17: Makipagsayaw sa ibang lalaki

98 5 0
                                    

CHIDUCK

Alas-tres ng madaling araw kami nakauwi. Pag-pasok sa loob ng bahay nagulat ako ng makita si mommy sa sofa, nakaupo at nakatingin samin.

“Bakit ngayon ka lang umuwi, Endzone?” Seryosong tanong ni mommy. Patay lahat ng ilaw sa bahay maliban sa stand lamp sa gilid niya. “Bakit kasama mo si Chiduck alam mong may acquaintance party ‘yan?”

Tumingin ako kay daddy. Hindi siya kumibo pero lumapit siya sa single sofa at umupo, hindi ko tuloy alam kung aakyat na ‘ko o dito muna.

“Binantayan ko siya at sinama ng umuwi.” Sagot ni daddy na kinakunot noo ko. Sumulyap siya sa ‘kin at binalik din kay mommy.

Binantayan ako kaya siya nandon?

“Dalaga na anak mo hindi mona dapat binabantayan sa ganoong okasyon.” Sita ni mommy habang nakahalukipkip. Lumapit ako sa kaniya at umupo sa kaniyang tabi. Nasa sala kami at sa ganitong oras boses lang nila ang naririnig sa loob ng bahay.

“Ayoko lang siyang makipag-sayaw sa ibang lalaki.” Sagot ni daddy at sumulyap sa gawi ko. Kahit lampshade lang ang nagsisilbing ilaw pansin kong nagsalubong ang kilay ni mommy.

“Bakit hindi mo hayaan siyang makipag-sayaw? Normal lang ‘yon sa kabataan.”

“Hangga’t hindi siya 18 hindi ‘yon maaari, hindi ko hahayaan, ako lang ang pwedeng makipag-sayaw sa kaniya.”

Nanlaki ang mata ko. Anong sabi niya?

Dinaluhan ako ng tingin ni mommy, nakapaskil ang pagtataka sa kaniyang mukha.

“Bakit, Endzone? Hindi ka naman ganyan dati?” Turan ni mommy at binalik ang tingin sa asawa niya. Umawang ang labi ni daddy at naningkit ang mata. Nag-try siyang magsalita pero walang lumabas.

Anong meron sayo dad?





_________






Nagising ako ng 7am dahil sa gutom, pagbaba ko sa kusina nandoon si mommy at daddy. Hindi sila nagkikibuan pero parehas silang nakaupo. Napansin ako ni dad kaya kumaway siya. “Good morning!” Galak niyang bati. 

“Good morning, Dad.” Ngumiti ako. Napatingin sa ‘kin si mommy na kumakain ng umagahan.

“Aga mo naman gumising?” Humigop siya ng kape at ‘di parin inaalis ang tingin. Nakaupo lang siya habang si daddy tumayo at pinaghila ako ng bangko.

“Nagugutom po kasi ako.” Sagot ko at lumapit sa kanila. Sa lamesa may kanin at may menudong ulam, ito yata 'yung kagabi.

“Halika at maupo.” Turan ni daddy at hinawakan ako sa balikat at inupo sa bangkong hinila niya.

“Sandali at i-prepare ko ang breakfast mo.” Nakangiti niyang turan. Sinundan ko siya ng tingin, kumuha siya ng plato at kutsara. Hanggang ngayon naninibago ako dahil hindi niya ito ginagawa noon pero hinahayaan ko nalang dahil baka bumabawi siya.

Nilapag niya ang plato at kutsara sa harap ko akma kong kukuhanin ang bowl ng kanin ng pigilan niya ako.

"Ako na, okay." Kinuha niya ang bowl at siya ang nag-lagay ng kanin at ulam sa plato ko.

“Ubusin mo ‘yan para tumaba ka ayokong pumayat ka.” Ngumiti siya at pinisil ang pisngi ko. Medyo nagulat ako sa ginawa niya hindi ako nakaimik at tanging pagtitig lang ang naging sagot ko.

“May problema ba? Ayaw mo ng ulam? Gusto mo ipagluto kita ng iba?” 

Umiling ako.

Hindi sa ayoko ng ulam kundi hindi lang ako sanay. “Magtitimpla lang po muna ako ng milo.”

Tatayo na ako ng bigla akong hawakan ni daddy sa braso. Ang lamig ng kamay niya. “Ako nalang gagawa kumain kana diyan.”

Binitawan niya ako at tumalikod na. Kunot noong binalik ko ang tingin sa pagkain ko. Dapat ba akong matuwa o magtaka? Simula ng madischarged siya sa hospital naging kakaiba na siya?

Napansin kong nasulyap samin si mommy habang kunot noo at tuloy parin ang kain.

Ano kayang nasa isip niya?

Nagtataka ba siya?

Bumalik si daddy na dala ang umuusok na mug at binaba sa table. “Ito na ‘yung milo mo kumain kana, ubusin mo 'yan.”

Nagpasalamat ako at nag-umpisa ng kumain.

“Buti pa ‘yung anak mo inaasikaso mo samantalang ako sinabi kong sandukan mo ‘ko ng pagkain hindi mo manlang ginawa.”

Napatingin ako kay mommy. Bakit parang kakaiba ang tono ng boses niya? Sinalubong niya ang tingin ni daddy.

“Minchin, may kamay ka at hindi kapa matanda para gawin ko ‘yon.”

Nagsalubong ang kilay ni mommy at parang nagulat. “Sa pagkakaalala ko lagi mo ‘kong inaasikaso, Endzone.”

“May mga bagay na nagbabago, Minchin.”

Tumingin sa ‘kin si daddy at ngumiti, ang weird nag-aaway ba sila?





***


Note:

Vote, comment, share kung gusto kung ayaw edi 'wag, pero sana gusto parin. Hahaha.  ┐⁠(⁠´⁠д⁠'⁠)⁠┌

Who Are You ShadowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon