✩.・*:。≻───── ⋆✎⋆ ─────.•*:。✩
╔═══════════╗
☾Yeonjun's Pov☽
╚═══════════╝Ang kulit nila Eunica, sila ang pinaka-maingay, sila ang rason kung bakit ang ingay ng lahat dito ngayon. Si Eunica naman ay panay akbay sakin, magkatabi kasi kami eh. Kumakain kami ng lunch ngayon, si Soobin naman ay nasa harapan ko lang, talagang wala siya sa mood niya. Wala siyang masyadong kinakausap, isang tanong isang sagot. Hindi siya madaldal ngayon kahit inaasar siya si Beomgyu at Kai.
Napakagat naman ako sa ibabang labi ko, na stress ako sa kanya. Ayaw niya akong mastress pero siya naman gumagawa ng dahilan para mastress ako, humph! Talo niya ang babaeng may period!
Nagring naman ang cellphone ko, tumayo ako at umalis sa pwesto para hindi nila marinig ang sasabihin ko. ☎︎"Boss, nandito na sila Liu Shen, nagswiswimming." Pag-inform niya sakin.
☏"Sige, bantayan niyo ng tahimik ang kilos nilang lahat. Siguraduhin niyong walang makakatakas sainyo." Seryosong utos ko.
☎︎"Yes boss, hinahanap niya rin kayo."
☏"Wag mong sasabihin kung nasan kami, babalik na rin kami dyan mamaya." Usal ko.
☎︎"Okay boss." Binaba ko naman ang tawag at tinawagan si Zyler.
☏"Nasa hotel na sila." Pag-inform ko sa kanya.
☎︎"Oo, nakita namin. Sabayan mo lang, kami na ang bahalang magmonitor at i-inform ka namin agad." Sagot niya.
☏"Sige at pwede bang paki double check nga lahat ng ginawa ko kahapon ng gabi, check mo nga kung may mali akong nagawa. Pati yung dito sa Hanalei Bay, simula nung dumating kami." Utos ko, wala talaga akong matandaan.
☎︎"Huh? Bakit?" Taka niyang tanong, bumuntong hininga naman ako.
☏"Basta.. check mo at ikaw ang magsabi kung may mali akong nagawa." Parang iritang usal ko.
☎︎"Engot, sarili mo yan kaya dapat alam mo!" Sigaw niya sakin.
☏"Yun na nga eh pero hindi ko alam kung bakit galit sakin si Soobin ngayon!" Frustrated kong sagot.
☎︎"Ayun! Lumabas din ang dahilan..." Anak ng.. hayst! "Okay, ano kayo ngayon LQ?" Natatawa niyang tanong.
Minura ko naman siya. ☏"Hindi kami magjowa, gawin mo na lang!" Asik ko sa kanya.
☎︎"Hoy, hoy! Kung makautos toh! Baka nakakalimutan mong Prinsipe pa rin ang kausap mo!"
☏"Tch, Mafia Boss naman ang kausap mo." Mayabang kong sagot.
☎︎"Tss, sana hindi ka na kausapin ni Soobin habang buhay!" Sigaw niya at binaba na ang tawag.
"Humph, siraulo ka!" Sigaw ko pa sa cellphone ko. Pero aminin ko ay kinabahan ako sa sinabi niya.
Pano kung may mali akong nagawa o nasabi? Pano kung hindi na talaga ako kakausapin ni Soobin? Hindi na niya ako lapitan?
Pano na yung plano namin?! Arghhhh!!!! Nakakainis naman, sa hindi malamang dahilan ay masisira pa ang plano namin.
Plano nga ba? Tch.
Tumingin ako sa table na kung saan siya nakaupo, tahimik lang siya kumakain at parang walang paki sa paligid niya. Minessage ko siya, hindi ko alam kung babasahin niya ang message ko.
YOU ARE READING
He is the Husband of a Mafia Boss
Action╔════════════════╗ HE is the HUSBAND of a MAFIA BOSS ╚════════════════╝ ╭────────────╮ YEONBIN ╰────────────╯ ➪Yeonjun ➪Soobin ➪Taehyun ➪Beomgyu ➪Kai