✎CHAPTER 05 - SECRETLY SMILED

33 3 0
                                    


✩.・*:。≻───── ⋆✎⋆ ─────.•*:。✩

╔══════════╗
☾Yeonjun's Pov☽

╚══════════╝

╞═════The Next Day═════╡

Sa buong klase ay tahimik lang ako, si Asher ay hindi pa muna ako kinakausap dahil alam niyang wala pa ako sa mood, ganun na sila Taehyun at Zayden. Si Soobin naman ay walang pinapansin sa mga classmate namin, kahit yung dalawang tao na may gusto sa kanya.

Akala ko ay wala akong paki sa pag-aaral pero kanina sobrang nakikinig ako sa teacher namin, sumasagot pa nga ako, kinontra ko pa kanina kaya parang nainis sakin pero wala akong paki. May point naman ako eh, hindi ako kokontra kung wala akong laban.

Nainis lang ako sa isang teacher kanina dahil halatang pinag-iinitan niya si Soobin. Sa buong oras niya ay parang si Soobin lang ang nakikita niya. Hindi ko alam kung anong issue sa pagitan nila at wala akong paki kung may issue sila pero maging professional naman sana ang teacher na yun. Napapahiya si Soobin kanina!

Kung hindi lang ako pinigilan ni Asher ay talagang barado sakin ang teacher na yun..

Nang naglunch break na kami ay tahimik lang kaming kumakain apat nang biglang may sumisigaw sa galit. "T*t*ng*-t*ng* kasi eh! Bakit hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo ha?!" Galit na galit na tanong nung teacher na pinahiya si Soobin kanina.

Mukhang nataponan siya ng pagkain ng isang studyante. "Sir, tama na yan. Maraming studyanteng nakatingin. Pumunta na lang tayo sa office, sumunod ka." Sabat nung isang teacher na kasama niya.

"Hindi! Alam mo ba na ang mahal-mahal ng damit na toh?! Kaya mong bayaran?!" Galit na galit niyang tanong sa studyante.

"Sorry po sir, hindi mauulit po. B-Bayaran ko na lang po." Nanginginig na usal nung studyante.

"Pano mo babayaran eh mahirap ka lang! Scholar ka lang di ba?! Pano mo nakuha yun eh b*b* at t*ng* ka!" Pang-iinsulto pa niya. Niyukom ko ang kamao ko.

"Sir, tama na yan! Maging professional naman kayo, teacher kayo!" Awat ni Soobin.

"Isa ka pa, eh gaya ka lang naman niya. Kung hindi dahil sa Kuya mo wala ka dito! Wag kang mangialam, stupido!" Galit na sigaw nung teacher sa kanya na tinulak pa sa balikat si Soobin.

"Aba, g*go toh ah..." Usal ni Taehyun. "Asher, Zayden, kayo bahala dyan mamaya ah." Seryosong utos niya.

Tumayo naman ako. "Ako bahala sa punyemas na toh." Usal ko at naglakad papalapit sa gawi nila. Sasampalin na niya sana yung studyante pero agad kong hinawakan ang kamay niya at malakas binaling patalikod na halos mabali na ang kamay niya kaya napasigaw siya sakit.

"Aray! Aray! Bitawan mo ako!" Inis niyang sigaw sakin.

"Bitawan mo si Sir---"

"Shut the fvck up or else babaliin ko talaga kamay niya." Pagbabanta ko kaya umatras siya.

"Kakasohan kitang lalaki ka!" Sigaw sakin ng teacher na toh.

He is the Husband of a Mafia BossWhere stories live. Discover now