Alas-siyete ng gabi nakahiga ako sa kama. Nakatitig sa kisame habang nag-iisip. Hindi ako sumabay kumain kay daddy dahil naiinis ako sa kaniya. Walang katotohanan ang sinasabi niya.
Nabaling ang tingin ko sa pinto ng bumukas ito. Niluwa si mommy. Umayos ako ng upo sa kama at ngumiti. Maaari kong sabihin sa kaniya ang pagbibintang sa ‘kin ni daddy, siguradong kakampihan niya ako. Iintindihin niya ako, 'di tulad ni dad.
Sinara niya ang pinto at nilocked. Nagtaka ako dahil hindi naman niya ginagawa dati 'yon.
Lumapit siya sa ‘kin, seryoso at matalim ang tingin. Kumunot ang noo ko dahil parang bad mood siya. Madilim ang aura at parang galit. Huminto siya sa gilid ng kama ko, sinalubong ko ang tingin niya. Nagtataka ako sa kilos niya.
“Mom, bakit parang hindi maganda ang mood — “ Tumabingi ang pisngi ko. Naputol ang sasabihin ko sa biglang pagsampal sa 'kin. Nanlaki ang mata ko at nagulat sa ginawa niya.
Tiningnan ko siya, nagtatangis ang kaniyang bagang at ang talim ng tingin. Hindi ko alam kung bakit, may nagawa ba akong masama? May mali ba akong nagawa? Napalunok ako.
“B-bakit?” Nautal ako. Ramdam ko ang pagtutubig ng mata. Ngayon lang ako nagawang saktan ni mommy na hindi niya ginagawa noon kaya sobra akong nagtataka. Namamanhid ang kaliwang pisngi ko, hinawakan ko ito at minasahe.
“Nagtatanong kapa may affair ba kayo ng daddy mo!” Halos lumabas ang litid sa kaniyang leeg. Matalim ang tingin niya.
Umiling ako. “Ano bang sinasabi mo, Mom?” Salubong ang kilay ko at nagtataka. Hindi ko siya maintindihan. Anong affair ang sinasabi niya?
“Tuwing nagigising ako wala ang daddy mo sa tabi ko at doon ko siya nakikita sa kuwarto mo! Ano may affair kayo ng daddy mo?” Nanggigigil siya na kulang nalang sabunutan ako. Nakatitig ako sa kaniya at hindi alam kung pano makakaahon sa gulat.
“Ano? Sumagot ka! Hindi lang isang beses, Chiduck! Maraming beses!" Dinuro niya ako. Nanginginig ang kalamnan niya sa galit. Napalunok ako. Ang bilis ng tibok ng puso ko, parang anytime magkaka heart attack ako.
Pumasok sa isip ko ang pagtulog ni dad sa kuwarto ko at ang nakapalupot niyang braso sa bewang ko. Baka ‘yon ang kinagagalit ni mommy?
Nakabawi ako sa pagkagulat at iniwas ang tingin. “H-hindi ‘yan totoo, Mom.” Tinago ko ang kamay sa likod, nanginginig.
“At talagang tinatanggi mo pa?” May diin niyang saad. Hinawakan niya ako sa pisngi at pilit hinarap sa kaniya. Ngayon mata sa mata na kami.
"Bakit ka umiiwas? Kasi totoo!" Gigil niyang turan at inalis ang kamay sa pisngi ko.
"Hindi ko magagawa 'yon, Mom." Ramdam ko ang sakit sa boses ko. Muli niyang itanas ang kamay sa ere na parang sasampalin ako. Naipikit ko ang mata at hinintay ang pagdapo ng palad niya.
“Naglalandian kayong mag-ama alam ‘yan ni Motmot! Nagsusumbong siya!” Dinilat ko ang mata. Nakita ko si mommy nagtitimpi. Nanggagalaiti. Ngayon ko lang siya nakitang ganito. Hindi siya ganito dati. Sobrang kakaiba niya.
“Walang ganun, Mom. Ano bang sinasabi mo?” Pilit kong pinatatag ang boses kahit ramdam ko ang pagkacrack nito. Kahit ang sakit ng bintang niya.
Umigting ang panga niya. Binagsak niya ang dalang bag sa kama ko, galing siya sa work at hindi pa nakakapagpalit ng pambahay. Parang inuna pa niyang puntahan ako.
“Huwag mo nang idenied! Tuwing nagigising ako wala ang daddy mo sa tabi ko!” May diin niyang bigkas, ramdam ko ang galit. Kulang nalang magdilim ang paningin niya.
Pabagsak siyang umupo sa kama. Dismayado at napailing.
Sinalubong niya ang tingin ko. “Alam mo ba kung saan ko siya nakikita?” Napalabi siya. Madiin niya akong hinawakan sa balikat ko.“Sa kuwarto mo, Chiduck! Naroon ang daddy mo! Ngayon umamin kana may affair ba kayo!” May pagtitimping sigaw niya, halos bumaon ang kuko niya sa balikat ko.
“Mommy hindi 'yan totoo, wala kaming affair ni daddy dahil dad ko siya at ginagalang ko siya.” Dahilan ko. May kabang namumuo sa ‘kin. Hindi ko maintindihan bakit pinagbibintangan niya ako — sila ni daddy. Mabigat na ang pakiramdam ko kanina, ngayon dumoble pa.
“Tsk! Pati kapatid mo nakikita ang paglalampungan ninyo!” Angil niya. Halos tumalsik ang laway sa mukha ko.
“Ano bang sinasabi mo, Mom. Hindi ‘yan totoo.”
“Hindi totoo?” Pagak siyang natawa. Binitawan niya ako at kinuyom ang kamao. “Anong tawag mo sa sweet moment nyo ng daddy mo? ‘Yung pagsasandok sayo ng pagkain? Hindi ba lampungan ‘yon?”
Napalunok ako. Bakit nauwi sa ganito. Umaasa akong maiintindihan niya ako sa pag-aakusa ni daddy. Umaasa akong kakampihan niya ako. Pero mukhang hindi mangyayari ‘yon.
“Ano? Landi pa, Chiduck.” Binalik niya ang tingin sa 'kin. Umangat ang kilay niya. Tumayo siya sa kama ko at diretsong lumabas ng room ko.
Pagkasara ng pinto nakaramdam ako ng panlalambot. Parang gumuho ang pagkatao ko. Kung sino pa ang mahal ko sa buhay ang siyang nagpapasakit sa ‘kin. Pinunasan ko ang luhang mabilis umagos sa pisngi ko.
Bakit ganito. Bakit nauwi sa ganito.
***
Note:
Ano kayang nangyari sa ‘kin at natengga ‘to? HAHA o((*^▽^*))o O, sya. Ituloy na.
BINABASA MO ANG
Who Are You Shadow
ParanormalShe can see ghost, she can see shadow, what she fears the most she still see that shadow sitting in her bed, watching her sleep. COMPLETED Date Started: May 20, 2023 Date Ended: May 05, 2024