7: Magnanakaw

127 4 0
                                    

CHIDUCK

“Ate?”

Nakarinig ako ng pagkatok sa pinto. Siguradong si Motmot ‘yon.

“Ate are you still awake?”

Napabuga ako hangin. Alas-nuwebe na bakit gising pa itong si Motmot? Tumayo ako sa kama at lumapit sa pinto.

“Ate pwedeng tabi tayo matulog? Please!” Bungad niya, hindi ko alam kung bakit napangiti ako siguro dahil nagpapa-cute siya.

“Okay, pasok ka.” Turan ko. Lumawak ang ngiti niya at tumakbo sa kama. Napailing ako at sinara ang pinto. Kahit kailan hindi ko kayang magalit sa paslit na 'to kahit naikumpara ko ang kalagayan namin kanina.

Lumapit ako sa kama at umupo sa gilid, yakap niya ang teddy bear ko. “Ate can I hug you?”

“Of course come here!” Inunat ko ang braso at binigyan siya ng mainit na yakap.

“I love you ate.” Napangiti ako sa bulong niya. Kahit papaano gumaan ang pakiramdam ko dahil sa kaniya.

“Let's sleep na.” Pag-aya ko. Tumango siya at humiga sa kama ko, kinumutan ko siya bago sumampa sa tabi niya.

Hinayaan kong bukas ang lampshade sa gilid at niyakap nalang ang kapatid ko.

Siguro nagising siya dahil samin ni daddy. At alam kong nalulungkot siya para sa ‘kin. Pinikit ko ang mata at hinayaan tumulo ang butil ng luha.



___



Naalimpungatan ako at nagising.

May naririnig akong kaluskos galing kusina, hindi kaya dumating si mommy? Pagtingin ko sa oras alas-tres palang ng madaling araw.

Tumayo ako, maingat na hindi magising si Motmot. Bababain ko si mommy sabi niya umaga na siya uuwi baka siya na ‘yon.

Papasok na ‘ko sa kusina ng mapahinto ako.

Hindi si mommy ang naroon kundi lalaking 'di ko kilala at kinakalkal niya ang ref namin. Nakasuot siya ng itim na pantalon at itim na jacket hindi makita ang mukha dahil nakatalikod siya.

Anong ginagawa niya sa bahay namin? Sino siya? Bigla akong naalarma, paano kung magnanakaw pala 'yon?

Maingat akong bumalik sa itaas. Kumabog ang dibdib ko at pinagpawisan.

Ginising ko si Motmot. Magsasalita sana siya ng takpan ko ang bibig niya, tinapat ko ang daliri sa bibig upang sabihin ‘wag siyang maingay. Takang-taka ang mga mata niya.

“Pupunta tayo kay daddy.” Bulong ko. Ramdam ko ang panginginig ng labi. Binuhat ko siya at tumungo sa kuwarto nila mommy. Nilocked ko ang pinto pagkapasok namin.

“Dad.” Tawag ko. Niyugyog ko siya para magising.

"Hmmm."

Binaba ko si Motmot at muling inalog si daddy. “Dad wakeup may tao sa kitchen.”

Nagtataka ang kapatid kong nakatayo sa gilid ko. Hawak ko parin ang maliit niyang kamay habang ginigising si daddy.

“D-dad.”

Dahan-dahan niyang minulat ang mata. Napabalikwas siya ng bangon ng makita kami ni Motmot.

“Anong ginagawa ninyo dito?” Taka niyang tanong at ginulo ang buhok niya. Ayaw na ayaw niyang ginigising. 

Lumunok ako ng laway. “M-may ibang tao po sa kitchen. I thought it was mom pero nung tiningnan ko isang lalaki.”

“What? Baka multo-multo na naman ‘yan! Kung ano na namang ini-imagine mo!” Inis niyang saad.

Who Are You ShadowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon