4: Matandang babae

153 7 0
                                    

CHIDUCK

Pabalik na kami sa Manila at nag-aagaw dilim at liwanag na. Maaga sana kaming makakauwi kung ‘di lang kami nasiraan ng gulong, mabuti nalang at may malapit na vulcanizing.

“Why the healer act like that? Kilala mo siya Janice, diba?” Kumento ni mommy while staring at her phone.

Narinig ko ang buntong hininga ni Aate Janice. “Yes, pero first time ko siyang nakita na ganun? He acting weird anyway?”

Matàtaas parin na talahiban ang dinadaanan namin, tapos mga nagtataasang puno. Malayo pa kami sa main road.

Inabala ko ang sarili sa pag-oonline games. Ayoko ng isipin ang nangyari sa bahay ng albularyo.

Tahimik lang si daddy na diretso ang tingin sa daan, mainit ang ulo niya kaya hindi siya kinakausap ni mommy at Ate Janice. Kilala namin si daddy, magagalit siya kapag kinausap mo siyang mainit ang ulo.

Nang sumulyap ako ng tingin sa kalsada, napahinto ako at napatitig.

Kumunot ang noo ko.

Mula sa malayo kita ko ang pag-gitna ng matandang babae sa kalsada. Nakasuot ng mahabang saya at itim na jacket, ang kulot niyang buhok abot hanggang pwetan. Hindi kita ang kaniyang mukha sapagkat nakatagilid siya.

Akala ko hihintuan siya ni daddy pero hindi, napasigaw ako ng mabangga niya ito. Sa lakas ng pag-apak niya sa preno lahat kami nasubsob.

Kinabahan ako, kabang may kasamang takot na hindi ko maintindihan. May nabangga si daddy.

“A-are you guys okay? Chiduck? Janice?” Tanong ni mommy. Hindi ako naka-seatbelt kaya tumalsik ako sa kinauupuan.

“We’re fine. But something you hit, Endzone?” Hindi nakapag salita si daddy sa kumento ni ate Janice. His staring at the road with a shocked face. Tinulungan ako ni ate Janice na maka-ayos muli ng upo.

“O-old lady, I saw her. Dad, you hit an old lady.” Naramdaman ko ang pagtulo ng luha. Natatakot ako at nanginginig ang kamay.

“Sssh, it will be fine.” Niyakap ako ni ate Janice na katabi ko lang. Alam kong natatakot din siya. Walang bahayan dito at walang tao, walang nakakita.

Nagsisimula ng dumilim.

Biglang natauhan si dad, sinabi niyang lalabas siya para tingnan ang nabangga. Pinanood ko lang siyang lumabas sa sasakyan.

“S-stay here, susundan ko ang daddy mo.” Saad ni mommy at lumabas narin, napahagulgol ako. Puro nalang kamalasan. Baka makulong pa si daddy.

“Sandali lang Chiduck, dito ka nalang sa car.” Lumabas narin si Ate Janice. Naiwan akong mag-isa sa loob. Hindi pinatay ni daddy ang makina ng sasakyan. ‘Yon lamang ang naririnig ko at ang impit kong pag-iyak.

Binaling ko ang tingin sa labas, kita ko sila mommy sa likod may sinisilip sa ilalim ng kotse.

'Mag-iingat ka, kukuhanin ka niya'

Napalundag ako sa inuupuan ng makarinig ng salita, may dumaang malamig na hangin sa tenga ko. May bumulong. Boses ng matandang babae?

Hindi kaya — ‘yung nasagasaan namin?

Bigla akong kinilabutan. Nagtayuan ang balahibo ko. Hinaplos ko ang braso para maalis ang kakaibang pakiramdam.

'Kukuhanin ka niya'

Nanlaki ang mata ko.

Nanginginig akong sumiksik sa sulok. Tinakpan ko ang tenga. Sino ba 'yon? Ano bang naririnig ko?

Umagos ang mainit na luha sa pisngi ko.

'Humanda ka ito palang ang simula'

"TAMA NA!" Sigaw ko. Tama na. Ayoko na. Umalis ka. Kung sino ka man umalis ka.

"Okay ka lang?"

Napatingin ako kay Ate Janice na kapapasok lang. Salubong ang kilay niya at parang nagtataka sa 'kin. Pinunasan ko ang luha at tumango.

Sunod na pumasok sila mommy bakas ang relief sa mukha.

“It’s just a goat, mabuti nalang, jusko.” Saad ni mommy na kakaupo lang sa passenger seat.

Goat?

“Akala ko talaga nakasagasa kana ng tao Endzone.” Saad naman ni Ate Janice at sinara ang pinto.

Ibig sabihin? Walang matanda? Walang tao? Pero, ‘yung nakita ko? Imahinasyon ko lang ba ‘yon?

“W-walang matanda?” Kinakabahan kong tanong. Muli ng pinaandar ni daddy ang sasakyan palayo, tumingin siya sa ‘kin sandali sa rear mirror bago nagsalita.

“Walang old lady, Chiduck. Isa lamang kambing. And please don’t ever shout again, natataranta ako sa matinis mong boses!” Iretable niyang saad at hinampas ang manibela.

“But, I saw her. You hit her. Kita ko kung paano siya pumailalim sa sasakyan.”

“Imagination are cruel, Chiduck!” May diing sagot ni daddy. Alam kong napipikon na siya. Pero kasi, nakita ko talaga.

“But, Daddy I saw — “

“SHUT UP! I DON’T WANT TO HEAR!” Sigaw niya sa ‘kin dahilan ng pagtahimik ko.








***

Note:

Thank you for reading, vote comment are really appreciated. (⁠^⁠~⁠^⁠;⁠)⁠ゞ

(⁠◕⁠દ⁠◕⁠)

Who Are You ShadowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon