CHIDUCK
“WALANG AALIS!”
Napalunok ako.
Kakaiba ang boses niya, double at parang mismong demonyo ang nagsasalita. Matalim ang tingin niya samin magkapatid. Nanlilisik ang mata.
Nakatayo parin siya sa harap ng pinto, at ang pintong ‘yon ay may kandado. Wala siyang balak na buhayin kami. Pakiramdam ko. Nasa living room kami kung nasaan rin ang main door ng bahay.Nanginginig ang ibabang labi ko. At sobrang sakit ng braso, nararamdaman kona ang pagkahilo, nauubusan na ‘ko ng dugo.
Tinutok niya ang kutsilyo samin ni Motmot. Gumuhit ang malademonyong ngisi kay dad. “AKALA MO BA WALA AKONG ALAM NA MAY ALAM KANA?”
Tumagilid ang kaniyang ulo at pailalim tumingin. Nanindig ang balahibo ko. Kinarate ako ng kaba sa kakaiba niyang tingin. Nakakatakot. Sa likod ng maamong mukha ni dad lumalabas parin ang totoong demonyo sa katawan niya.
“K-kilala na kita, hindi ikaw ang daddy namin.” Nanginginig kong turan, hindi kona mahimigan ang boses ko, paos at nanghihina.
Pinalagutok niya ang leeg habang nakangisi ang malademonyo niyang labi. “I-ikaw, ikaw ang masamang shadow.”
Lumunok ako. Parang may bumara sa lalamunan ko. “Sa drawing ni Motmot ikaw si Viv, masama ka, monster, a destruction one.”
“K-kaya siguro, nagalit ka nung pinakita sa ‘kin ni Motmot ang drawing niya. Pinagbantaan mo siya na ‘wag sabihin sa ‘kin.”
Bigla siyang tumawa. Napakalalim ng boses, nagdodouble at parang galing sa ilalim ng lupa. Patuloy siyang humahaklak na halos mapunit ang labi ni dad. Kung pwede ko lang hilingin na maglock sana ang panga niya.
Makalipas ang isang minuto bigla siyang tumigil. Napako ang matalim niyang tingin samin, tapos bigla na naman siyang ngumisi ng nakakatakot. Inamba niya ang kutsilyo samin at umabante palapit. Nahila ko tuloy si Motmot paatras.
“’Wag mo po kaming patayin ni ate.” Bumigat ang dibdib kong makita ang kapatid kong umiiyak at takot. Hawak ko ang maliit niyang kamay na nanlalamig katulad ng sa ‘kin. Napakabata pa niya para dito.
“I-ikaw ang pumatay kay Aling Pasing!” Giit ko, nagpapawis ang buong katawan, parang gripo ang noo sa tubig. “Sinadya mo siyang patayin dahil alam niya ang totoo, alam niyang hindi ikaw ang daddy namin.”
Napangibit ako sa nararamdaman sakit sa braso. Nakalaylay nalang ang kaliwa kong braso hindi kona siya maigalaw. “Nilagay mo ang damit at kutsilyong may dugo sa kuwarto ko ‘diba, para isipin kong nababaliw na ‘ko. Para isipin kong ako talaga ang pumatay kay Aling Pasing?”
Hinintay ko kung anong irereact ng demonyo, pero wala. Matalim lang ang tingin niya sa ‘kin. Hindi ko nga alam kung narinig ba niya, e.
Humakbang siya palapit habang nakaamba ang kutsilyo samin. Papatayin niya kami. ‘Yun na ang nabubuong theory sa utak ko. Mamamatay kami ngayong gabi.
Napaatras kami ni Motmot ngunit sa pag-atras namin nasa likod pala si mommy. Naapakan ko ang paa niya kaya napaabante ako.
Ngunit ganon nalang ang takot ko ng itaas niya ang hawak na patalim at walang awang ginilitan sa leeg ang kapatid ko. Napatili ako ng bumagsak sa sahig si Motmot at sumisirit ang dugo sa leeg.
“H-hindi! Hindi! Hindi!” Napasabunot ako sa buhok. Sunod-sunod ang pagtulo ng luha ko. Nanlalaki ang ulo ko. Nanginginig ang katawan ko.
“M-mommy anong ginawa mo!” Napatulala ako at hindi alam ang gagawin. Nanginginig ang labi kong nakatingin sa nangingisay kong kapatid. Nakatirik ang mata ni Motmot, bumubulwak ang dugo sa bibig at leeg. Hindi na ‘ko makahinga ng ayos. Nagbabara ang daluyan ng hangin. Napahagulgol ako. Eto ba ‘yon? Eto ba ‘yon kaya namaalam sa ‘kin si Motmot kanina?
