Special Chapter

432 6 5
                                    

Not edited.

Special Chapter


Tapos na ang lahat pero nandito pa rin ako. I'm still waiting and looking for her. Pero kahit anong klaseng paghihintay ang gawin ko alam kong hindi na siya magiging akin...


Noong huling kita ko sa kaniya sa simbahan parang kalahati sa akin ang nawala.


Hindi ko man lang na sabi sa kaniya na mahal ko siya na kaya ko siyang itakas sa simbahan basta sabihin niya lang sa akin.

But when I saw how her eyes spark that day my hope was slowly losing just like my step on the church. Parang pinipiga iyong puso ko, may pag-asa pa akong nararamdaman pero noong nakita ko iyon nawala iyong pag-asa ko.

Parang sinasabi ng puso ko na I should go... I should go to far away from her to forget her.


But before I go I want her to read my letter for her. Pero ayaw kong ibalik iyong sakit na nararamdaman niya noon dahil sa akin. Kaya itinago ko na lang iyong letter.





Gusto kong magpakalayo sa lugar na kung saan nagpapa-alala sa aming dalawa. Pakiramdam ko nasasakal ako. Hindi ko kayang agawin siya sa Kuya ko dahil kahit gaano ko pa siya kamahal ay hindi ko siya maipaglalaban kung sa taong mahal na niya ang usapan.


"Maligayang pag dating sa La Sierra!" Masiglang sabi sa akin ng isang babae. Maputi siya at maganda, hindi nakakasawa ang ganda niya. Pati ang ngiti niya ay maganda.


Nangingislap sa saya ang mga mata niya habang nakatingin sa akin.

"Hi, Sir! I'm Thariana Marydale Aquino po! Enjoy your stay here po, Sir!"


Ngumiti lang ako sa kaniya. There's something in her eyes when she's looking at me.



Nakikita ko ang sarili ko sa kaniya. At iyong emosyon na nararamdaman ko kay Mharissa sa tuwing nakatingin ako sa kaniya.




I don't want to fall again. Ayaw ko lang na masaktan siya dahil alam kong mahal ko pa rin si Mharissa at walang papalit sa kaniya rito sa puso ko.


But Thariana is such an angel. She's sweet and she's always smiling. Kaya mas lalo siyang gumaganda.


Simple lang ang ganda niya. Morena siya at pang isla ang kinang ng bilat niya. Bahagyang kulot ang dulo ng mahaba niyang buhok na sa liwanag ay nagiging kulay kayumanggi and pointed nose.




Kapag nabibilad siya sa araw ay namumula ang mukha niya lalo na ang ilong niya. Mukha siyang tinapay na bagong luto at mamula-mula pa.




I'm enjoying my stay here while thinking of her, Mharissa. I'm just thinking if she's okay and happy.




I want to know her words while marrying my brother. Gusto kong malaman kung iniisip ba niya ako habang ikinakasal siya sa kapatid ko.




At gusto kong malaman kung minahal ba niya ako minsan. I want a sign, kasi kung oo man ang sagot ay aagawin ko siya kay Kuya.




"Mharissa is pregnant..." Napatulala ako dahil sa nalaman ko mula kay Rainillo, her older brother.




Suguro ayon na iyong sign para ilayo ko na ang sarili ko sa kaniya, to move on and to make a new life without her.




"Sir, tama na po lasing na po kayo..." Narinig ko ang boses ni Thariana at nararamdaman ko pa ang kamay niyang nakahawak sa kamay ko at pilit na inaagaw ang kopitang hawak ko.






In The Mindst Of Uncertainty (Casa Bilarmino #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon