25: Patay sa saksak

106 5 0
                                    

CHIDUCK

“Ano kayang meron diyan?” Tanong ng tricycle driver. Kababa ko lang at nagbayad ng fifty pesos sa kaniya.

“Hindi ko din po alam, e.” Sagot ko at inikot ang tingin, nasa harapan na ‘ko ng bahay namin pero sa bahay ng mag-Dimonez nagkakagulo.

“O siya, aalis na ‘ko hija.” Paalam ni manong at tinadyakan ang makina ng tricycle niya. Tumango lang ako at  nilibot ang tingin, may police at ambulansya sa bahay ng mag-Dimonez. Anong nangyari?

Kumabila ako sa kabilang kalsada. Nakaguhit sa mukha ko ang pagtataka dahil biglang may ganito. Palihim akong pumasok sa gate nung hindi nakatingin ang police. Meron kasing barricade tape sa mismong gate. Bawal pumasok.

Papasok palang ako sa main door ng bahay ng lumabas doon si Ate Chin. Agad akong lumapit sa kaniya at nag-usisa. “Anong nangyari dito Ate Chin?” Kabado kong tanong.

Tumingin siya sa ‘kin na may luha ang mata. Dalaga palang siya at tingin ko nasa twenties ang edad. Yumakap siya sa ‘kin at umiyak sa balikat ko. Nagtaka ako sa inasal niya pero minabuti ko nalang hagudin ang kaniyang likod para patahanin. Ano bang nangyari dito?

Nang may papasok na police agad kaming gumilid, humiwalay siya sa ‘kin at pinunasan ang mata. “S-si Aling Pasing kasi. . . “ Pauna niyang salita. Muli siyang umiyak at tinakip ang palad sa mukha

Nagpakawala ako ng malalim na hininga. Dalawa lang kaming narito sa gilid ng bahay. ‘Yung police nasa loob.

“C-Chiduck, si Aling Pasing.”

“Anong nangyari kay Aling Pasing?” Nakaramdam ako ng kaba. Feeling ko masamang balita ‘to. Lumunok siya at hinawakan ako sa palapulsuhan.

“P-patay na siya.”

“Patay?” Umurong ang dila ko sa narinig. Tumango siya at humigpit ang hawak sa ‘kin.

“Pinatay siya, s-sinaksak sa puso.” Utal niyang saad. Imposibleng mangyari kausap ko lang siya kahapon.

“Sino daw ang pumatay sa kaniya?” Sumikip ang dibdib ko. Sinalubong ko ang tingin niya. Para akong tinakasan ng dugo.

“H-hindi namin alam. Hindi namin nakita.” Sunod-sunod ang kaniyang pag-iling.

Pinigilan kong maiyak. Hindi ako makapaniwala sana hindi ‘to totoo. “A-alam mo ba putol ang dila niya.”

"Putol? You mean inalis talaga?" Hindi ko siguradong tanong. Tumango siya.

“Nakita nalang namin ang dila niyang nakahiwalay sa kaniya. P-parang sinadya.”

Napalunok ako. Napakawalangya ng gumawa non kay Aling Pasing. Walang awa. Napatingin kami sa pinto, may tulak na stretcher ang dalawang medic. Isa sa unahan at isa sa likod. Ganun nalang ang panlalaki ng mata ko nang si Aling Pasing ang nakasakay doon. Nakatakip ito ng puting kumot. Akala ko naialis na siya?

“Dalin sa laboratory ang bangkay para ma-autopy bago sa morgue.” Saad ng police sa dalawang medic. Nagtanguan ang mga ito bago muling itulak ang stretcher. Kasabay non ang pag-ihip ng hangin ang paglipad ng kumot sa mukha ni Aling Pasing. Nagitla ako ng makita ang kabuuan ng mukha niya, nakadilat ang mata at nakabuka ang bibig. Maputla ang itsura. Punong-puno ng dugo ang paligid ng bibig pati ang suot niya.

May dumapong malamig na hangin sa batok ko. Feeling ko sa 'kin siya nakatingin. Muling tinakip ng medic ang nilipad na kumot bago tuluyan mailabas sa gate. Kausap ko lang siya nung isang araw tapos ngayon wala na siya. Mabilis kong pinahid ang butil ng luhang kumawala sa mata ko.

Sana hindi ‘to totoo.




__________





Pagkauwi ko sa kuwarto ako dumiretso at nagpalit ng pambahay. Nang saktong ilalagay kona sa marumihan ang hinubad kong damit saka ko naalala ang drawing ni Motmot. Nilagay ko ‘yon sa bulsa ng short ko at hindi ko naalis. Ang tanga naman.

Pagbukas ko ng laundry basket wala na doon ang hinubad kong damit. Napailing ako saka madaling lumabas ng kuwarto.

Pagkarating sa laundry room agad kong nilapitan ang tambak ng damit sa gilid. Maglalaba pala si mom mamaya. Kinalkal ko ang damit hanggang matagpuan ko ang short na hinahanap. Kinapa ko ang bulsa at tama nga ako naroon ang tinupi kong papel.

Mabuti nalang at hindi pa nalalabahan. Sakto ang dating ko.

Napapitlag ako ng mamatay ang ilaw. Inikot ko ang tingin, puro dilim ang nakikita ko. Mabilis kong kinuha ang papel sa bulsa ng short. Ayoko ng magtagal dito. Nang mahawakan ko ang papel agad kong tinahak ang pinto. 

Ginapangan ako ng kuryente ng makahawak ng malamig na bagay sa doorknob. Napalunok ako. Muli kong dinampi ang kamay pero ganun nalang ang pag-ngiwi ko ng may malapot akong nahawakan.

Inangat ko ang kamay at inaninag. Malagkit. Ano ba ‘to? Pinindot ko ang switch ng ilaw sa gilid ng pinto. Nang lumiwanag ganun nalang ang gulat ko ng dugo ang nasa kamay ko. Pagtingin ko sa doorknob nababalutan ito ng dugo.

Saan nanggagaling ‘to? Napaatras ako. Ngunit sa pag-atras ko meron akong nabunggo. Naipikit ko ang mata. Alam kong walang tao sa room na ‘to kundi ako lang.

Hindi ako titingin. Ayoko.

‘Nariyan na siya papata — '

“Anong ginagawa mo diyan?”

Agad kong naidilat ang mata ng marinig ang boses ni dad. Biglang nawala ang mabigat na presensya kanina. Nawala din ‘yung malamig na hangin sa gilid ng tenga ko na parang may binubulong.

Nagpakawala ako ng maliit na ngiti. Sinalubong ko ang tingin ni dad na nakatayo sa pinto. “Ahm, dinala kopo ‘yung marumi kong damit.” Pagsisinungaling ko.

Napatango siya at bumaba ang tingin sa kamay ko. “What’s that?”

“Blood. There’s blood in the doorknob.” Kumunot ang noo niya at tumabingi ang ulo. Nagtaka ako kaya tiningnan ko ang kamay pero ganun nalang ang paglaglag ng panga ko. Walang dugo sa kamay ko. “K-kanina may dugo tapos sa doorknob.”

Agad akong lumapit sa pinto at sinilip ang knob pero wala itong bahid ng dugo. Ano bang nangyari sa 'kin?

“Okay ka lang ba?” Kunot noo niyang tanong.

“Dad alam mo bang patay na si Aling Pasing?” Pagbabago ko sa topic.

Tumango siya at tumitig sa 'kin. “Oo, bakit may problema ba?”  

“W-wala naman po hindi lang ako makapaniwala.” Bumaba ang tingin ni dad sa hawak kong papel.

“Ano ba ‘yan?”

Hindi ko pwedeng sabihin ito ang drawing ni Motmot dahil siguradong magagalit siya. “Scratch paper kopo may ginagawa kasi akong assignment.”





***

Note:

Nagbabalik bwahaha! -⁠ᄒ⁠ᴥ⁠ᄒ⁠-
Ano G naba para magfeedback? Syempre 'NO' ang sagot niyo, duh? 乁⁠|⁠ ⁠・⁠ ⁠〰⁠ ⁠・⁠ ⁠|⁠ㄏ HAHA.

Shet. May sayad talaga ako.

Who Are You ShadowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon