8: Pagtataka

135 6 0
                                    

CHIDUCK

Nakasubsob ang mukha ko sa pagitan ng aking tuhod at taimtim na umiiyak.

Kahit hindi maayos ang pakikitungo ni daddy sa 'kin hindi ko gustong mawala siya. Mahalaga siya dahil binuhay niya ako at pinalaki. Kahit saan tingnan ama ko siya at anak niya ako.

Inangat ko ang tingin kay daddy na ngayon ay nakahiga sa malamig na sahig. Maraming dugo ang lumalabas sa kaniya at hanggang ngayon hindi parin bumabalik si aling Pasing na humingi ng tulong.

Parang waterfalls ang luha ko. Hindi ko mapigilan, binibiyak ang kalooban kong makita si daddy na walang buhay. Nagkalat ang dugo niya sa tiles, maraming dugo.

Gumapang ako palapit kaniya, nanginginig ang kamay kong hinawak sa kaniyang pisngi.

“I-i'm sorry dad kung nasagot kita hindi ko sadya. . . p-patawad.” Pilit kong inayos ang boses kahit pautal-utal. Ilang beses ko din sininghot ang sipon.

"S-sorry, I'm sorry." Pinahid ko ang luha gamit ang likod ng palad ko. Kung alam ko lang na mangyayari 'to sana hindi nalang ako naglabas ng sama ng loob sa kaniya. Sana hindi siya nagalit sa 'kin.

Kasalanan ko. Sana buhay pa siya ngayon.

Pinikit ko ang mata habang hawak parin siya sa pisngi. Tuloy-tuloy ang pagluha ko. Kung alam ko lang ganito ang mangyayari sana inintindi ko nalang siya.

“Chiduck.”

Napasinghap ako ng may humawak sa braso ko, pag-angat ko ng tingin si daddy.

Nanlaki ang mata ko at bumilis ang tibok ng puso.

“B-buhay — buhay ka?” Natuwa ako ng makita siyang dumilat. Nawala ang maraming pako sa dibdib ko. Masaya akong makita siyang buhay.

Umupo siya sa harap ko. Walang bahid ang mukha na nasasaktan sa natamo niyang sugat. Parang normal lang.

Bumaba ang tingin ko sa kaniyang dibdib, lumalabas doon ang maraming dugo. May hiwa 'yon na malalim.

Pinunasan ko ang luha sa pisngi. “D-dad dumudugo ka.” Puna ko.

Binaba niya ang tingin sa kaniyang dibdib. Kumunot lang ang noo niya na parang ‘di alintana ‘yon. Parang wala lang.

“M-may masakit ba sayo?” Nag-aalala kong tanong. Lumapit ako sa kaniya at inalalayan siya.

Hindi pa nakakasagot si daddy ng tumunog ang wang-wang ng ambulance. Sunod-sunod din ang pagpasok ng tao sa bahay namin. Lahat sila'y dumiretso kay daddy. Tapos 'yung mga tanod inikot ang bahay namin.

“Anong — paanong?” Napatingin ako kay Aling Pasing, nakatayo siya sa gilid at nakatingin kay daddy. Bakas sa mukha niya ang pagkalito at parang nahihiwagaan siya.

Lumapit kay daddy ang dalawang lalaki na nakasuot ng pulang damit na may tatak na rescue. May dala pa silang stretcher pero hindi rin nagamit dahil inalalayan lang nilang tumayo si daddy.

Tumingin sa ‘kin si daddy bago siya sinama ng mga rescuer. Nilapitan ako ni aling Pasing at hinawakan sa balikat.

“Paanong nabuhay ang daddy mo?” Pagtataka niya, salubong ang kilay.

“B-baka po namali lang kayo sa pagtingin sa pulso niya?” Utal kong saad. Nagsalubong ang kaniyang kilay at marahang umiling.

“Hindi hija sigurado akong walang pulso ang daddy mo ng hawakan ko siya, wala ng tibok ang pulso niya.” Napakamot siya sa ulo at malalim na nag-isip.

Niliko niya ang tingin sa ‘kin matapos ang pagtitig sa pader ng ilang segundo.

“Bakit parang hindi manlang nasaktan ang daddy mo? Walang emosyon ang mata niya?" Dugtong niya.

Sasagot palang ako ng dumating ang isang rescuer. “Sino po ang sasama samin sa hospital?” Tanong nito.

“Ako po." Sagot ko. Tumingin ako kay aling Pasing. "Pwede po bang samahan niyo muna si Motmot? Nasa kuwarto po siya habang wala lang si mommy.”

Tumango siya sa ‘kin. Iniwan kona siya doon at sumama sa lalaking rescuer.

Nasa ambulansya na kami patungong hospital. Binibigyan nila ng first aid si daddy habang nasa biyahe. Wala pang traffic dahil maaga pa. Nakatingin lang ako kay daddy na walang emosyon ang mukha ni hindi yata nasasaktan.

“Ang lalim ng pagkasaksak sa iyo, Sir.” Saad ng gumagamot sa kaniya. “Wala ho ba kayong nararamdaman sakit?”

Hindi sumagot si daddy, nakatingin lang siya sa labas ng bintana. Nagtataka ako kung bakit hindi niya alintana ang sakit, sigurado akong mahapdi ang pinapahid sa sugat niya.

Nang dumating kami sa hospital diretso emergency room si daddy, sabi ng nurse kailangan daw matigil ang pagdurugo at matahi ang sugat.

Ngayon ay nag-iisa lang ako sa labas ng emergency room, walang tao sa pasilyo ng hospital.

Ang tahimik.

Parang mabibingi ako sa katahimikan.

Kukundap-kundap ang ilaw sa kabilang dulo ng hallway, hindi manlang palitan ng utility ng hospital. Umayos ako ng upo at bumuntong hininga.

May malamig na hangin ang dumaan sa batok ko kaya napahawak ako roon. 

Dumaan ang isang minutong katahimikan bago ako makarinig ng iyak ng bata. Inikot ko ang tingin ngunit wala namang tao.

Palakas ito ng palakas na parang palapit sa ‘kin. Hinaplos ko ang dalawang braso dahil nagtataasan ang balahibo ko. Nakakaramdam na naman ako ng takot.

Sobrang linis ng hospital. Amoy na amoy ang mga gamot na ginagamit nila.

Nagulantang ako ng mamatay lahat ng ilaw sa hallway. Wala akong makita kundi puro kadiliman. Wala narin akong naririnig na iyak ng bata, siguro guni-guni ko lang 'yon.

Muling bumukas ang ilaw at pag-tingin ko sa dulong hallway may nakatayo doon. Napakurap ako ng ilang beses bago mapagtantong iyon ang matandang madalas kong makita. Nakasuot ito ng mahabang saya at jacket mahaba rin ang kulot nitong buhok.

Kumunot ang noo ko at may tanong na pumasok sa isip ko. Bakit, bakit ba niya ako sinusundan? Anong kailangan niya sa 'kin?

Kinagat ko ang ibabang labi ng muling mamatay ang ilaw. Ano bang nangyayari? May emergency blackout ba? Wala akong dalang cellphone at kahit gustuhin kong umalis dito hindi ko magawa dahil wala akong makita.

Pagbukas muli ng ilaw natuod ako ng kaharap kona ang matanda. Hindi ako makagalaw at tanging pagtitig lang sa mukha niya ang nagawa ko. Kulubot na ito at wala siyang ngipin.

Ngayo'y malapit na siya huwag kang magtitiwala kahit kanino'

Mariin akong napapikit ng may lumabas na dugo sa bibig niya. Ramdam ko ang lamig ng hangin na dumapo sa mukha ko. Nanginginig ang kalamnan ko. Alam kong nasa harap ko parin ang matanda at sumusuka ng dugo.

“Anak?”

Muntik na ‘kong mapalundag ng may humawak sa balikat ko. Pag-angat ko ng tingin, si mommy.

“Okay ka lang ba? Nasaktan kaba?” Umupo siya sa tabi ko at niyakap ako. Ramdam ko ang paglandas ng tubig sa mata ko. Bumalik na sa normal ang lahat, wala narin ang kukundap-kundap na ilaw. Wala narin ang matanda.

“Tahan na magiging ayos din ang lahat.” Turan niya at hinaplos ang buhok ko. Masaya 'kong nasa tabi kona siya. Ang taong pinagkakatiwalaan ko.








***

Note:

Salamat. (⁠≧⁠▽⁠≦⁠)

Kung 'di nyo naiintindihan mag-iwan ng kumento sa comment section.

~Saranghaeyo! Muahhh muahhh shup shup! 

Hahahah

(⁠。⁠•̀⁠ᴗ⁠-⁠)⁠✧


Who Are You ShadowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon