CHIDUCK
Matapos ang ilang minutong pagtulala matapos kong kausapin si Nomin minabuti kong bumangon na. Naligo muna ako bago bumaba sa hapag kainan. Kaya lang wala akong naabutan tao doon at wala din pagkaing luto.
Napatingin ako sa sticky note na nakadikit sa refrigerator, agad ko itong nilapitan at binasa.
‘Maaga akong umalis dahil may inaayos ako sa business, dad.’
Kaya pala wala siya at wala din pagkaing luto dahil umalis pala si dad. Napabuntong hininga ako at binukas ang ref, magluluto ako ng makakain.
Makalipas ang ilang minuto tapos na ‘ko magluto, itlog, hatdog at fried rice lang ang niluto ko dahil ‘yun lang available sa ref, mukhang hindi pa sila namamalengke.
Matapos kong kumain dinalan ko si mom ng food sa taas, alam kong hindi pa siya nababa. Si Motmot siguradong tulog pa ‘yon. Dala ang tray umakyat ako sa hagdan. Sana naman kainin ito ni mom at gusto kong magkaayos na kami.
Pagdating ko sa harap ng pinto kumatok ako ng isang beses bago pumasok sa loob, hindi naman nakalock kaya dumiretso na ‘ko sa loob.
“Mom dinalan kita ng umagahan.” Masaya kong turan. Dumiretso ako sa kama pero pagdapo ng tingin ko sa kaniya nagitla ako. Napahinto ako sa paglalakad. Nakita ko si mom nakasalampak sa kama at humihithit ng droga, magulo ang buhok at buhaghag.
Ngayon ko lang siya nakitang ganito. Hindi naman siya ganito dati. Saan ba ni mom natutunan ito? Sa mga barkada niya? Sa mga taong sinasamahan niyang mag bar?
Nahagip ko ang hininga sa pag-iisip. Bakit ba ginagawa ito ni mommy. Bakit kailanga niyang magdroga?
Napalunok ako. Hindi ko alam kung dapat ko ba siyang abalahin o hindi. Hindi niya ako napapansing nakatayo sa gilid dahil busy siya sa pagsinghot.
Naisip ko si dad, alam kaya niya ang ginagawa ni mom? Alam ba niya ang nangyayari dito? Tuloy parin si mom sa pagsinghot tapos itataas niya ang ulo at ngingiti na parang baliw.
Minabuti kong umatras at lumabas nalang. Nang mahawakan ko ang doorknob lumabas na ‘ko sa kuwarto. Dumiretso ako sa kusina at kinontak ang numero ni dad.
Nakailan call na ‘ko pero hindi parin sinasagot, ring lang ng ring. Hindi kaya busy parin siya? Hihintayin ko nalang siyang makauwi saka ko sasabihin ang nangyayari kay mom. Kailangan niyang malaman para mapigilan niya at kausapin narin.
______
Dumating na ang gabi pero wala parin si dad. Nakahilata ako sa kama at nag-iisip. Alas-siyete palang gabi.
Napatingin ako sa pinto ng bumukas ito, kumunot ang noo ko ng makita si Motmot. Bumangon ako at inaya siya sa kama. Doon ko lang napansin na umiiyak siya.
“Bakit ka umiiyak? Anong problema?” Pinunasan ko ang luha niya pagsampa niya sa kama ko. Parang hinaplos ang puso ko ng makita siyang ganito.
“A-ate.” Utal niyang bigkas kasabay ng pagsinghot ng sipon. Niyakap ko siya at pinatahan. Hinagod ko ang likod at inalo-alo.
“Shsssh, ‘wag kana umiyak.” Pagpapatahan ko.
Matakalipas ang ilang minito tumigil narin siya sa pag-iyak. Umupo siya ng maayos sa kama at tumingin sa ‘kin. Mapula parin ang kaniyang mata at ilong.
“A-ate nakita ko si mommy." Pauna niyang salita na kinakunot noo ko. Hindi kaya nakita niya ang padadrugs ni mom?"Anong, anong nakita mo?" Tinitigan ko siya hinihintay magsalita muli. Lumunok siya at tumingin sa pinto nakasara naman 'yon kaya walang problema, binalik niya ang tingin sa 'kin at lumunok ulit.
"N-nagsasalita mag isa at natawa.” Kumunot ang noo ko sa turan niya.
“Nagsasalita mag-isa at natawa?” Ulit ko na kinatango niya. Nagsalubong ang kilay ko."Ang ibig mo bang sabihin nakita mo si mommy nagsasalita mag-isa at tumatawa?" Pagtatama ko na kinatango niya. Pansin ko ang paglungkot ng kaniyang mata sa nakikitang asal ngayon ni mommy. Hindi ko alam kung paano siya ilalayo sa ganoon isipin.
“Ahm, si mommy kasi Motmot ay may — “ Naputol ang sasabihin ko sa bigla niyang pagsingit.
“Ate may hawak na scissor si mommy at tinutusok niya sa unan, I’m scared of her na.” Mangiyak-ngiyak niyang turan. Halata ang takot sa kaniyang mata kaya hindi ko rin maiwasan kabahan. Napansin ko ang panginginig ng kamay niya kaya hinawakan ko ito ng mahigpit.
Ang laki ng pinagbago ni mommy nagsimula lang ito nung nagalit siya sa ‘kin. Pero hindi ko akalain na mauuwi sa ganito. Na magiging ganito si mommy. Na magiging adik siya. Alam kong epekto ‘yon ng droga. Ang pagsasalita mag-isa at pagtawa na parang baliw. Ang kinatatakot ko lang ‘yung nakita ni Motmot, ‘yung may hawak si mommy ng gunting at sinasaksak ang unan. Hindi ‘yon normal at ‘yun ang kinatatakot ko.
“I’m, scared.” Niyakap ako ng mahigpit ni Motmot at binalik ko din ng yakap.
“I’m here okay? ‘Wag na matakot nandito si ate.” Pag-aalo ko at niyakap siya ng mahigpit. "Akong bahala sayo, okay?"***
To be continued.
BINABASA MO ANG
Who Are You Shadow
ParanormalShe can see ghost, she can see shadow, what she fears the most she still see that shadow sitting in her bed, watching her sleep. COMPLETED Date Started: May 20, 2023 Date Ended: May 05, 2024