Kabanata 26
Minsan sa sobrang paghihirap ko sa mundong ito gusto ko na lang na maglaho na parang isang bula.
Walang kabuluhan ang istoryang ito. Puro na lang sakit at paghihirap ang nararanasan ko.
Someone gave me a boquet of blue iris blossom. Sumisimbolo ng pag-asa at pananampalataya.
Palagi naman akong umaasa. Nagsasawa na nga ako eh. Palagi naman akong nasasaktan, parang wala rin akong karapatang tumawa kasi alam kong mamaya ay iiyak ako.
"Dinala ko pala 'yong mga binili natin noong gamit para kay baby. " sabi ni Dante at nilapag sa sahig ang box na may lamang gamit ni baby.
Nakaramdam ako ng inis. Hindi ba niya nakikita na hanggang ngayon hindi ko pa rin matanggap ang lahat?
Lumipad ang palad ko sa pisngi ni Dante. Halata namang natigilan ito. Pero hindi ito gumalaw o nag salita man lang.
Tinggap niya ang galit ko.
Kumuyom ang kamao ko. "Anong pinupunto mo? Hindi mo ba nakikita na hindi ko pa rin natatanggap ang lahat?! Tapos ang lakas ng loob mong dalhin ang mga iyan sa akin!" bahagyang tumaas ang boses ko, at nanunumbat din ang tinig.
Biglang naging seryoso si Dante. "Kailangan mong tanggapin, Mharissa! " tumaas din ang boses nito.
Sinampal ko siya ulit. "Wala kang karapatang sabihin iyan, Dante! Dahil hindi naman ikaw ang nasasaktan ng sobra! Hindi lang ikaw ang nagmamahal sa kaniya! Ina ako, Dante! Kaya alam ko iyong pakiramdam na mawalan ng anak!"
Hinarap sa akin ni Dante ang kaniyang mukha. Lumapit siya at hinawakan ang mag kabilang balikat ko.
"Nasasaktan din ako, Mharissa! Anong tingin mo sa akin manhid?!"
Pagak ko siyang tinawanan at bahagyang tinulak. "Nagpapatawa kaba? " biglang nabasag ang boses ko. Nag-iwas ako ng tingin at mariing dinuro ang dibdib niya. "K-kung tao ka bakit hindi mo nararamdaman noon n-nasasaktan ako sa mga kilos mo? At kung tao ka at may pakiramdam bakit hindi mo naramdaman na kailangan ka namin ng anak mo?"
Natigilan siya sa mga sinabi ko. Pero 'yong mga mata niya ay parang humihingi ng tawad.
Umatras ako at suminghap. Mariin kong sinuklayan ang aking buhok sa pamamagitan ng aking kamay.
"M-malinaw na ang lahat, eh. K-kasi siya ang p-pinili m-mo. K-kasi s-siya ang mahal mo, h-hindi ako. Pero hindi ko lang matanggap iyong sarili ki iyong nagpapahina sa akin para mag-isip ng mga negatibo, at dahil doon nawala si baby." iyak ko. At walang katiyakan na titigil pa sila sa pagtulo.
"Ikaw ang mahal ko, hindi siya... "
"Eh bakit ka palaging nasa tabi niya?! Pero noong mga panahon na kami na ang nangangailangan ay wala ka." Putol ko sa kaniya.
Napahilamos siya sa mukha niya. "Depressed si Miriam noon, Mharissa! My ghad. Kailangan niya ng taong magpapakalma sa kaniya—"
"Kaya ka nag presinta! " bintang ko sa kaniya.
Napahawak sa sintido si Dante at tila pinapakalma ang sarili. Habang ako naman ay humagulgol lang.
Narinig ko siyang nagpakawala nang malalim na buntong-hininga at hinawakan ako sa balikat at hinila palapit sa kaniya. Naramdaman ko ang malambot niyang labi na dumampi sa aking noo.
![](https://img.wattpad.com/cover/333087867-288-k366449.jpg)
BINABASA MO ANG
In The Mindst Of Uncertainty (Casa Bilarmino #4)
Lãng mạnCasa Bilarmino #4 Sa mundong walang katiyakan ang lahat ng bagay. Nabuhay si Mharissa Chole Bilarmino Saler na walang ibang ginawa kundi ang patunayan ang mga bagay na kaya niya. Para siyang eroplanong papel sa ere, hindi alam kung saan lalanding. W...