✩.・*:。≻───── ⋆✎⋆ ─────.•*:。✩
╔═══════════╗
☾Yeonjun's Pov☽
╚═══════════╝Kasama ko ngayon sila Taehyun dito sa headquarters, kailangan pa rin naming gawin ang plano. Ang tahimik, ang awkward! Walang nagsasalita kung hindi tungkol sa plano ang pinag-uusapan namin. Nasa kalagitnaan kami ng meeting nang biglang bumukas ang pintuan ng room namin at bumungad samin si Liu Shen.
Lahat kami ay nagulat sa pagsulpot niya, napatayo naman ako. "Anong---" Hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang sampalin niya ako ng malakas! Damn!
"Anong ginagawa mo ha?! Bakit pinapabayaan mo si Soobin?!" Galit na galit niyang tanong sakin.
"Ano? Anong pinagsasabi mo ha?" Inis kong tanong sa kanya, ang sakit ng pisnge ko!
"Hindi ba't boyfriend mo siya? May resposibilidad ka rin sa kanya!" Mas lalo akong naguguluhan.
"Ano bang pinagsasabi mo Liu Shen?" Sabat na ni Taehyun.
"Nandito ka sa teritoryo namin pero ang lakas ng loob mong sampalin si Boss!" Gatong pa ni Asher.
"Shut the fvck up!" Inis na sigaw sa kanila ni Liu Shen, bumaling naman siya sakin. "Hindi mo ba alam na nakipagkita siya kay Min Hyuk?!" Natigilan ako sa tanong niya.
Nagsalubong ang kilay ko. "What? Kelan?" Seryoso kong tanong.
"Dahil sa nagkita sila ay napahamak si Soobin, pauwi na siya nang maaksidente siya! Nasan na ang sinasabi mo na po-protektahan mo siya?!"
"Naaksidente siya?! Nasan siya ngayon?!" Malakas kong tanong sa kanya.
"Bakit ko sasabihin sayo ha?! In the first wala ka naman talagang pakialam kay Soobin hindi ba?! Di ba ginagamit mo lang siya?! Nakalimutan mo atang may plano ka." Madiin niyang sagot.
Naiinis naman ako ngayon. "Kung ayaw mong sabihin ay ako ang maghahanap sa kanya!" Asik ko sa kanya at nilagpasan na siya, lalabas na sana ako pero muli siyang nagsalita.
"Kahit mahanap mo siya, I don't think so na gusto ka niyang makita! Baka hindi mo pa alam na alam na niya ang lahat kung bakit mo siya nilapitan at bago ka nawala ng limang araw ay nalaman niya rin ang nangyari sa Mommy niya. Satingin mo, gugustuhin ka pa rin niyang makausap?" Sarkatisko niyang tanong sakin.
"Bakit parang kinakampihan mo si Soobin ha? Hindi ba't galit ka kay Soobin?" Takang tanong ni Zayden sa kanya.
"Oo, galit ako kay Soobin.. noon yun, hindi ngayon. Narealize ko na isa lang siyang inosenteng tao, naging masama ako sa kanya pero never siyang naging masama sakin. Kalaban ng pamilya ko ang pamilya niya pero hindi KO kalaban si Soobin, ang pamilya niya ang kalaban ko kaya hindi ko siya kailangan idamay." Seryoso niyang sagot at parang sinampal ako ng mga salitang binitawan niya.
"Kalaban ko kayong lahat pero hindi si Soobin. Hangga't kaya ko ay po-protektahan ko si Soobin, hindi ko hahayaang masaktan siya! Mas lalo akong nagalit sayo Yeonjun! Ganyan ka ka-immature at ka-childish para idamay ang mga inosente? Hindi ko alam na ganyan na pala mag-isip ang isang Mafia Boss na Rank 1 sa Mafia Organization, how pathetic you are, Choi Yeonjun!" Pang-iinsulto pa niya sakin, niyukom ko naman ang mga kamao ko at pinipigilan ang sarili ko.
"Manahimik ka, baka hindi ka na lumabas ng buhay dito at hindi mo na maprotektahan ang Soobin na yun." Malamig kong usal, suminghal naman siya.
Tumabi naman siya sakin. "Yeonjun-ah, wala kang mapapala sa panggagamit mo kay Soobin, tigilan mo na yang bulok mong plano dahil kung tutuusin ay si Soobin ang nakikinabang sa plano na binuo niyong lahat dahil ikaw ang nasasaktan at nahihirapan sa sarili mong plano, idiot." Matapos niyang sabihin yun ay umalis na siya.
YOU ARE READING
He is the Husband of a Mafia Boss
Action╔════════════════╗ HE is the HUSBAND of a MAFIA BOSS ╚════════════════╝ ╭────────────╮ YEONBIN ╰────────────╯ ➪Yeonjun ➪Soobin ➪Taehyun ➪Beomgyu ➪Kai