27: Mental health problem

91 5 0
                                    

CHIDUCK

Napahawak ako sa ulo dahil bigla nalang kumirot. Nakahiga parin ako at nakatitig sa kisame. Hindi ko alam kung anong iisipin ko. Napakaimposible ng sinabi ni dad, alam ko sa sarili kong hindi ko magagawa ‘yon. Hindi ko magagawang pumatay. Hindi ko kailangan ng eksperto sa mental health. Hindi ako baliw.

Tumayo ako sa kama. Kailangan kong linawin kay dad na hindi ko ‘yon magagawa. Lumabas ako ng bahay at nagtungo sa likod. Pahapon palang at hindi pa madilim kaya alam kong nililibing niya ang tshirt at kutsilyo doon.

Inikot ko ang tingin, may mini terrace karugtog ng back door ng bahay. May sofa doon at coffee table, napapalibutan din ng kurtina at halaman. Umihip ang hangin dahilan para magliparan ang kurtina.

Nakita ko si dad sa dulo ng bakuran, naghuhukay siya. Mataas na pader ang bakod kaya ‘di kita sa kabilang bahay. Lumapit ako sa kaniya. Hindi niya ako napansin dahil busy siya sa pagkalkal ng lupa. Nakatalungko siya.

Nakakubli na ang haring araw sa makapal na ulap. Makulimlim na ang paligid at parang uulan pa. Binalik ko ang tingin kay daddy, nakatalikod siya sa ‘kin habang naghuhukay. Ang gamit niya ay gulok na panghukay. Bakat ang malapad na balikat at likod sa suot niyang fit na tshirt.

“Dad.” Tawag ko na kinagulat niya. Napapitlag siya at napahinga ng malalim.

“Anong ginagawa mo dito hindi ba't dapat nagpapahinga ka?” Saad niya, patuloy parin sa paghuhukay. Ni hindi siya bumaling ng tingin sa ‘kin.

“Gusto ko lang pong iklaro sayo ‘yung sinabi mo kanina.” Hindi siya umimik. Pero huminto siya sa paghukay ng lupa.

“Chiduck, sa tingin mo ba nagsisinungaling ako?” Seryoso niyang turan. Kinuha niya ang P.E tshirt ko at binalot doon ang kutsilyo tapos nilapag niya sa hinukay na lupa. Doon ko napansin na medyo malalim na pala ang nahukay niya.

“Pero Dad hindi rin ako nagsisinungaling.” Kumuyom ang kamao ko. Tinabunan niya ng lupa ang tshirt ko at muling pinatag ‘yon. Pinanood ko lang siya sa ginagawa niya.

“Alam ko ang nakita ko, baka naghahallucinate ka at hindi mo matanggap ang ginawa mo.” Tumayo na siya matapos niyang sabihin 'yon. Tumingin siya sa ‘kin panandalian at pinagpag ang kamay na may lupa.

“Doon tayo mag-usap sa loob at baka may makarinig pa sa ‘tin.” Dugtong niya. Nauna siyang naglakad papasok sa loob ng bahay at wala akong nagawa kundi sumunod.

Mayari niyang maghugas ng kamay sa living room kami dumiretso. Umupo ako sa single sofa at siya sa malaki.

“Sabihin mo sa ‘kin anak, ikaw ba ang pumatay kay Aling Pasing?” Umawang ang labi ko sa kaseryosohan niya. Iniwas ko ang tingin kay dad at sumandal sa sofa.

“Hindi, Dad.” Sagot ko. Hindi ko magagawang pumatay.

“Paano mo maipapaliwanag ang bagay na ‘yon sa kuwarto mo?”

Tinutukoy niya ‘yung tshirt at kutsilyo. Nagpakawala ako ng malalim na hininga. “Hindi ko po alam, wala akong natatandaan na may ganon doon. Sigurado akong wala ‘yon kaninang umaga.”

Bago ako pumasok sa school nagkalkal pa ‘ko sa closet ko at wala 'yon.

“Kanina doon sa laundry room, sinabi mong may dugo ang doorknob diba? Pero nakita mo ring wala?”

Tumango ako. “Opo.”

“Ang totoo non may dugo talaga ang doorknob at alam kong ikaw ang humawak non. Nakita kita kaninang umaga na pumasok don. Nilinis ko ang dugong 'yon bago pa makita pa ng iba.”

“Imposible ‘yon, Dad. Kanina lang ako nagpunta don.” Sagot ko. Alam kong hindi ako nagpunta kaninang umaga sa laundry room.

“May mga bagay kang ‘di naaalala at sigurado akong ‘di mo rin naaalala ang ginawa mo kay Aling Pasing.”

Nanlaki ang mata ko.

“Dad, hindi ko nga sabi pinatay si Aling Pasing!” Tumaas ang boses ko. Naiinis na 'ko. “Bakit ko gagawin ‘yon? Wala akong dahilan, Dad. Kaya hindi totoo ang sinasabi mo!”

“Nung isang araw kaya kita tinawag dahil sinisigawan mo si Aling Pasing. Nasa gilid pa kayo ng kalsada non.”

“Hindi ‘yan totoo. Hindi ko siya sinigawan.” Pagpapahinahon ko sa sarili. Nag-usap lang kami.

“Kaya nga kita tinawag dahil nagsasagutan na kayo.”

“Ano bang sinasabi mo, Dad. Hindi ‘yon nangyari at sa katunayan binalaan pa niya ako tungkol sayo.” Kumuyom ang kamao ko.

“Chiduck makinig ka sa ‘kin, nag-aaway kayo ni Aling Pasing at sinisigawan mo siya kaya ako umeksena sa usapan ninyo.”

“So, sinasabi mong ‘yon ang dahilan kaya ko siya pinatay?” Umarko ang labi ko.

“Isa lang ang alam ko at sigurado ako, nakita kita suot ang tshirt na ‘yon papasok sa bahay ng mag-Dimonez at nung lumabas ka may dugo na ‘yon.”

“Dad, gusto kong linawin sayo na hindi ko ‘yon ginawa. Mali ang akusahan mo ‘ko ng ganyan.” Inis kong saad. “Para patunayan ‘yan titingnan ko ang cctv sa police.”

“Hindi mona ‘yon makikita dahil bago pa ‘yon makuha ng police ginawan kona ng paraan.”

“Pero Dad hindi ako baliw, wala akong mental health problem.” Umiling siya sa turan ko. Para bang ayaw niyang paniwalaan ako.

“Sinasabi ‘yan ng lahat, anak. Lahat ng may mental health problem sinasabi ‘yan, na wala sila nito.” Gusto ko ng umiyak sa sinasabi ni dad. Parang gusto niyang tanggapin ko kung anong sinasabi niya. Tanggapin na baliw ako.

“Dad mali ang akusa mo sa ‘kin.” May diin kong saad. Nagtitiim ang bagang.




***

To be continued.

Who Are You ShadowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon