Wakas

453 5 0
                                    

Wakas




That girl is in danger. Pero hindi sa bangin, kundi sa mga salitang nakapaligid sa kaniya.

I want to help her. Pero kita naman sa mga mata niya na pinipigilan niya ang sarili niya habang umiiyak siya. Gusto ko mang i-hakbang ang aking mga binti ay may parte naman sa akin na huwag na. Dahil parang wala naman siyang balak na magpahulog sa bangin.

Nag liwanag ang aking mukha nang mapansin ang dahan-dahan nitong pag atras mula sa bangin.

Humarap siya sa akin kaya nakita ko lalo ang kaniyang mukha. Nothing bad. Pero sobrang ganda niya...

'Yon ang nakakatakot, sobrang nakakatakot.

Nakakatakot na baka maunahan ako.

Para akong nakakita ng bagong bukang bulaklak na sariwa dahil sa amo ng kaniyang mukha at mga mata. Bumagay din ang kaniyang labi sa kaniyang mukha na sakto lang ang laki at liit. Maalon ang mahahabang pilik-mata. At sa sandaling ito ay tila tumigil ang aking mundo habang nakatitig sa tila isang bulaklak na nasa harapan ko.

Bulaklak na maraming tinik. Bulaklak na gusto kong angkinin. At bulaklak na para lang sa akin.

Pero sa kabila ng ganda nito ay ang sakit na nakakubli. Emosyon na pilit na itinatago.

Hindi niya ako tinapunan ng tingin at para akong na dismaya. Siguro hindi niya ako napapansin dahil naglalakbay ang kaniyang isipan.

Damn, dude! Habang naglalakad siya para malagpasan ako ay unti-unti kong naramdaman na mas lalong lumalakas ang kabog ng dibdib ko habang titig na titig sa kaniya.

I like her—no.

I don't think that's the right word to explain what I feel for her. Dahil ang babaeng nakatayo sa harapan ko ay hindi lang basta babae lang na gusto ko lang.

Bakit parang kinuha niya ang lahat sa akin? My faith? My heart, my soul and my courage?

Bakit parang pag dating sa kaniya umaatras lahat ng tapang ko?

Do I love her?

Yes, I do. I love her. I love Mharissa Chole Suriaga.

Sounds crazy, right? Nilagay ko 'yong apelyido ng Daddy ko kahit hindi pa kami kasal. But, I want to marry her someday.

She deserves my last name. And I'm so lucky to have her. To see her.

At gusto ko siyang makasama sa pag tanda ko. At gusto ko siyang maging ina ng mga magiging anak naming dalawa. At sa kaniya ko isasakripisyo ang lahat.

Kaya kong gawin ang lahat para sa kaniya.

Dumadating ang bagong umaga, lumilisan ang araw. Pero ang nararamdaman ko para sa kaniya ay mas lumalala.

Fvck as hell, baliw ba ang tawag sa lalaking sinusundan ang babaeng gusto niya? Kinokolekta bawat mahahawakan niya? Adik na adik sa amoy niya? At isa pa, gusto kong mahawakan ang mga kamay niya.

Gusto kong tingnan niya ako sa mga mata ko. Para naman maisip niyang nag e-exist ako.

Gusto kong sabihin sa kaniya minsan na nasa harapan niya ako. Kasi palagi siyang tulala at wala sa sarili. At hindi man lang siya tumitingin sa akin. Ano ako hangin?

Minsan gusto kong kainggitan ang mga tinitignan niya kahit pa malamig ang klase ng tingin niya, wala akongg pakialam. Basta tumama lang sa akin ang mga mata niya.

Malay natin ma-fall.

"Oy, pare. Tatakas ka na naman? " puna sa akin ni Marco at nakipag bungguan sa akin ng braso bilang pagbati.

In The Mindst Of Uncertainty (Casa Bilarmino #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon