Kabanata 6
"Are your wounds okay? And your hand? Do you want me to buy you some food? " sunod sunod na tanong sa akin ni Dante.
I sighed and looked at him tiredly. I don't know what he is doing here.
Tinaasan ko siya ng kilay. "Why are you here? "
Nginitian niya ako bago sumagot. Nag hila rin ito ng upuan at luminga rito sa loob ng library, tinapat pa niya ang kaniyang daliri sa kaniyang labi upang patahimikin ako na ikinaningkit ko naman ng mga mata. Ngunit ikinaiwas ko rin ng tingin sa bandang huli.
Damn it. Ano bang problema ng isang ito?
"What do you need? I don't need your service, " pagtataray ko.
Ibinalik ko ang aking mga mata sa binabasa ko. Nagkunwari na busy, pero paano nga ba mag kunwari? Eh presensya pa lang niya napakalaki ng distraction para sa akin.
"Pag sisilbihan kita, Ma'am. Kahit walang bayad, basta mapangiti lang kita, " nakangisi nitong litanya.
Damn you, Dante!
Inayos ko ang aking salamin. At malamig siyang tinignan.
"Sa pagkakatanda ko wala akong hina-hire na aplikante para pangitiin ako."
Marahang tumawa si Dante at nakita ko ang pamumula ng ilong niya. Na ikinataas lalo ng kilay ko, dinaanan pa ng dila niya ang kaniyang mapupulang labi at mapang asar akong tinignan. Na ikinasimangot ko lalo.
"Edi i-hire moko. Pero gusto ko ako lang."
Ngumiwi ako, nang aasar ba ang isang ito?
Tumayo ako at niligpit ang mga libro ko.
"Ngumiti ka kaya, ang pangit mo kapag nakasimangot ka. " puna niya sa nakasimangot kong mukha habang nagliligpit ako ng mga libro ko.
Napatigil ako at malamig siyang tinignan.
"I don't care, " malamig kong tugon at tuluyan ng umalis.
Hindi ko namalayan na sinundan pala niya ako. Akmang haharapin ko na sana siya ng biglang sumulpot sa likod ko ang mga kaibigan niya, na siyang ikinatigil din niya sa pag sunod sa akin.
"Hey dude! "
"Tara laro tayo sa court! "
"Dude may chicks doon oh, let's go! "
Nilingon ko siya at nakita kong nasa akin ang bughaw nitong mga mata. Na may bahid ng iritasyon dahil sa mga kaibigan niyang humarang sa dadaanan niya.
Nag iwas ako ng tingin at tuluyang tumalikod. That's good, sumama kana lang sa mga kaibigan mo. My heart is not good, something like. Weird, maybe?
Ngumiwi ako. Maganda nga yung dumating ang mga kaibigan niya, ayaw ko na may maingay sa paligid ko at sunod nang sunod sa'kin.
"Kulang ka ng piso, " masungit na sinabi sa akin ng tindera sa canteen at tinaasan ako ng kilay.
Tumikhim ako at napanganga. Really? Piso? Wala nabang pera ang isang ito pati piso sinisingil?
Bumuntong-hininga ako at dumukot sa pouch ko. Pero hindi ko pa man nailalabas ang piso ko ay may nag abot na sa tindera na siyang ikinatigil ko sa pagkuha ng pera.
Nag-angat ako ng mukha upang matignan kung sino ito. At bigla nalang lumamig ang tingin ko sa kaniya ng mamukhaan ko siya.
Umirap ako at tuluyan ng kinuha ang tray at nagmamadaling umalis. Na kaniya rin palang ginawa.
Hindi ba niya ako tatantanan? At isa pa, hindi siya pwedeng maging si Abraham. Dahil si Abraham lang kaya ang gusto ko. At hindi na magbabago iyon.
Kahit hindi ikaw ang gusto niya? Grr. Kainis.
Alam ko rin kung bakit gano'n nalang ang galit ni Mommy sa pamilya nila.
Dahil nandodoon ang kabit ni Daddy, ang kapatid ng ama nina Abraham. Si Sanya Cora Alvaro.
Bumuntong-hininga ako at hinarap ito. "Pwede ba?! Tigilan mo na ako?! " naiirita kong sabi at mabilis siyang tinalikuran at madidiin ang bawat hakbang na lumabas ng canteen.
Ngunit sa 'di malamang kadahilanan ay unti unti kong napapansin ang pag bagal ng mga hakbang ko at ang pag lingon ko sa kanya. Sumalubong sa akin kaagad ang bughaw nitong mga mata, na tila nagulat sa nangyari ngunit nando'n ang sakit. Those eyes, they are not worthy of me...
Nag iwas ako ng tingin. Parang na guilty ako bigla, pero yung puso ko. Parang nawawasak....
"Hindi ba siya nakakapag salita? " kuryosong tanong ni Jennyrose habang titig na titig sa babaeng kasama nina Adonis.
Katabi niya si Adonis habang nakikipagtitigan kay Kuya Jarrel na malamig na nakatingin ngunit nakikita ko ang emosyon sa mga mata niya. Kasama drin pala niya ang girlfriend niyang makapit na akala mo'y aagawin ng kung sino si Kuya eh hindi rin naman magiging sila sa huli.
"Ata? Pinsan ba siya nina Abraham? " tanong ni Faith na nakatingin din.
Napatingin ako sa kaniya. Dahil hindi naman siya nakatingin sa babae, kundi kay Abraham. Ngayon, silang dalawa ay nakatingin na sa isa't isa.
Parang may bura sa lalamunan ko. Nag iwas ako ng tingin, at aksidenteng napatingin sa dalagang katabi ni Adonis. At hindi ko namalayan na pinagmamasdan ko na pala ito, nakakaadik siyang titigan. Lalo na ang mga mata nito, matangos ang ilong nito at hugis puso ang mamula mula nitong labi.
Morena ito at makinis, sakto lang ang kapal ng kilay niya sa kulay ng balat niya. Mahaba ang buhok niyang kulot na hanggang baywang. May bangs din ito na mahaba na hanggang pisngi ang abot. In one word, she's so gorgeous. Ang lakas ng karisma niya, parang mapapaluhod ka ng wala sa oras. Parang nakakatakot siyang hawakan kasi parang mababasag siya ng wala sa oras. Parang nasa kaniya na ang lahat, parang pinagpala siya ng mga bathala sa pagiging maganda. Parang may side siya ng pagiging island girl like tribo?
Umayos ng tindig si Kuya Jarrel at namulsa habang hindi pa rin iniiwas ang tingin sa dalaga. "She can't speak, because she was mute. And she's my classmate. " sagot niya bago kami tinalikuran upang sumakay ng kabayo.
Bumalik ang tingin ko sa dalaga na nakasunod pa rin ang mga mata kay Kuya Jarrel.
Did she like Kuya Jarrel? Bigla nalang iyong pumasok sa isip ko. And this is not good, hindi sila bagay. Ayaw namin na may taong makapasok sa pamilya namin na kamag anak ng kabit na 'yon.
Tutulungan ko si Mommy na paglayuin ang sinuman sa kanila ang mapalapit sa mga pinsan ko.
"Mom what is that? " tanong ko habang nag tatakang nakatingin sa Plain Cotton V Neck Button Front W/Raffles Women Casual Long Dress na nasa kama.
Nilingon ko siya. Bahagyang tumaas ang noo niya at dahan dahang nag lakad papalapit sa kama at kinuha ang damit at lumapit sa akin para i-tapat iyon sa aking katawan.
"You are about to get married, Mharissa. And don't object to what I want. Do you understand? " sabi nito at seryosong tumingin sa aking mga mata.
Parang may nagbara sa lalamunan ko at para akong binuhusan ng malamig. The fvck, ikakasal ako. At sa pagkakataong ito, doon ko talaga masasabing 'wag na akong umasa pa na magiging malaya pa ako.
Don't forget to vote, comment and share your thoughts my shinecils^^
BINABASA MO ANG
In The Mindst Of Uncertainty (Casa Bilarmino #4)
RomansaCasa Bilarmino #4 Sa mundong walang katiyakan ang lahat ng bagay. Nabuhay si Mharissa Chole Bilarmino Saler na walang ibang ginawa kundi ang patunayan ang mga bagay na kaya niya. Para siyang eroplanong papel sa ere, hindi alam kung saan lalanding. W...