CHAPTER 40 - HER TWIN!

8 3 0
                                    

✩.・*:。≻───── ⋆✎⋆ ─────.•*:。✩

╔═══════════╗
☾Narrator's Pov☽
╚═══════════╝

"Yeonjun!" Agad na tawag ni Soobin kay Yeonjun nang mahanap na niya ito. Si Yeonjun naman ay walang reaksyon, parang walang buhay ang mga mata niya. Niyakap naman siya agad ni Soobin. "Okay ka lang ba? Sinaktan ka ba nila? Sabihin mo. Nandito na ako." Hindi naman nagsalita si Yeonjun.

"Kumain ba siya nito?" Tanong ni Shian habang nakatingin sa mga pagkain na nakahain sa lamesa.

"Lintik, ang dami." Usal ni Taehyun.

"Yeonjun, magsalita ka. Ano ba?" Tanong ni Soobin sa kanya. "Anong nangyayari sayo, Yeonjun?" Nag-aaalala niyang tanong.

Tiningnan naman siya ni Yeonjun. "Lahat kayo." At tiningnan din ang iba pa. "Lahat ng nasa paligid ko, lahat ng mga taong nasa paligid ko simula bata pa lang ako. Wala akong dapat pagkatiwalaan." Malungkot niyang usal.

"Hey, w-what are you saying?" Kunwari namang ngumiti si Soobin kahit na kinakabahan na siya. "Kung ano man ang sinabi niya ay wag kang maniwala---"

"Pero sayo pwede? Sainyo pwede?" Sarkatisko niyang tanong.

"Yeonjun hyung, uwi na muna tayo noh? Pahinga ka muna, wag mo---"

"Shut up." Madiing usal ni Yeonjun. "Hanggang kelan niyo balak itago sakin?" Agad namang namuo ang mga luha ni Yeonjun. "Grabe kayo, ang sakit niyo." At tuluyan na nga tumulo ang luha niya.

"Yeonjun, hindi naman namin ginusto---"

"Hindi niyo ginusto?!" Malakas niyang sigaw kaya bahagya silang napakislot sa gulat. "Sinong ginagago niyo rito?! Ako?! Kung ako ay congratulations sainyo ah?! Congratulations kasi nagago niyo ako! Naging laruan ako! Salamat sa sinabi niyong pino-protektahan niyo ako ah?! Salamat!" Sarkatiskong sigaw niya sa kanila, inis niyang pinunasan ang luha niya.

"May paliwanag kami dyan... pakinggan mo muna kami please..." Pakiusap ni Soobin.

"Totoo na ba yan? Hindi na po ba kasinungalingan yan? Sorry po ah, ang hirap ng magtiwala eh." Mapait namang ngumiti si Yeonjun.

Tumango-tango naman si Soobi. "Yes, yes.. totoo na ito. Pakinggan mo muna kami ha? Please." Pakiusap pa niya.

Dahan-dahan namang tumango si Yeonjun. "Please po, wag niyo sirain ng tuluyan ang tiwala ko sainyong lahat." Pakiusap din ni Yeonjun.

"Okay, sasagutin ko lahat ng tanong mo. Anong gusto mong tanungin?" Tanong ni Soobin sa kanya.

"Bakit kayo nagsinungaling sakin?" Agad nitong tanong.

"Ayaw din namin pero utos ng.. Mommy mo." Mahina niyang sagot.

"Anong utos niya?"

"May letter siyang iniwan sa Mafia Organization, l-lahat ng nangyayari ay.. p-planado.. s-sinadya lahat yun para.. m-manatili kang buhay kahit na b-buhay mo ang nakataya, kahit na i-iba ang dating sayo." Nauutal niyang sagot.

Mapait namang ngumiti si Yeonjun. "So sinasabi mo rito, ang mastermind.. ay ang Mommy ko?" Mapait niyang tanong.

"I mean, ang hirap.. b-basahin mo na lang kaya yung letter? H-Hindi ko kasi kaya..." Tumulo naman ang luha ni Soobin.

"Hyung, maniwala ka. Nasasaktan at nahihirapan din kami pero sinusunod lang namin ang bilin ng Mommy mo, ang utos niya." Sabat ni Shaine.

"Bakit? BAKIT NIYO SINUSUNOD?! SINO BA SIYA SAINYO?! SINO SIYA SA MAFIA ORGANIZATION?!" Frustrated na sigaw ni Yeonjun. "Pwede ba sabihin niyo na lahat? Sagarin niyo kasi sagad na sagad na ako oh! Wasak na wasak ang pagkatao ko! Ano ba kayo! Wag niyong sabihin sakin na naaawa kayo sakin?" Hindi naman sila nakasagot. "Wag niyo akong ginagago rito, kung naaawa kayo sakin ay sainyo na yan! Hindi ko kailangan ng awa niyo!"

He is the Husband of a Mafia BossWhere stories live. Discover now