19: Gahasa

112 5 0
                                    

CHIDUCK

Inikot ko ang tingin, nasa madilim akong kalsada may isang poste ng ilaw ang kukundap-kundap ‘di kalayuan sa ‘kin. May mga bahay sa gilid pero mukhang walang nakatira. Parang haunted. Pinaglumaan.

Wala akong naririnig na kahit ano. Ang tahimik. Sobrang tahimik. Nasaan ba ako?

Tumalungko ako sa gilid para maghintay ng taong dadaan. Bawat side ng kalsada tinitingnan ko ngunit malamig na hangin lang ang sumasalubong sa ‘kin. Naitakip ko ang kamay sa mukha. Ano bang nangyayari sa ‘kin?

“Hey.”

Inalis ko ang kamay sa mukha, bumungad si Bulb na nakatayo sa harap ko. Anong ginagawa niya dito?

“Bakit ka umiiyak?”

Kinapa ko ang pisngi. Masamang tingin ang pinukol ko sa kaniya dahil wala naman luha. Hindi ako naiyak. Teka, bakit ba ako nito kinakausap?

“Close ba tayo?” Agad kong tanong na kinatawa niya. Napatitig tuloy ako sa kaniya. Bakit ang manly niyang tingnan?

“Hindi pero gusto kitang maging kaibigan — “

“Ayun ang hayop!”

Naputol ang sasabihin niya at napatingin kami sa sumigaw. Kumunot ang noo ko ng may tatlong lalaki ang lumapit samin. Agad niya akong hinila patayo at tinago sa likod niya.

Nang makalapit ang tatlong lalaki agad nilang tinulak si Bulb sa gilid. Aawat sana ako kaya lang mabilis nilang sinuntok at sinipa si Bulb. Akma akong lalapit pero nakita ko si Bulb na inilingan ako, kahit hirap siyang ibuka ang bibig nakuha niyang sabihin ang salitang 'huwag mong gawin’.

Napahawak ako sa buhok, anong gagawin ko? Nag-try si Bulb na lumaban pero lamang ang tatlo, mabilis siyang hinawakan ng dalawang lalaki sa braso tapos pinag-susuntok siya ng isa.

Dahil hindi kona matiis lumapit ako at hihilahin ang lalaking sumusuntok sa kaniya pero para akong nawalan ng ulirat ng tumagos ang kamay ko. Nanlaki ang mata ko. Anong, paanong? Tiningnan ko ang kamay at muling hinawakan ang lalaki pero lumusot lang ito sa katawan niya.

Parang biglang lumaki ang ulo ko. Anong nangyari sa ‘kin? Lumunok ako at buong lakas sinipa ang lalaki pero lumusot lang ang paa ko.

Nanlalaki ang matang tiningnan ko si Bulb, nakatingin din siya sa ‘kin at walang emosyon ang mata niya.

Umiling ako at binunton ang atensyon sa lalaking hawak siya, sinampal ko ito pero ganun nalang ang panlalamig ng katawan ko ng tumagos ito sa kaniya. Anong nangyari sa ‘kin? Patay na ba ako?

Napasabunot ako sa buhok at lumayo sa kanila. Tiningnan ko ang kamay, namumutla at nawawala? Parang masisiraan ako ng ulo. Bakit naglalaho ang kamay ko?

Napatingin ako sa dulo ng kalsada, napakurap ako. May nakatayo. May nakatayo sa madilim na bahagi. Kinusot ko ang mata. Pero hindi nawawala ang nakatayo roon.

Naglakad ito palapit. Bawat hakbang nagdadala ng kilabot sa 'kin, hindi ko maiwas ang tingin. Malakas ang kalabog ng dibdib ko. Sobrang lakas.

Wala siyang anyo pero ang lakas niyang magbigay ng takot. Mula sa paa ko may malamig na hangin ang umiikot. Huminto ito sa harap ko. Para akong nakatingin sa anino ng tao, ngunit ito'y walang sinusundan dahil isa siyang buhay na anino.

Mula sa nanlalaki kong mata tinuro niya si Bulb. Ganun nalang ang lakas ng sigaw ko ng makitang dumudugo si Bulb. Bigla akong nahilo at nabuhal.

Napasinghap ako at napaupo sa kama. Inikot ko ang tingin, nasa kuwarto na ‘ko.

Panaginip lang?

Binukas ko ang lampshade at tumingin sa oras, 9:49pm palang. Napatingin ako sa pinto ng may kumatok. Bumukas ang pinto at bumangad si dad. Nagtaka ako dahil ang dilim ng aura niya. “Ahm, may problema po ba?” Pagtataka ko.

Hindi siya sumagot at nilocked ang pinto. Kunot ang noo kong sinalubong ang tingin niya. “Bakit mo po nilocked, Dad?”

Hindi siya sumagot at biglang sumampa sa kama ko, sa gulat ko napatayo ako habang nanlalaki ang mata. Matalim ang tingin niya.

“D-dad.” Usal ko. Bigla niya akong hinila pahiga sa kama. Nagsisigaw ako ng pumatong siya sa ‘kin, tinulak ko siya palayo pero sinubsob niya ang mukha sa leeg ko at doon pilit akong hinalikan.

“Dad! Ano ba bitawan mo ‘ko ‘wag mo itong gawin sa ‘kin!” Pilit ko siyang nilayo kahit ang bigat niya. Nagwawala ang kalooban ko sa kaba. Hindi ko maintindihan.

“D-dad please!” Tinulak ko ang mukha niya palayo. Nagtutubig ang gilid ng mata ko.

“Kahit ngayon lang pagbigyan mo ‘ko, uhaw na uhaw ako, Chiduck!”

Nangilabot ako sa tono ng boses niya. Ang lalim dumodoble. “T-tama na po! Mommy! Tulungan mo ‘ko Mommy!”

Hinila niya pababa ang suot kong panjama, nagsisigaw ako at nagwawala. Pilit ko siyang sinipa kahit hindi siya nasasaktan o maalis manlang sa ibabaw ko.

“MOMMY! TULONG! TU —  hmmm“ Napasinghap ako ng takpan niya ng kamay ang bibig ko. Hindi ako makahinga dahil pati ilong ko natakpan.

“Ngayong gabi mapapasakin ka!”

Tuluyang tumulo ang luha ko ng makita ang nakakapangilabot niyang ngisi. Ginapang niya ang kamay papasok sa loob ng suot kong tshirt. Napasigaw ako ng dakmain niya ang maselan kong bahagi.

Habol hiningang napadilat ako. Bumungad sa ‘kin ang puting kisame ng kuwarto ko. Ramdam ko ang lakas ng tibok ng puso. Umaagos ang pawis sa noo.

Ano bang klaseng panaginip 'yon?

Napalunok ako at tumagilid pero ganon nalang ang gulat ko ng makita siya sa kama. Nasa kama siya. Nasa kama ko siya.

Nakahiga at, at katabi ko. 'Yung kamay. 'Yung kamay niya nakahawak sa 'king — nanlaki ang mata ko at napasigaw.

“MOMMY!”



***

Note:

Feedback are highly appreciated.
Thank u \⁠(⁠^⁠o⁠^⁠)⁠/

Who Are You ShadowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon