11: Tawag

100 5 0
                                    

CHIDUCK

“Dad bakit mo pa ‘ko sinundo may school bus naman.” Saad ko. Nasa biyahe na kami pauwi, nakaupo ako sa passenger seat at tahimik nakamasid sa labas.

“Wala lang gusto ko lang makita ka.”

“Magkikita naman tayo sa bahay.” Dahilan ko. Napatingin ako sa kaniya ng pinatunog niya ang dila at pinalagutok ang leeg pakanan at pakaliwa.

“Hindi na ‘ko makapaghintay.” Kumunot ang noo ko, parang nag-double ang boses niya. Parang naging dalawa?

“Okay lang po kayo?” Hindi ko siguradong tanong. Tumingin siya sa ‘kin at binalik din sa daan. 

“Gusto kong makita kung nag-sisinungaling ka kaya kita sinundo.”

Nag-sisinungaling? Ako?

“Anong ibig mong sabihin, Dad?” Naguguluhan kong tanong.

“Kung may boyfriend ka o wala.” Malumanay niyang sagot. Akala ko naman kung ano na.

“Wala po akong boyfriend at kayo ang unang makakaalam kung meron man.” Nakangiti kong sagot, saka wala pa sa isip kong mag-boyfriend.

Umigting ang panga niya. “Hindi ka pwedeng mag-boyfriend akin ka lang.”

“P-po?” 

“Ang ibig kong sabihin akin kapa hangga’t wala kapang 18 ako parin ang nag-iisang lalaki sa buhay mo. Hindi ba’t ganon naman lahat ng ama? Ang first boyfriend ng anak na babae ay ama nila.”

Tumango ako. Tama naman.

Mabuti nalang talaga at nagbago si daddy naging mabait na siya.








__________








Katatapos lang namin kumain ng hapunan. Nasa kuwarto na ‘ko at nakahilata sa kama. Naka-on ang TV dahil nanonood ako ng Netflix. Documentary ang pinanonood ko about robots.

8pm na.

“Kinababahala ng mga experto ang pagtaas ng learning process ng AI Being, mas humihigit pa daw ang talino nito kesa sa isang tao? Tunghayan natin ang paliwanag ng isang experto mula sa Reino Programming Robotics Company, Mr. Anderson — “

“Saranghaeyoooooooo.”

Agad napunta ang atensyon ko sa cellphone kong tumunog.

Si Shawy natawag. Mabilis kong sinagot ang call.

“Shawy bakit?” Tanong ko.

Walang kumibo sa kabaling linya pero rinig ko ang malalim na paghinga.

“Shawy okay ka lang ba?” Naghintay akong ilang segundo. Ano bang problema ng babaeng ‘to? Tumawag ayaw naman magsalita?

“Shawy isa! Ibababa kona — “

“Rabkabri kshaliwveoaaj nkhga.”

Kumunot ang noo ko. Nantitrip na naman 'to.

“Hindi ako natutuwa sayo, Shawy.” Banta ko.

“Kagduwkbu kagvakffdrtjb malapit lang siya siguraduhin mong ligtas ka jwgauab jegwiwkwh.”

Nilayo ko ang cellphone sa tenga. Ano bang — sino ba ‘yon? Kunot noo kong tinitigan ang cellphone.

"Shawy hindi 'to joke time!" Inis kong saad. Biglang nagpatay sindi ang ilaw. Ano bang — napalunok ako. Ano na naman bang nangyayari?

‘Mag-ingat ka at huwag magtiwala sa nakikita ng mata’

Napalundag ako ng may malamig na hangin ang bumulong sa tenga ko. Shit. Ano ba ‘yon. Bumilis ang tibok ng puso ko habang iniikot ang tingin.

'Yung matanda. Siguradong siya 'yon.

“Chidick? Hello, ano ba bakit ayaw mong magsalita pipe kaba?”

Napatingin ako sa phone kong hawak. Si Shawy. Bumalik narin sa normal ang ilaw.

“Hey, yohoo! Wala ba talagang sasagot pabalik?” Saad niya sa kabilang linya.

“H-hello Shawy.”

“Sa wakas sumagot ka rin kanina pa ‘ko salita ng salita ayaw mo naman kumibo!” Inis niyang kumento. Binawi ko muna ang sarili sa nangyari bago sumagot.

“Ikaw ang hindi nagsasalita kanina pa kita kinakausap.” Umayos ako ng upo sa kama.

“Anong ako, ikaw kaya. Kanina pa kita kinakausap pero ayaw mo naman magsalita may kausap kaba?”

“Wala. Mag-isa lang ako sa kuwarto.” Naramdaman kong natahimik siya. Parang may iniisip. Naghintay ako ng ilang segundo.

“Shawy — “

“Chiduck alam mo bang may naririnig akong bumubulong kanina? Akala ko nga may kausap ka, e.” Pagputol niya sa ‘kin, seryoso ang tono ng boses.

“Wala akong kausap.”

“E, sino ‘yon? May naririnig akong malapit lang sayo, parang katabi mo lang.”

“Huwag na natin pag-usapan, Shawy.” Saad ko. Baka kasi mauwi na naman sa multuhan ang usapan tapos hindi na naman ako makakatulog.

“Bakit natatakot ka?” Pang-asar pa niya. Rinig ko ang halakhak niya sa kabilang linya.

“Ano bang kailangan mo kasi?” Pati tuloy ako naiinis na.

Ito naman galit agad. Tumawag lang ako dahil ipapasend ko sayo ang poster ng SB19, send mo sa ‘kin now ahh wait ko. Bye!”

Sasagot palang ako ng babaan niya ako ng tawag.

Wala ka talagang kupas Shawy Cruz.

Nagpagawa siya sa ‘kin ng poster ng SB19 through digital art dahil magaling daw ako sa art hindi ko alam kung inuto niya ako para pagbigyan siya, e.

Tumayo ako sa kama at lumapit sa computer ko. Isesend kona ‘yung link para ‘dina tawag ng tawag ang babaeng ‘yon.

“Chiduck, ‘nak?”

Napatingin ako sa pinto ng bumukas ito. Si mommy.

“Pasok ka, Mom.” Bumalik ulit ako sa kama, mamaya ko nalang isesend.

“Kamusta ka naman?” Tanong niya at sinara ang pinto. Lumapit siya sa ‘kin at umupo sa tabi ko.

“Okay naman po masaya ako dahil okay na kami ni daddy.”

Ngumiti siya sa ‘kin at tumango. “Ako din, masaya akong makita kang masaya."

Inakbayan niya ako at ginulo ang buhok. Natawa nalang ako dahil si mommy ang hilig manggulo ng buhok.

“Pero bakit nga kaya naging ganon si daddy?” Tanong ko. Para kasing ang hiwaga niya.

“Hay nako ‘nak, hayaan mo nalang ang daddy mo siguradong bumabawi lang siya sayo.”

Tumango ako.

“Basta ako masaya na hindi na siya katulad ng dati.” Niyakap ko si mommy ng mahigpit.

“Sa higpit ng yakap mo parang ayaw mo ng pahingahin ang mommy ah.” Sabay kaming natawa sa turan niya.

“Sorry po, masaya lang.” 









***



Note:

‘Wag sanang magsawang maghintay ng ud. ಥ⁠╭⁠╮⁠ಥ ‘Yun lang, and I thank u.

*Wink.

Who Are You ShadowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon