✩.・*:。≻───── ⋆✎⋆ ─────.•*:。✩
╔══════════╗
☾Yeonjun's Pov☽
╚══════════╝
Nandito kami ngayon sa soccer field, may laban ang mga Senior Highschool, pinayagan ang mga college student na manood. Ang ingay ng buong paligid dahil todo cheers sila pero kaming apat ay parang hindi excited, hindi naman kasi kami sanay sa ganitong situation. Si Soobin at Beomgyu na nasa harapan namin kasama ang isa nilang kaibigan na si Kai ay sumasabay sa ingay.
Kapag nakakascore ang yung Red Team ay nagbo-boo sila Soobin pero kapag Blue Team ang nakascore ay tatalon-talon pa, todo sigaw pa sila na halos malagutan sila ng hininga. May boses pa kaya ang mga ito mamaya?
Nagtaka naman ako nang humarap si Soobin sakin na nakangiti. "Choi Yeonjun, anong team ka?" Nakangiti niyang tanong.
"Wala." Bored kong sagot kaya bumisangot siya. Suminghal naman ako. "Red." Pang-aasar ko, sumama naman ang mukha niya.
"Talagang gusto mo magkaaway tayo eh noh?" Sarkatisko niyang tanong.
Ngumisi naman ako. "Red gusto ko eh."
"Edi dyan ka sa Red mo!" Napataas ang kilay ko sa pagsigaw niya sakin, tinalikuran pa nga niya ako.
"Inaway mo pa, loko." Siniko naman ako ni Taehyun.
"Hayaan mo." Usal ko. Nang maka-score ang Red ay siniko ko si Asher na magcheers kaya todo cheers naman sila ni Zayden, ako naman ay natawa. Lumingon si Soobin samin at tumingin ng masama sakin. Tinaasan ko naman siya ng kilay.
"Masama ka talaga." Malamig niyang usal at muli akong tinalikuran. Parang nawala ang nakakaloko kong ngiti at hindi ko alam kung bakit parang pinagsisihan kong inasar siya, tch. What the hell is wrong with me? Damn.
Tumayo naman ako. "May pupuntahan lang ako." Paalam ko kanila Asher.
"Samahan---" Pinaupo ko si Asher nang tumayo.
"Wag na, saglit lang ako." Usal ko.
Naglakad na ako paalis sa pwesto namin.
»»---->
"Oh Yeonjun," Usal ni Coach nang makita niya ako malapit sa bench nila. "Bakit nandyan ka? Lumapit ka rito." Umiling naman ako.
"Kayo na lang coach, hindi ako pwedeng makita nila Taehyun eh." Nakangiwing usal ko. "May sasabihin lang ako." Dagdag ko.
Natatawa naman siyang lumapit sakin.. "Sige ano ba ang kailangan ng dati kong player ha?" Nakangiti niyang tanong.
Nginitian ko naman siya. "Coach, pwedeng gawin niyo ang lahat para manalo kayo?" Paghingi ko ng request.
"Gusto namin pero malakas ang kalaban namin ngayon, kung nandito ka pa sana ay kanina pa tapos ang laro." At ngumisi naman siya.
YOU ARE READING
He is the Husband of a Mafia Boss
Action╔════════════════╗ HE is the HUSBAND of a MAFIA BOSS ╚════════════════╝ ╭────────────╮ YEONBIN ╰────────────╯ ➪Yeonjun ➪Soobin ➪Taehyun ➪Beomgyu ➪Kai