39: Espada

85 4 0
                                    

CHIDUCK

“Dito po tayo, ma’am.” Ni-way ako ng babaeng stuff sa kuwartong puno ng mga table. Visitation room ng mental facility.

Umupo ako sa silyang nasa gilid ng pader dahil ito nalang ang natitirang hindi occupied. Inikot ko ang tingin, kulay white ang theme ng kuwarto at bukas lahat ng ilaw dahil wala naman bintana. Maraming tao dahil araw pala ng visitation ng mga pasyente, lahat sila may tig-iisang lamesa at magkakaharap. Lahat ng patient nakasuot ng white mental facility gown para sa pagkakilanlan.

“Briefing lang po before dalin dito ‘yung pasyente.” Saad ng stuff na kinatingala ko sa kaniya. Ngumiti siya bago magpatuloy.

“Pinagbabawal po ng mental institute ang pagtrigger sa pasyente, at kung maaari po mahinahon lamang kausapin at bigyan ng kapanatagan ang loob nito.”

“Naiintindihan kopo.” Wika ko. Tumango siya at muling nagpatuloy.

“Sa totoo lang ito ang unang pagkakataon na may bumisita kay Chinery kaya talagang nagulat kami na gusto mo siyang kausapin.”

Kumunot ang noo ko. “Walang kahit isang bumibisita sa kaniya?” Bigla akong nacurious. Nasaan ang parents namin kung ganun?

“By the way, medyo mag-ingat ka sa kaniya dahil hindi ‘yon sanay sa tao.” Nakangiti niyang paalala. Tumango lamang ako. Matapos non nagpaalam na siya at umalis. Naiwan akong mag-isa.

Umayos ako ng upo at pinagsalikop ang daliri sa ibabaw ng table, hindi ko alam pero kinakabahan ako. Ito ang unang pagkikita namin. Nilakbay ko ang tingin habang naghihintay, maingay sa loob ng visitation.

“TAHIMIK! TAHIMIK! TAHIMIK!”

Napatalon ako sa gulat. Dumapo ang tingin ko sa katabi kong table, nanlaki ang mata ko dahil may nagwawalang pasyente. Sinasabunutan niya ang buhok, habang ang babaeng dumalaw sa kaniya ay hindi na alam ang gagawin.

"ALIS! ALIS! ALIS!"

Naibaba ko ang kamay at napahawak sa sling bag ko. Siguradong bakas ang gulat sa mukha ko. Napausad ako ng upo ng biglang damputin ng pasyente ang monobloc chair at pinaghahampas sa sahig. Agad 'yon naputol sa lakas ng impact.

Napalunok ako ng hablutin niya ang buhok ng kamasa niya. Pinaghihila ng pasyente ang buhok ng babae. Ako nama'y umawang ang labi dahil sumisigaw na ang babae sa sakit.

Hindi rin nagtagal pumasok ‘yung tatlong stuff ng mental facility at inilayo ang pasyenteng nagwawala at tinurukan ito ng pampakalma. Matapos ang insidente inilabas narin ang pasyente pati ang babaeng dumalaw sa kaniya.

Pagkasara ng pinto, tumahimik muli ang visitation room at ang mga pasyenteng naiwan walang pakialam sa nangyari, dahil patuloy silang nakikipag-usap sa bumisita sa kanila. Para bang sanay sila sa ganung eksena at walang bago doon.

Makalipas ang 30 minutes na paghihintay, ipinasok ang isang babaeng magulo ang buhok. Hawak siya ng isang stuff sa braso habang tinutungo ang kinaroroonan ko. Napaayos ako ng upo. Siya na ‘yan.

Hindi ako nagpakita ng kahit katiting na emosyon, nakatitig lang ako sa kaniya na parang balewala. Mahaba ang buhok niya na nakatakip sa mukha pati ang suot niyan gown ay tabi't tabingi. Para bang nakipagtalo muna siya sa stuff bago siya madala dito.

Nang nasa harapan kona siya doon ko napansin matangkad siya at balingkinitan ang katawan, kasing puti ng papel ang balat niya.

“Chinery behave ka lang dahil meron kang bisita, okay?” Turan ng babaeng stuff, pinaupo niya si Chinery sa harap kong silya. Matapos non nagpaalam na siya at lumabas ng visitation room.

Napalunok ako.

Ramdam ko ang panlalamig at panginginig ng kamay. Inangat ko ang tingin kay Chinery pero nagulat ako ng nakatitig siya sa ‘kin. ‘Yung kalahating mata lang niya ang kita dahil natatabunan ng buhok ang mukha niya. Hindi siya nakurap. Nakaramdam tuloy ako ng takot.

Who Are You ShadowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon