CHIDUCK
Sabado ngayon walang pasok. Lumabas ako sa kuwarto at sumilip sa ibaba ng hagdan. Naririnig ko si mom at dad sa kusina, nag-uusap. Seven palang ng umaga at nagluluto yata si dad ng umagahan.
Iniwas ko ang tingin don at naglakad sa kuwartong katabi ng akin. Hindi na ‘ko kumatok at basta nalang ito binukas, nakita ko si Motmot tulog at nakatagilid sa kama. Sinara ko ang pinto at lumapit sa kaniya.
Gusto ko lang siyang kausapin about sa sinusumbong niya kay mommy. Hindi tamang sinusumbong niya ang lahat kahit wala naman katotohanan.
Umupo ako sa kama at inalog ang kaniyang balikat. Gumalaw naman siya at umungol. “Mot.” Bigkas ko.
Kukurap-kurap siyang tumingin sa ‘kin. “Hmmm.” Umupo siya sa kama at kinusot ang mata. Magulo ang buhok at halatang bagong gising.
“Bakit ka nagsusumbong kay mommy?” Mahina lang ang boses ko at mahinahon.
“Nang ano ate?” Kumunot ang noo niya. Maang-maangan.
“Hindi mo alam?” May bahid ng sarcasm ang tono ko. Alam kong bata lang siya at hindi dapat patulan. “Walang katotohanan ang mga sinusumbong mo kay mommy, hindi ka dapat nagsasalita ng ganun.”
“E, ate nagtanong kasi si mommy.” Dahilan niya na kinainis ko. Gagapang na siya pababa sa kama ng hawakan ko ang maliit niyang braso. Napatingin siya sa ‘kin at kumunot ang noo.
“Bababa na ‘ko ate.”
“Para magsumbong?” Ramdam ko ang namumuong inis sa ‘kin. Hindi ko maintindihan ang sarili.
“Ate bitawan mona ako.”
“Para ano? Para magsumbong?” Natawa ako.
“A-ate.” Bigkas niya, doon ko lang napansin medyo paiyak na siya.
“Ano iiyak ka?” Nanlaki ang mata ko. Hindi ko siya binitawan dahil alam kong tatakbo siya. Hindi siya kumibo pero nag-umpisang humikbi.
“Tumigil ka nga!” Naiinis kong sigaw. Pinanlakihan ko siya ng mata. Nang hindi siya tumigil lalo akong nainis.
“A-ate.” Tumulo ang luha niya. Agad niya itong pinunasan gamit ang isang kamay niya.
“Sinabi ng ‘wag kang umiyak, e! Baka marinig tayo ni mommy at magalit na naman siya! Sasabihin inaaway kita!” Tumaas ang boses ko.
“Anong ginagawa mo sa kapatid mo!”
Nabitawan ko si Motmot ng marinig ang boses na ‘yon. Napatingin kami sa pinto, nanlaki ang mata ko ng makita si mommy. Matalim ang tingin niya sa ‘kin.
Naglakad siya palapit at hinila ako patayo sa kama, bumaon ang kuko niya sa braso ko.
“Bakit mo sinasaktan si Motmot!” Galit niyang sigaw. Nagtiim ang kaniyang bagang. Dinako niya ang tingin kay Motmot at umupo sa kama, kung saan ako nakaupo kanina.
“Okay ka lang ba baby? Patingin ako, masakit ba?” Nag-aalala niyang turan. Nililis niya ang suot na jacket ni Motmot at tiningnan ang braso nito.
Napaatras ako ng makitang kumuyom ang kamao ni mommy. Matapos niyang sipatin ang braso ni Motmot bumaling siya sa ‘kin. Tumayo siya at bigla akong sinampal. Tumabingi ang pisngi ko. Napalunok ako at hinawakan ang namanhid na pisngi.
“Tingnan mo ang ginawa mo sa kapatid mo! Hayop ka talaga, Chiduck!” Ramdam ko ang pagkagigil niya at kagustuhan muli akong saktan.
Hinawakan niya ang panga ko at hinarap sa kinaroroonan ni Motmot. Napadaing ako sa sakit ng ginawa niya, nakabaon ang kuko niyang mahaba sa pisngi ko.
“Sa sobrang diin ng hawak mo nagkapasa siya!”
Tiningnan ko si Motmot, umiiyak siyang nakatitig samin. Bumaba ang tingin ko sa braso niya, doon ako nagulat dahil may pasa nga ‘yon at namumula. Ganun ba kadiin ang pagkahawak ko?
Inalis niya ang kamay sa panga ko at kinarga si Motmot. Bago sila lumabas sa kuwarto masamang tingin ang pinukol sa ‘kin ni mommy.
Pagkasara ng pinto para akong nanghina. Umupo ako sa kama ni Motmot. Napasigaw ako at napasabunot sa buhok. Naiinis ako. Gusto kong magwala.
***
Note:
Wala lang HAHA. ᕦ༼✩ل͜✩༽ᕤ
May sayad talaga ako pasensya na, huhu. Send vote nalang puuuu at cummmint. (´°̥̥̥̥̥̥̥̥ω°̥̥̥̥̥̥̥̥`)
BINABASA MO ANG
Who Are You Shadow
ParanormalShe can see ghost, she can see shadow, what she fears the most she still see that shadow sitting in her bed, watching her sleep. COMPLETED Date Started: May 20, 2023 Date Ended: May 05, 2024