Kabanata 13

141 4 0
                                    

Kabanata 13








Pabalik-balik akong naglakad sa likod ng building. Hindi mapakali. Ano na lang ang sasabihin sa ’kin nila kung sakali mang malaman nila ito?


Takot na takot ako. Parang naduduwag ako. Sa tuwing naiisip ko si Mommy sumasagi sa isip ko ang galit niyang mukha.

Yumuko ako. Nalilito na ako. Ipapalaglag ko ba ang batang ito? Pero doon ko naisip ang magiging future nito kung sakali mang mawala siya sa akin. Magagalit siya sa akin kapag nalaman niyang pinatay siya ng sarili niyang ina.



Napahawak ako sa aking noo. Bakit ngayon pa ako aatras gayong nandito na siya sa t'yan ko?



At bakit hindi ko naisip iyon noong mga panahong nangyayari sa amin iyon? Dahil siguro sa pag-aaalala ko na baka sirain ni Dante ang relasyon nina Faith, kahit hindi ko responsibilidad ay kailangan ko pa ring pigilan si Dante sa binabalak niya dahil ayaw kong masaktan si Faith. Pero gano'n naman talaga ang pag-ibig. Kahit anong klaseng iwas mo ay masasaktan kapa rin at mag-mamahal.









"Hey." Pang-aagaw sa akin ng pansin ng taong nasa likod ko.





Nilingon ko ito. Doon ko natagpuan si Dante. Nakapamulsa ito at bukas ang dalawang botones nito sa bandang taas at bahagya ring magulo ang buhok nito. May sigarilyo pa siya sa labi niya. Kaya naman itinapon niya iyon sa lupa at tinapakan para mawala ang apoy.






Pinapanuod ko lang siya sa bawat galaw niya. Ngumiti siya sa akin nang matamis na halos aabot sa mga mata. Makikita mo rin sa mukha niya na natutuwa siyang makita ako ngayon.






Kumabog naman ang dibdib ko at parang kagaya ng nararamdaman niya ay ang nararamdaman ko rin ngayon.







Humakbang siya papalapit sa akin kaya mas lalo akong nag dalawang isip kung sasabihin ko pa ba sa kaniya. Iniisip ko ang pag-aaral naming dalawa. Pero huli na para umatras pa ako dahil may nabuo na.







"Kumain kana ba? " tanong niya sa akin at saka ako hinalikan sa noo na hindi ko ka agad na iwasan.





Hindi na ako nagulat pa dahil palagi niya namang ginagawa iyon.






Umiwas ako ng tingin sa mga mata niya. Para kasi akong napapaso at nanghihina ang tuhod ki.





Bahagya akong yumuko. "Oo... Kumain na ako... " mahinang sagot ko.







Naramdaman ko naman ang tila pagkatigil niya kaya naman nag-angat ako ng tingin sa kaniya.







Nakatitig siya sa akin. Puno ng pag-aalala ang kulay bughaw nitong mga mata.





"Namumutla ka. May sakit kaba? " tanong niyang muli at hinawakan ang aking noo.






Namilog ang mga mata niya. "Ang init mo. Mag pahinga ka kaya muna? "






Masama nga ang pakiramdam ko. Hindi ko alam kung may kinalaman ba roon ang pagbubuntis ko.






Marahan kong hinawi ang kaniyang kamay na nasa aking noo na siyang pag kagalaw ng kaniyang panga. Mukhang nairita siya sa ginawa kong iyon.






"Okay lang ako... " malat din ang aking boses ko.






Nagsalubong ang kaniyang kilay. Habang ako naman ay kinuha sa bulsa ng aking palda ang PT at inilahad sa kaniya at tiningnan siya.




In The Mindst Of Uncertainty (Casa Bilarmino #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon