14: Acquaintance party

99 4 0
                                    

CHIDUCK

“Bakit walang nagsabi sa ‘king may acquaintance party ka ngayon?”

Hindi ako kumibo.

Nakaupo lang ako sa sofa at nakabihis na ng pang retro style dress, ngayon ang araw ng acquaintance party namin.

“Chiduck kinakausap kita!” Tumaas ang boses ni daddy. Galit siya dahil walang nagsabi sa kaniya about dito.

Lumunok ako at tiningnan siya.

“E, kasi po akala ko sinabi sayo ni mommy ‘yung tungkol sa party.” Sagot ko. Ginulo niya ang buhok at pabalikbalik na naglakad sa sala.

Nakagat ko ang labi feeling ko maiiyak na naman ako.

“Hon, ‘wag mo ng pagalitan ang anak mo kasalanan ko din at hindi ko nasabi sayo.” Katuwiran ni mommy, nakaupo sa single sofa.

“Parehas kayong mali!” Frustrated niyang sigaw.

Mukhang hindi yata ako papayagan ni daddy, 8:20pm na at exact 9:00 ang start ng program. Nakabihis nako at naka-makeup na. Si mommy ang nag-ayos sa ‘kin.

“Hindi koba talaga karapatan na malaman na may acquaintance party palang magaganap?” Kunot noong tanong niya at humalukipkip.

“Sorry po, Dad. Akala kasi ni mommy sinabi ko sayo tapos akala ko naman sinabi sayo mommy. Kung ayaw nyo po hindi nalang ako tutuloy.” Saad ko. Baka ito pa maging dahilan para bumalik ang dating si daddy. Ayoko non.

“Tutuloy ka at ako nalang maghahatid sayo pero ‘wag mo nang uulitin na hindi sabihin sa ‘kin, okay?”

Tumango ako. “Opo.”

“Kukunin ko lang ‘yung susi ng car.” Saad niya at umakyat sa hagdan. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa maglaho siya.

“Sorry anak akala ko kasi sinabi mo sa daddy mo ‘yung about sa acquaintance kaya hindi ko inulit sa kaniya.” Kumento ni mommy at lumapit sa ‘kin. Umupo siya sa tabi ko at inayos ang pagkakulot ng buhok ko.

“Okay lang po, ako naman ang may kasalanan dahil hindi ko sinabi kay daddy.” Sagot ko. Hinaplos niya ang pisngi ko at ngumiti.

"Thank you po dahil nandito ka." Dugtong ko at niyakap siya.

"I'm always here for you 'nak." Niyakap din niya ako pabalik. Masasabi kong mommies girl talaga ako.

“Tara na.”

Napatingin kami kay daddy. Kabababa lang sa hagdan nakasuot ng maong short at t-shirt. Hawak niya ang car key at lumabas sa bahay.

Tumingin ako kay mommy at nagpaalam na.

“Have a nice party enjoy mo lang, hah? Sunod kana sa daddy mo.” Nakangiti niyang turan.

Tumango ako at kumaway bago sumunod kay daddy. Hindi niya ako sinamahan dahil may gagawin pa siya.

Pagkarating ko sa garahe bukas na ang pinto ng passenger seat.

“Sakay na at late kana.” Turan ni daddy. Tumango ako at umikot sa kabilang side. Pagkasakay ko muli siyang nagsalita.

“Pasensya na kung nasigawan kita kanina anak, medyo nag-tampo ako kasi hindi mo sinabi sa ‘kin.” Saad niya matapos ilabas ang sasakyan sa garahe.

“Okay lang po kasalanan ko din naman.” Dapat talaga sinabi ko sa kaniya.

Pagkarating sa convention center marami nang studyante. Puno narin ‘yung parking space ng mga sasakyan, nakatingin lang ako sa labas ng bintana.

Hindi pa nagstart ‘yung program dahil nasa labas pa sila.

Bakas ang pagkamangha sa mata ko dahil ang gaganda ng suot nilang lahat. Pang retro style talaga. Dahan-dahan lang ang andar ni daddy kaya kita ang bawat kumpol ng studyanteng nag-uusap sa gilid.

Ang liwanag din sa paligid dahil sa mga kumikinang na lighting.

“Dad ‘wag na po kayong maghanap ng parking ibaba nyo nalang ako diyan sa gilid.” Saad ko.






***

To be continued.

Who Are You ShadowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon