi nagustuhan ang desisyon ko.






"At bakit naman hindi? Magkaka-anak naman na kayo—"




"Hindi naman po namin mahal ang isa't isa. "





Doon na sumingit si Lily. Napatayo ito sa iritasyon na nadarama. "Sinasabi mo ba na kailangang mahalin kapa ng Kuya ko para lang pakasalan ka niya? Aba ang kapal naman ng mukha m—"




"Lily. " pag tawag sa kaniya ni Doncillo kaya tumigil si Lily at padabog na naupo. Kahit kalamado ang pagkakatawag sa kaniya ni Dante ay kay bigat nun sa damdamin para sa isang katulad ni Lily na dinaig pa ang ipinagkanuno.




Binalingan naman ako ni Doncillo. "Ano ang plano mo? Dahil diyan sasama ang tingin sa amin ng pamilya mo. Baka isipin nila ayaw namin sa'yo."




Talaga namang ayaw niyo sa akin eh.






"Grandpa, Mom. Hayaan niyo muna kaming pagplanuhan ito. " tumayo si Dante at tumingin sa akin. Malamig ang klase ng tingin niya sa akin.






"Aalis na kami. Magpapahangin lang," malumanay ang boses nito at saka ako hinawakan sa kamay at maingat na hinila.




Saka niya lang ako binitawan nang makarating kami sa kubo na nasa likod ng mansyon nila na kung saan may sapa. Kubo siya na kung saan yari sa kawayan at walang likod upang makita ang magandang pag-agos ng tubig sa sapa at para presko. Parang ginawa ito para gawing tambayan nila.





In The Mindst Of Uncertainty (Casa Bilarmino #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon