Kabanata 1

386 6 0
                                    

Kabanata 1






I don't have friends. Because everyone hates me.




Hindi ko nalang iyon pinapansin masyado dahil ano bang magagawa nila sa akin? Wala. Dahil sasaktan lang nila ang damdamin ko.




Pero ang totoo niyan ay nasasaktan talaga ako at gustong-gusto kong magkaroon ng mga kaibigan. Kagaya ng mga pinsan ko.




Pero ayaw kong maging distraction sila sa akin. Meron kasing iba na nag-aaya ng gala.




Yumuko ako para ayusin ang sintas ng sapatos ko pagkatapos ay inayos ko rin ang aking salamin sa mata. At sa pagtayo ko ay may bumangga naman sa akin kaya malamig ko itong tiningnan na hindi ko naman sinasad'ya.



Mabilis siyang yumuko upang humingi ng tawad. "Sorry, Mharissa. Hindi namin sinasadya! " natataranta ito.




Natigilan ako at mabilis na nag iwas ng tingin.

Kung makahingi kasi siya ng tawad sa akin ay para akong mangangain ng tao.

Hindi ko siya sinagot dahil bumalik ako sa puwesto ko.

PE kasi namin ngayon kaya naka-PE uniform kaming lahat, pinapatakbo kasi kami ng teacher namin para ma-excercise naman daw 'yong mga hita namin.

Kalmado lang ako habang tumatakbo at hinahayaan ang mahaba kong buhok na sumayaw sa hangin.

Hanggang sa may bumunggo na naman sa akin.

At humingi na naman ng tawad.




Pagod ko lang siyang tiningnan. Bakit ba ang hilig nilang humingi ng tawad eh paulit-ulit din naman nilang ginagawa?

"Kawawa." nakatawang sinabi ng mga kababaihan sa gilid ko.

Nilingon ko ang mga ito at doon ko nakita sina Patricia, Anna at Marina, mga kaklase ko. Mga bobo.



Ayaw kong maging harsh, pero ayon sila e'.






Nakatingin sila sa akin na tila iniinsulto ako.




Nag iwas lang ako ng tingin at ipinagpatuloy ang pag takbo. Dahil bakit ko sila papansinin e' matagal na nga silang papansin at napapansin?



"Ms Bilarmino! " pag tawag sakin ng PE teacher namin.


Nilingon ko ito at patakbo itong nilapitan.



Hindi pa nga ako nakakalapit sa kaniya nang matumba ako sa sahig dahil may pumatid sa akin.




Napangiwi ako dahil sa sakit ng pagkakabagsak ko sa sahig.





Walang dumalo sa akin para alalayan man lang ako kaya hindi ko maiwasang hindi masaktan.


Sa parteng ito hindi ko talaga kailangan ng tulong ng iba para umangat. Sarili ko lang talaga ang makatutulong sa akin.



Kaya tinayo ko ang aking sarili at malamig na hinarap ang aking guro na nagulat sa pangyayari.




Hindi ko alam kung iyon ba ang dahilan kung bakit hindi niya ako na tulungan.


Tipid ko siyang nginitian pero sa totoo lang ay nag sisimula ng mamuo ang tubig sa mga mata ko.




"S-sa clinic lang po a-ako... " mahinang sinabi ko at mabilis na nag iwas ng tingin. Ayaw kong marinig nila ang nababasag kong boses na ilang oras na lang ay uusbong na.




In The Mindst Of Uncertainty (Casa Bilarmino #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon