Kabanata 27

301 2 0
                                    

Kabanata 27





"Bakit ka nandito, Mharissa? At bakit ka umiiyak? " tanong sa akin ni Miriam at nilapitan ako.


Nasa labas kami ng mansyon at kasama niya si Papa Lo at Mama La na kanina ay nakita kong tinitingnan ang kalagayan ng mga maisan.

Niyakap ko nang mahigpit si Miriam kaya lalo itong naguluhan. Na aawa ako para sa kaniya. Ang laki ng kasalanan namin sa kaniya, kahit pa si Mom ang gumawa nun ay damay na rin kami.


"Mharissa." Pag tawag sa akin ni Mom. Hindi ko naman inakalang susunod siya sa akin.

Tumingin si Miriam kay Mom at binalik ang tingin sa akin.

"Okay kalang ba? " nag-aalalang tanong niya sa akin at hinawakan ako sa kamay. At dahil sa ginawa niyang iyon ay nakaramdam ako ng guilty lalo.

"Bakit ka nandito, Suriaga?" Malamig na tanong ni Papa Lo sa likod namin ni Mommy.


Natigilan ako dahil sa pagbanggit ni Papa Lo sa apelyido nito. Agad ko itong nilingon at nakasalubong ko pa ang bughaw niyang mga mata na talagang inasahan ko na nang banggitin pa lang ni Papa Lo ang apelyido niya.

Umatras ako para lapitan siya. Pero na itigil ko rin ang hakbang ko nang balaan ako ni Papa Lo.


"Isang hakbang papalapit sa kaniya, tutol na talaga ako para sa inyong dalawa, " parang isang kulog ang mga katagang binitawan niya.

Hinarap ko si Papa Lo na wala pa ring emosyon ang makikita sa mukha habang nakatingin sa aming dalawa. Naramdaman ko ang pag hawak ni Mommy sa kamay ko at ang marahang pag hila nito sa kamay ko.

Tiningnan ko siya at nagmamakaawa ang klase ng tingin niya sa akin. Hinawakan ko ang kamay niya at binaklas sa pagkakahawak sa akin. At humakbang papalapit kay Dante.

"Mharissa! " si Mommy mula sa galit niyang tinig.

Hindi ko siya pinansin. Hinarap kong tuluyan si Papa Lo na hindi makapaniwalang nakatingin sa akin.




"Is that your final decision, hija? " malamig ang tonong tanong niya sa akin.

Napalunok ako. Ngayon lang ako nakaramdam ng kaba kay Papa Lo atngayon lang niya ako pinapili. Alam ko namang nakakatakot siya, pero hindi ko inaasahan na mas may ikakatakot pa pala siya ngayon.

"Mharissa, " pag tawag sa akin ni Dante na tila pinapabalik ako sa pinanggalingan ko kanina.

Kumuyom ang kamao ko. "Tumigil ka, baka masapak kita. Sino ba kasing nagsabing pumunta ka rito? " may munting inis na tanong ko sa kaniya.


"Kasi alam mo na. Pero wala ka ng magagawa, makukulong pa rin ako. Kaya mo bang mahalin ang lalaking makukulong sa kulungan habang buhay? " hamon niya sa akin sa huli.

Alam kong mahirap na hindi mo makasama ang taong mahal mo. Dahil naranasan ko na rin iyan sa kaniya. Hindi madali, sa sobrang hirap ng sitwasyon niyo hindi mo maiiwasang hindi maiyak sa sobrang pananabik sa kaniya. Pero may mga oras kasi na kinakailangan niyong maglayo para sa ikabubuti ninyong dalawa.

Pero sa pagkakataong ito. Lalaban ako.

"Papa Lo, bakit kailangan mong idamay ang mga apo ni Doncillo? Wala naman silang kinalaman sa mga nangyari, " buong tapang kong sagot sa kaniya.

Umalma naman si Mommy dahil sa ginawa ko. Pero nasa tabi naman niya si Monique na pinapakalma siya.

"Bumalik ka rito, Mharissa. Hindi minamahal ang lalaking nag mula sa pamilya ng mga kriminal! " sumigaw na ang galit na si Papa Lo.

In The Mindst Of Uncertainty (Casa Bilarmino #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon