Kabanata 21

293 3 0
                                    

Kabanata 21







Unti-unting nalukot ang picture ng ultrasound habang nakatitig ako roon habang tumatagal. Wala ring katiyakan kung kailan titigil ang mga luha ko.




Nakakulong ako sa banyo habang yakap-yakap ang sarili ko. Lumong lumo ako at basag na basag ang puso ko.




Hinang-hina na ako. Parang susuko na ang katawan ko. Nawalan ako ng anak. Ang hirap isipin na yung mga pangarap ko sa kaniya ay naglaho na lang na parang isang bula.




Natatakot ako sa sarili ko noon kasi baka hindi ako maging mabuting ina sa kaniya. Pero nang makita ko siya sa monitor ay doon ko nasabi sa sarili ko na magiging mabuting ina ako sa kaniya na kaya ko. Winaksi ko ang lahat ng takot ko at pag agam-agam para sa kaniya. Pero ngayon, wala na siya. Hindi ko na siya makikita pa. At hindi na mahahawakan pa.






Niyuko ko ang aking tuhod. Bigla ay parang gusto kong sumigaw sa sobrang sakit na nararamdaman ko. Parang gusto kong ihagis lahat ng mga gamit na mahahawakan ko at parang gusto kong saktan ang sarili ko.




"S-sorry, w-wala a-ako... " narinig ko siyang nag salita sa likod ng pinto.




Lalo akong napaiyak nang marinig ang boses niya. Nilukob muli ng sakit ang buong sisema ko at muling bumalik sa 'kin lahat-lahat. Nadagdagan silang muli. Parang sinasaksak ang puso ko sa sakit. Parang gusto ko na lang mawala sa sobrang sakit.






Nakakapanghinang isipin na pinili niya si Miriam kaysa sa akin. Sobrang sakit. Palagi na lang siyang wala, tanggap ko naman eh. Pero no'ng araw na iyon ang pinaka hindi ko matanggap. Nawala ang anak namin na wala rin siya sa tabi ko.




Pareho silang nawala sa tabi ko.




Siguro makakaligtas pa sana ang bata kung nando'n siya at naagapan naming makapunta sa hospital.




Tumayo ako at kumuha ng suporta sa inidoro.



Bago ko binuksan ang pinto ay bumuntong-hininga ako. Pinapakalma ko ang sarili ko. Pero sunod-sunod na tumutulo ang mga luha sa mga mata ko. Parang ulan na hindi tumitigil sa pag buhos.





Binuksan ko ang pinto at nakita ko siyang nakatayo at nakayuko sa harapan ko. At ang makita siya ay siya ay parang hindi ko kaya kasi mas lalo lang akong nasasaktan sa tuwing sasagi sa isip ko ang paglisan niya. Parang bumabalik ang sakit. Na kahit anong klaseng takas pa ang gawin ko ay babalik at babalik pa rin sila sa tuwing makikita ko ang lalaking ito.




Kumuyom ang kamao ko. Gusto ko siyang saktan pero may magagawa pa ba iyon para maibalik ang buhay ng anak ko?





Hinawakan niya ang kamay ko at ginamit niya iyon para suntukin ang sarili.



Umalog ang magkabilang balikat niya senyales na umiiyak siya. "Suntukin mo'ko, " basag ang nanlalamig nitong boses.





Tumulo lang ang mga luha ko. Kumuyom ang kamao ko lalo at binawi ko iyon pabalik bago ko pa siya masaktan.




Punong-puno nang hinanakit at poot ang puso ko. Na sa tuwing nakikita ko siya ay parang mas nanaisin ko na lang ang mamatay kaysa sa makita siya at makasama.





Nilagpasan ko siya pero hindi pa ako nakalalayo sa kaniya ay naramdaman ko ang mainit niyang katawan na yumapos sa akin mula sa aking likuran.





Maingay akong umiyak dahil doon. Wala ng pagmamahal. Puro na lang sakit ang nararamdaman ko. Ang hirap niyang mahalin...



Pilit kong binabaklas ang mga kamay niyang nakapalibot sa aking baywang pero mas lalo lang humigpit ang pagkakayakap niya sa akin. Na tila ba humihingi ng tawad.




"A-ano b-ba?! " hikbi ko. Hindi ko na napigilan ang basag kong boses. "B-bitawan mo a-ako! A-ayaw kitang s-saktan, D-dante. K-kahit p-pa ilang u-ulit m-mo n-na akong n-nasasaktan!"



"S-saktan m-mo ako. H-hindi ako iilag. Tatanggapin k-ko lahat, Mharissa. P-please h-huwag mo lang akong i-iwan," tumatangis na pagmamakaawa niya sa akin.




Mapait akong ngumiti. "Bakit pa ako mananatili kung tapos na ang lahat? " malamig na sagot ko sa kaniya at muling tumulo ang mga luha sa pisngi ko.





Wala ng buhay ang mundo ko. At ano pa ang saysay ko para magkaroon ng buhay 'to?





"Ang hirap mong mahalin, Dante... P-palaging m-may takot sa puso k-ko." sabi ko na siyang pag luwag ng pagkakayakap niya sa akin na siyang dahilan kung bakit ako ka agad nakawala sa kaniya.





"Hindi mo naman ako minahal, eh, " mapait na sambit niya na ikinatawa ko nang pagak.



"Minahal kita, Dante. Pero puro lang sakit at takot ang ipinaparamdam mo sa akin. P-pero minahal p-pa rin kita sa kabila ng nga i-iyon. At h-hindi ko inaasahan na sa sobrang p-pagmamahal k-ko sayo a-ay doon m-mawawala ang a-anak n-natin, " basag na basag ang tinig ko habang puno nang poot na nakatingin sa kaniya na tila natauhan.



"Siya ang pinili mo... You chose my cousin over me and your daughter! Kaya h-huwag ka ng umasang mamahalin pa kita sa kabila ng ginawa mo! "




Umatras ako nang abutin nito ang kamay ko na tila hahalik pa. Ayaw ko, mas lalo lang akong manghihina. Kahinaan ko iyon.






"Bakit nagkakagulo rito? " narinig ko ang boses ni Doncillo sa pintuan kaya nilingon ko ito.




Seryoso ang mukha niya at nasa tabi niya ang Mommy ni Dante at si Lily na walang emosyon na nakatingin sa akin pero hindi siya magaling mag tago ng emosyon. Nakita ko pa rin ang awa sa mga mata niyang iyon.



Tumulong muli ang mga luha ko nang maalala ko kung paano nila ako pahirapan at takutin ni Doncillo.




Ayaw nila sa akin. Hindi nila ako gusto para kay Dante. At alam niyo ba yung hirap at bigat sa pakiramdam na parang hindi ka welcome sa pamamahay nila? Na parang isang katulong ka sa mga mata nila at basura?




"Hindi mo na ako matatakot. Dahil kusa akong aalis sa pamamahay na ito! Hindi niyo na makukuha ang anak ko dahil pinatay na rin naman na siya. " isang libong patalim na tumarak sa akin ang mga masasakit na salitang iyon.



"Mharissa... " pagmamakaawa nang umiiyak na si Dante na nasa likod ko.



Hinarap ko siya. At sa pagkakataong ito ay nilapitan ko siya at binigyan ng isang halik sa pisngi.



"Hindi k-kana mahihirapan pa, D-dante. K-kasi pakakawalan na kita..."



"Hindi ka na magpapakahirap pa na m-mag ipon p-para g-gumawa ng bahay dahil w-wala na ang pamilya mo na m-matatawag mong iyo. " lalong lumakas ang iyak niya dahil sa sinabi ko.



Kahit galit ako sa kaniya ay nasasaktan pa rin akong marinig na umiiyak siya.




"Huwag k-kang umiyak, D-dante. S-sana inisip mo y-yan bago mo s-siya pinili. "




At sa kwentong ito. Dito mag tatapos ang lahat. Kahit pa mag tapos ang buhay ko na puno ng hirap at walang katarungan.



Mamamatay ako na walang nakamit na hustisya. Mawawala ako sa mundo na may naiwang tao. Pero mabubuhay ang alaala ko sa kaniya.





Kung mawawala man ako magiging masaya pa ako. Dahil sa mundong ito wala akong lugar na matatawag kong kapayapaan.









Don't forget to vote, comment and share your thoughts my shinecils^^

In The Mindst Of Uncertainty (Casa Bilarmino #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon