Kabanata 4
"Ang sexy pala ni Mharissa. "
"Laki ng boobs pare. "
"Na-rape yata pare HAHAHAHA. "
Naikuyom ko ang aking kamao at suminghap sa galit. Matalim kong tinignan ang nag salita nun. Nahuli ko pa siyang nakatingin sa dibdib ko na siyang ikinatagis ng bagang ko at ikinagalit ko lalo.
Madidiin ang bawat hakbang ko at nang makalapit sa kaniya ay agaran ko siyang sinuntok.
Natumba siya sa sahig habang ang mga kaibigan naman niya ay nagulat sa ginawa ko.
Malamig ko lang silang tiningnan isa-isa. Napupuno na ako ng galit. Ngunit ang aking mga mata ay nagsisimula ng mamasa, nabastos ako tangina.
"G-gago... " I murmured weakly.
"Bastos! " malakas nang sigaw ko akmang susugurin ko na sana yung lalaki nang may humigit sa aking baywang papalayo sa kaniya.
Nagtagis ang aking bagang lalo na nang maamoy ko ang pabango ni Dante.
"Bitawan mo nga ko! " madiin kong sabi at sinubukang baklasin ang mga braso nitong nakayapos sa aking baywang.
Ang lakas niya. Kaya wala akong nagawa at nanatili pa rin ako sa mga bisig niya.
"Ano ba?! " pagalit kong tanong sa kaniya sa sobrang inis.
Dahil sa pagkaladkad din niya sa akin. Papunta na pala kami ngayon sa clinic nila.
Sa ngayon ay ang aking pulsuhan na ang hawak niya. Nakatingin din sa amin ang mga naririto. Lalo na yung mga babaeng dahilan kung bakit ako nagkaganito.
Matalim ang klase ng tingin nila sa akin at puno ng pagbabanta. Nanginig ang kaibuturan ko at parang nawalan ako ng lakas. Dahil sa takot na baka gawin nilang muli iyon sa akin.
Sa sobrang takot na naramdaman ko sa mga babae ay hindi ko namalayan na nandito na pala kami sa clinic.
Hindi niyo rin naman kasi ako masisisi. Dahil ayaw ko na napapatawag si Mommy ng principal dahil lang doon.
Pagkarating palang namin sa clinic ay inasikaso na kami kaagad ng nurse. Panay pa ang tanong ng nurse sa amin ngunit abala si Dante sa pag papaupo sa akin sa kama. Pero sinasagot pa rin naman niya ito pero tipid nga lang.
Nang makaupo na ako sa kama ay puno ng pag aalala ang mga matang tinignan ako ni Dante.
"Are you okay? " nag aalala pa ring tanong niya.
Nag iwas ako ng tingin at inalis ang kaniyang kamay sa pagkakahawak sa aking balikat na strip lang ng sando ang nakasabit. Nakakakiliti kasi ang kaniyang kamay, hindi ko alam kung bakit. Malambot ito na parang mamon. Pero alam kong hindi lang iyon ang dahilan.
"I'm okay. " sabi ko sabay tayo, ngunit napaupo rin akong muli dahil maingat niya akong pinaupo pabalik.
"Stay. "
"Kailangang mapagamot iyang mga sugat mo. Ano ba kasing nangyari? " dagdag niya.
Natigilan ako.
BINABASA MO ANG
In The Mindst Of Uncertainty (Casa Bilarmino #4)
RomanceCasa Bilarmino #4 Sa mundong walang katiyakan ang lahat ng bagay. Nabuhay si Mharissa Chole Bilarmino Saler na walang ibang ginawa kundi ang patunayan ang mga bagay na kaya niya. Para siyang eroplanong papel sa ere, hindi alam kung saan lalanding. W...