CHAPTER 38 - HAPPY MORNING

8 3 0
                                    

✩.・*:。≻───── ⋆✎⋆ ─────.•*:。✩

╔═══════════╗
☾Yeonjun's Pov☽
╚═══════════╝

"Shaine." Tawag ko sa kanya.

"Yes po, hyung." Sagot niya.

"Pwede ba tayong mag-usap?" Nakangiti kong tanong sa kanya. Bahagya pa siyang natigilan dahil dun.

"S-Sige po." Nauutal pa siya.

"Soobin, mag-uusap lang kami ni Shaine sa may garden ah?" Paalam ko sa kanya. "Saglit lang naman po." Dagdag ko na agad.

"Okay sige, wag na kayong lumayo ha?" Tumango naman ako.

Tinanguan ko naman si Shaine. "Tungkol saan po ba pag-uusapan natin hyung?" Tanong niya agad nang makarating kami sa garden.

•••

Pagkatapos naming mag-usap ay bumalik na rin kami sa loob, saglit lang naman gaya ng sinabi ko kay Soobin. 10pm na ngayon, yung iba ay kanya-kanya na silang kwentuhan at inuman. "Tapos na kayo mag-usap?" Tanong ni Soobin sakin.

"Yes po, may mga tinanong lang po ako. No need to worry, tungkol lang sa nakaraan ko na siya lang ang nakakaalam. Ayaw kasi sabihin ni Min Hyuk eh hehehe..." Paliwanag ko na sa kanya.

Ngumiti naman siya. "Kaaway niya kasi ang mga yan, hanggang ngayon hindi pa rin sila nagkakasundo." Sagot niya.

"Gustong gusto ko na tuloy bumalik ang memory ko nung mga bata pa kami, baka may paraan pa para magkasundo sila ulit." Umaasa na usal ko.

"Maraming paraan kung gusto, gusto natin na magkasundo sila pero si Min Hyuk ba?" Taas kilay na tanong niya. "Kahit gawin natin ang lahat, kung ayaw ni Min Hyuk ay wala na tayong magagawa dun." Parang nahulog naman ang balikat ko sa panlulumo.

"Tama ka, ang hirap tuloy."

"Wag mo muna isipin yan okay? Magrelax ka muna dahil ito ang chance mo para magpahinga ang sarili mo kasi ang Choi Yeonjun na nakilala namin ay pagod na siya, kaya magpahinga ka muna okay?" Nakangiti niyang usal, tumango naman ako. "Matulog ka na kaya, 10pm na kasi eh."

"Sige." Nakangiti kong sagot.

"Sandali, sasabihin ko lang muna sakanila." Tumango naman ako. Nang tumayo siya ay parang umikot ang paningin ko at nanlabo. Lintik, anong nangyayari?

My gosh, nagsisimula na naman ba?

"Soobin..." Mahina kong tawag sa kanya, sinubukan ko naman tumayo. Parang nanghihina ako. "Soobin.." Nanlalabo ang paningin ko at nanghihinga ang mga tuhod ko.

"Yeonjun, are you okay?" Rinig kong tanong ng kung sino.

"Soobin..." Natumba na nga ako ng tuluyan at nandilim na ang paningin ko.

╔═══════════╗
☾Narrator's Pov☽
╚═══════════╝

"Soobin..." Ang huling sinabi ni Yeonjun nang tumumba na siya, agad naman siyang nasalo ni Mark.

"Yeonjun!" Sigaw niya sa pangalan nito. "Shian, si Yeonjun!" Malakas niyang sigaw kaya nagulat ang lahat.

"Oh my gosh, anong nangyari?!" Tanong ni Liu Shen.

"My goodness, Yeonjun!" Nag-aalala naman na lumapit si Soobin kay Yeonjun na walang malay.

He is the Husband of a Mafia BossWhere stories live. Discover now