2: Bulong

214 9 0
                                    

CHIDUCK

“Malapit na ba, Janice?” Pagalit na tanong ni daddy. Salubong ang kilay mula sa rear mirror.

“Oo may maliit na bahay tayong makikita at ‘yon na, patience Endzone. Patience.” Pabalang na sagot ni Ate Janice, may pasaring pang sana ‘di nalang daw sumama si daddy.

Nasa biyahe na kami papunta sa Bulacan. Tulad ng sabi ni mommy dadalin niya ako sa albularyo, kasama niya si Ate Janice na kaibigan niya, maliit na babae si Ate Janice, straight ang buhok na hanggang balikat.

“Where? It’s damn gas consuming, paikot-ikot lang tayo!” Iretableng kumento ni daddy.

“Endzone! Ano ba? Pwedeng mag-drive ka nalang?” Sita ni mommy, nasa passenger seat.

Napabuga ako ng hangin at niliko nalang ang tingin sa labas. Matataas na talahib ang dinadaanan namin, walang bahay o kahit anong makikita. Off-road narin ang daan.

“Hindi ba tayo naliligaw?” Sumulyap si daddy sa rear mirror at binigyan kami ng kunot noong tingin.

“Of course not! I live here when I was young. So, paano mo nasabing naliligaw tayo?” Sagot ni Ate Janice, bakas ang pagka-inis sa boses.

Inakbayan niya ako at nilapit ang bibig sa tenga ko. “Your daddy is so unpleasant.” Bulong niya.

Hindi nalang ako kumibo at nagpakawala nalang ng maliit na ngiti. Kilala ko si daddy, normal sa kaniya ang pagiging mainitin ang ulo. His abnoxious person. Kahit mga kaibigan niya kinaiinisan siya.

Three o’clock na ng hapon, pumasok kasi si mommy sa work niya nung umaga kaya hinapon na kami sa pag-punta.

“Oh, there! That house.” Binaling ko ang tingin sa tinuturo ni Ate Janice. May maliit na bahay, gawa sa hollow block at yero ang bubong. Nakapaligid sa bahay ang mga puno ng mangga at niyog. Dahil maluwang ang free space sa bakuran diretsong pinark ni Daddy ang sasakyan. Wala din kasi itong bakod.

Paglabas namin sinalubong kami ng tahol ng dalawang pandak na aso. Lumapit ako kay mommy sa takot na baka mangagat ang aso. Tumawag si Ate Janice kung may tao ba sa bahay, maya-maya lumabas ang isang lalaking puti ang buhok at may katandaan na. Balingkinitan ang katawan at hindi ganun katangkad.

“’Tang Kadyot, long time no see.” Saad ni Ate Janice, lumapit siya sa matanda at nag-bless.

“Ikaw ba ‘yan, Janice?”

“Opo, ‘Tang Kadyot, none other than the pretty Janice!”

“Palabiro ka talaga, oh sya, aba’y sino ba ‘yang mga kasama mo?” Tanong ng matanda, tapos bumaling siya ng tingin samin.

“Ah, mga mag-Laurel po galing pa sa Quezon City. Gusto po nilang ipatingin ang kanilang anak.” Inakbayan ako ni Ate Janice. Tumingin sa ‘kin ‘yung albularyo, pinakatitigan niya ako at kumunot ang noo tapos inikot niya ang tingin sa paligid, napa sign of the cross siya.

“Pumasok na kayo dali!” Inaya niya kami sa loob ng bahay, may namuong takot sa mata niya. Pagkapasok sa bahay agad niyang sinara ang pinto at may niwika sa hangin, hindi ko naman naintindihan dahil ibang salita.

Kinabig ako ni mommy palapit sa kaniya, tumingin siya sa ‘kin at ngumiti ng maliit.

“Ano pong nangyari at bigla ninyo po kaming pinapasok sa bahay?” Tanong ni mommy. Pinaupo kami ng albularyo sa kahoy na upuan, nasa sala kami ng bahay. May maliit na TV sa harap tapos may mga litratong nakasabit sa dingding, gawa sa kawayan ang coffee table sa harap namin. May divider din sa gilid, puno ito ng garapon na may mga lamang iba’t ibang kahoy na may langis.

“Dahil may nakasunod sa inyo.” Sagot ng albularyo. “Sa batang ‘yan, sumusunod ang di ‘ko mawaring nilalang.”

Tumingin sa ‘kin ang albularyo. ‘Yung tingin niya parang may pinahihiwatig. Napalunok ako at biglang kinabahan.

“Shadow po ba ang ibig ninyong sabihin?” Saad ni mommy, katabi ko siya sa upuang kahoy. Si Ate Janice naman ay nakaupo sa monobloc chair, at si daddy nasa tabi ni mommy sa kabilang side.

“Wala akong kakayahan makakita pero ramdam ko ang lakas ng enerhiyang bumabalot dito.” Umupo ‘yung albularyo sa isang monobloc chair kaharap namin. “’Wag kang matakot hija, ikwento mo ang iyong nararamdaman tuwing nag-papakita ito sayo.”

Napatingin ako kay mommy, humihingi ng permission niya. She just nodded and rubbed my hair.

“I-ito po ay anino with a shape of man.” Huminga ako ng malalim bago magpatuloy. Nautal pa 'ko.

“I always saw him everywhere, but one thing, nakatago siya sa madilim na bahagi. Kagabi I saw him sitting on my bed at nakaramdam ako ng matinding panlalamig, and I can’t open my mouth like it was glued. Pero ng pumasok si mommy sa room ko the shadow just vanished at ‘di kona siya nakita.” Napalunok ako at kumuyom ang kamao.

“Ngayon lang ako nakasagupa ng ganyan. Ngunit hayaan mo gagawin ko ang lahat para ika’y matulungan.”

“Maraming salamat ho.” Saad ng magulang ko sa albularyo.

“O, sya, kukuhanin ko lang ang aking mga gamit.” Paalam nito at tumayo.

Bago siya makalayo nagtanong ako
“Ahm, pwede po bang makiihi?”

Tumingin siya sa ‘kin at tumango. “Oo naman, ‘yung cr nasa dulo, pagpasensiyahan ninyo nalang at ganun lang ang cr namin.”

Tumango ako at nagpasalamat, sasamahan sana ako ni mommy, pero sabi ko ‘wag na. Kaya ko naman at saka nasa loob lang ng bahay ang cr, malapit lang sa sala dahil maliit lang ang bahay.

Binukas ko ang pinto ng cr, bumungad sa ‘kin ang isang toilet at mga timba na may lamang tubig, walang gripo, sa tingin ko poso ang gamit nila.

Umihi ako ng mabilis, kaya lang nung lalabas na ‘ko hindi na mabukas ang pinto. Ilang beses kong hinila ang doorknob, ayaw bumukas. Anong nangyari? Bakit ayaw?

Pinihit ko ang doorknob pero ayaw parin parang may humihila sa labas. Dalawang kamay ginamit ko at hinila pero ayaw.

Pinag-pawisan ako.

Wala akong naalalang ni locked ko ang pinto?

Ilang beses kong hinila ang doorknob pero ayaw talagang bumukas. Natataranta na ‘ko at kinabahan.

“MOMMY!” Sigaw ko at kinalampag ang pinto pero parang walang nakaririnig. Kailangan kong makalabas. 

“DADDY!” Hinila-hila ko ang doorknob pero bigla itong natanggal sa pinto. Hawak ko ang doorknob sa nanginginig kong kamay. Nasira ko?

Napakislot ako ng biglang mamatay ang ilaw. Biglang dumilim at wala akong makita.

Anong nangyari?

'Mag-iingat ka'

Napatalon ako sa gulat. Ano — ano ‘yon? Sino ‘yon?

Inikot ko ang tingin, nag-iisa ako sa maliit na cr. Pero sino ‘yung bumulong? Sinong nagsalita?

Kukuhahin ka niya’

Napasigaw ako ng maramdaman ang malamig na hangin sa tenga ko. ‘Yung boses kasi, parang nanggaling sa matandang babae.

Bigla nalang bumalik ang ilaw. Tapos bumukas narin ang pinto, pero ang pinagtataka ko, maayos na muli ang doorknob. At ang hawak ko, ay tabo?

Wala akong inaksayang oras, lumabas ako ng cr at tumungo sa parents ko.

Hindi ko maisip kung sino ang bumulong sa tenga ko? Bigla akong kinilabutan. Kilabot na may kasamang takot. Ayokong maulit ‘yon.





***

Note:

Thank you for reading. ミ⁠●⁠﹏⁠☉⁠ミ

Feedback ay sobrang appreciated. God bless. (⁠;⁠^⁠ω⁠^⁠)
Vote and comment. (⁠◡⁠ ⁠ω⁠ ⁠◡⁠) pero alam kong wala naman gagawa hahaha

Who Are You ShadowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon