CHIDUCK
“Nagdududa ka palang alam kona.” Humakbang siya palapit kaya napaatras ako. Halos mabingi na ‘ko sa lakas ng tibok ng puso. Pati yata pulso ko sa katawan natatakot.
“O, Chiduck, ramdam na ramdam ko ang takot mo, napakalakas.” Nakangisi niyang turan. “At gustong-gusto ko ‘yon dahil lalo akong lumalakas.”
Pigil na pigil ko ang hininga at umatras sa kama palapit kay Motmot.
“Ohh, bakit ka umaatras? Natatakot kaba kay daddy?”
May dumaan na devilish grin sa kaniyang mata na lalo kong kinabahala. Nang makalapit ako sa kinaroroonan ni Motmot kaagad kong hinawakan ang kamay niya.
“D-Dad, please lumabas kana.” Pakiusap ko.
“MINCHIN!”
Napapitlag ako sa gulat. Bigla nalang kasi siyang sumigaw at malalim ang boses na ‘yon, double at umuulit sa mas malademonyong tono.
Kaagad napunta ang tingin namin sa pinto ng pumasok si mommy, magulo ang buhok niya na buhaghag, tapos nangingitim ang ilalim ng mata at ganun din ang labi. Humigpit ang hawak ko sa kamay ni Motmot sa sobrang takot.
Bumaba ang tingin ko sa kamay ni mommy. Nanlaki ang mata ko. May, may kutsilyo siyang hawak, kumikinang pa ang talim nito. Jusko, God save us, please.
“Alam mo, Chiduck. Alam ko ang lahat simula hanggang dulo.” Turan ng demonyo sa katawan ni dad. Tumingin siya sa bangag naming mommy at sumenyas ito. Matapos nilisan niya ang kuwarto. Naiwan kami ni Motmot at ni mom.
Humakbang si mom palapit samin kaya bigla akong naalerto lalo pa’t may hawak siyang patalim. Isa pa, wala siya sa kaniyang pag-iisip. Siguradong hila siya ng droga.
“M-Mommy.” Bigkas ni Motmot. Maluha-luha ang kaniyang mata habang nakatitig kay mom.
“Mom please, gumising ka, hindi ikaw ‘to, ‘wag kang magpaniwala kay daddy, please ‘wag mo kaming patayin.” Turan ko. Umatras kami ni Motmot hanggang nasa dulo na kami ng lampshade. Nanginginig ang kamay ko.
Inamba niya ang kutsilyo sa ere na halos kinaluwa ng eyeball ko. Nakaamba ito samin ni Motmot. Sunod-sunod ang mabilis kong paghinga para na ‘kong aatakihin.
Walang kahit anong emosyon ang meron sa kaniya. Galit at pagkamuhi lang. Kung ano man ang binubulong sa kaniya ng demonyo masyado itong pumasok sa isip ni mom. Dahilan kung bakit hindi niya kami makilala, lalo na ang tunay niyang anak na si Motmot.
Napasigaw ako ng biglang tumakbo si mommy palapit. Nagslowmo ang tingin ko. Ang nakikita ko lang ang matalim niyang tingin. Nang mabalik ako sa wisyo kaagad kong sinampa si Motmot sa kama at ganun din ang ginawa ko para makailag sa atake ni mom.
Kaagad kong hinila si Motmot pababa sa kabilang side ng kama at hinila siya palabas ng kuwarto. Mula sa gilid ng mata ko nakita ko ang pagkairita sa mukha ni mom.
“Let’s go faster, Mot!” Saad ko, kabang-kaba na ‘ko. Para na ‘kong nakalutang. Nang makalabas kami sa kuwarto agad ko siyang hiniklat pababa sa hagdan.
“Bilisan mo kailangan natin makaalis!” Maktol ko sa bata. Nawawala na ‘ko sa ulirat. Punong-puno ng takot ang isip ko.
Pababa na kami sa hagdan ng biglang may humila sa buhok ko. Kaagad akong napaaray at nabitawan ang kamay ni Motmot. Saktong pag-angat ng tingin ko ang paghiwa ni mommy sa braso ko.
Napasigaw ako at napaiyak. Halos mawalan ako ng hangin sa baga. Pagtingin ko, umaagos ang dugo sa braso ko, hindi na kita ang balat at puro dugo na. Nakagat ko ang labi habang tuloy-tuloy ang agos ng luha. Napakalaki ng hiwa sa braso ko. Halos makita ko ang buto doon tapos parang may nahiwa ding ugat.
Halos manlambot ako sa nakita. Para akong mahihimatay. Namamanhid at masakit. Sobra. Hindi ko kaya. Bigla akong nanghina. Umangat lang ang tingin ko sa mukha ni mommy ng hilahin niya ang buhok ko patingala sa kaniya. Nakangisi siya sa ‘kin.
"Mommy." Bulong ko. Naalis lang ang tingin niya at nabitawan ako ng kagatin siya ni Motmot sa hita. Kaagad akong nakabawi at buong lakas tinulak si mom palayo, gamit ang isa kong kamay hinila ko si Motmot pababa sa hagdan.
Sobrang sakit ng braso ko na namamanhid. Pero hindi ‘yon ang iniintindi ko, kita ko kasing humihikbi si Motmot, punong-puno ng luha ang mata. Gusto ko siyang patahanin ngunit hindi ngayon ang oras. Kailangan namin makaligtas.
Bawat hakbang na ginagawa ko lalong sumasakit ang braso ko. Parang lalong nahuhulog ang dugo nito dahil sa labis kong pagmamadali.
Pagkababa sa hagdan kaagad kaming nagtungo sa main door para lumabas. Ngunit, hindi rin natuloy dahil nakatayo doon ang katawan ni daddy habang kumikinang ang kutsilyong hawak.
***
To be continued.
BINABASA MO ANG
Who Are You Shadow
ParanormalShe can see ghost, she can see shadow, what she fears the most she still see that shadow sitting in her bed, watching her sleep. COMPLETED Date Started: May 20, 2023 Date Ended: May 05, 2024