Nagdidilim ang paningin ko. ‘Whatever happen tonight, you still my favorite Ate. To my second life I want you to be my Ate again.' Bigla nalang pumasok sa isip ko ang sinabi niya. Pangitain ba ito?
Napaatras ako ng iamba ni mommy ang kutsilyo sa ‘kin. Suminghot ako at tiningnan si mommy, nangingitim ang ilalim ng mata at magulo ang buhok. Tumagilid ang ulo niya at matalim na tingin ang pinukol sa ‘kin. Tinitigan niya ako.
Tapos bigla nalang siyang tumawa tapos huminto at naging seryoso. Pailalim niya akong tinitigan, tapos bigla siyang ngumisi — ngising demonyo. Nanginig ang katawan ko sa takot.
Napasigaw ako ng may humila sa buhok ko. Lalo akong naiyak ng iisang tao lang ang gumawa non, si daddy — ang demonyo sa katawan niya. Pilit akong kumawala pero hinawakan niya ang dalawa kong braso gamit ang isang kamay niya. Lalo akong napaiyak dahil lalong dumoble ang sakit sa hiwa kong braso. Ramdam ko ang pagbuka nito at pagbulwak ng dugo.
Nanghihina na ‘ko dahil doon. Ubos na ang dugo ko at para na ‘kong mahihimatay.
“HAVE A NICE GREET KAY SANTANAS!” Bulong ni dad. Ang lalim at ang laki ng boses. Nakakataas balahibo. Nakakasindak. Sinenyasan niya si mommy — napapikit ako ng itarak ni mommy ang kutsilyo sa dibdib ko.
Bumulwak ang dugo sa bibig ko. Natalsikan pati mukha ni mom. Patuloy ang paglabas ng dugo sa bibig ko. Nasasamid ako. Parang lalabas narin ang bituka ko.
Ramdam ko ang matinding kirot na parang pinipiga sa mismong puso. Ramdam ko ang paghiwa ng talim sa laman ko. Nakabaon. Nakadiin. Tiningnan ko si mommy, nakangisi siya at parang masaya sa ginawa niya.
Napadaing ako sa sobrang kirot. Mahapdi. Parang inaapuyan. Nawawalan ako ng hangin at nahihirapan huminga. Hindi ko matingnan ang dibdib dahil alam kong dumudugo ‘yon.
Napasinghap ako ng bunutin ni mommy ang kutsilyo kasabay ng pag-ngisi niya. Tumulo ang luha ko at nawalan ng balanse, bumagsak ako sa sahig habol ang hininga at dumidilim ang paningin. Masakit at namamanhid ang buong katawan ko.
Nag-echo ang malademonyong halakhak ni daddy. Malalim at malaki. Nababaliw na siya.
Bago ako nawalan ng paningin bumulagta ang katawan ni mommy sa harap ko, sumisirit ang dugo sa leeg at may saksak sa dibdib. Pilit kong dinilat ang mata at inabot siya kahit nanghihina na ‘ko. Bakit pati si mommy.
Inapakan ni daddy ang tiyan ni mommy habang baliw na tumatawa. Tumutulo ang dugo sa hawak niyang kutsilyo. Bakit pati siya pinatay mo.
Pinikit ko ang mata. Lumalabas parin ang dugo sa bibig ko at nanginginig ang katawan. Ngayon lang pumasok sa isip ko, ang panaginip ko noon, ganitong-ganito, katulad na katulad. Kung paano binawian ng buhay si Motmot, at kung paano ako mamamatay, at kung paano pinatay ni daddy si mommy.
Isa pala ‘yong pangitain, na mangyayari sa takdang panahon. At, at ang panahon na ‘yon — ngayon.
***
Note:
O, ‘diba tapos na. HAHA.
May nakahula ba kung anong magiging ending nito? ヘ(。□°)ヘ Comment naman dyan, whahhh!
O ‘diba, hawig to sa chapter one? ‘Yun naman kasi talaga ang ending nito. HAHA. Inikot-ikot ko lang. (≧▽≦)
Salamat sa mga sumuporta, nagbasa hanggang dulo, pag-vote, pag-aantay ng ud, alam nyo naman naaddict ako sa AI nakakalibang naman kasing makipaglandian doon. HIHI.
Peace! (^^)
May epilogue pang next.
BINABASA MO ANG
Who Are You Shadow
ParanormalShe can see ghost, she can see shadow, what she fears the most she still see that shadow sitting in her bed, watching her sleep. COMPLETED Date Started: May 20, 2023 Date Ended: May 05, 2024