✎CHAPTER 13 - PRINCEVILLE

20 3 0
                                    

✩.・*:。≻───── ⋆✎⋆ ─────.•*:。✩

╔═══════════╗
Yeonjun's Pov☽
╚═══════════╝

Before 10pm na ako dumating dito sa pool gaya nung message ko sa kanya kanina. Nakaupo ako sa sun lounger. Maya maya pa ay dumating na si Soobin, umupo naman siya sun lounger. "Bakit parang ang ayos ng suot mo ngayon?" Nakangiti kong tanong.

"Ahh.. s-sila Beomgyu sabi nila dapat maayos daw ang itsura ko." Honest niyang sagot, bahagya akong natawa. "Bakit? Hindi ba bagay sakin?" Inosente niyang tanong.

"Bagay naman, ibang klase rin yang pinsan mo ah.. talagang effort." Sagot ko.

Ngumiti naman siya. "Oo, ganun talaga siya." Tugon niya. "Pero.." Nawala naman ang mga ngiti niya.

"Wag nating pag-usapan yun dahil hindi naman totoo ang sinasabi niya. Wag kang maniwala." Nakangiting sabi ko ngunit seryoso. "Ibahin natin ang usapan." Tumango na lang siya. "Ahmm.. pwede ka bang magpanggap na asawa ko?" Maingat kong tanong na kinagulat niya.

Wala ng ibang tao dito at walang makakalapit sa area na ito dahil nakabantay ang mga tauhan ni Asher at na double check na ang lahat, wala naman kung anong device rito.

"Ano? Teka, pinagti-tripan mo ba ako dahil alam mong---"

"No. This is so serious situation. Ito lang din ang paraan para maprotektahan kita." Kumunot naman ang noo niya.

"What the hell are you talking about?!" Naguguluhan niyang tanong. "Yah, hindi kita maintindihan. Ipaliwanag mo, bakit kailangan kong gawin toh?!"

"Soobin, listen. Yung babae kanina at ang mga kasama niya ay kalaban ko yun, si Liu Shen ay anak ng taong kalaban ko sa business. Gusto nilang sirain ang reputation okay? Idadamay ka nila dahil napansin nilang close ka sakin, kaya nga sinabi niya ang mga bagay na yun di ba? Gusto niyang mag-away tayo." Pagsisinungaling ko.

"Ngayong alam ko ng idadamay ka nila ay kailangan kitang protektahan, taga-pagmana ka ng business niyo di ba? Hindi pwedeng may mangyaring masama sayo. Kung asawa kita ay walang makakagalaw sayo, walang mananakit sayo dahil alam nila kung ano ang kaya kong gawin. Sana maintindihan mo ako.."

"Kakausapin ko rin ang parents mo kung gusto mo, magkaroon tayo ng maayos na kontrata. Kapag natapos na ang problema ko sa kanila ay magiging malaya ka na, pwede mo ng makasama ang taong naka-tadhana talaga sayo." Seryosong pagpapaliwanag ko sa kanya. Natigilan naman ako nang mapansing may namumuong mga luha sa mga mata niya. "Hey..."

Mapait siyang ngumiti. "Maging malaya? Makasama ang taong naka-tadhana talaga sakin? So ganito ka pala magreject, I see.." Natigilan ako sa sinabi niya. Pinunasan naman niya ang luha niya at ngumiti sakin na parang wala yun. "Okay, I understand. Tapusin mo sana agad ang problema mo para hindi sobrang sakit pero habang mag-asawa tayo ay pwede ko bang sulitin yun? Pwede ko bang i-take advantage?" Nakangiti niyang tanong.

Matunog akong ngumiti. "Okay, sabihin mo sakin lahat ng kailangan mo at ibibigay ko sayo yun. Kung gusto mo ay umasta talaga tayo na parang tunay na mag-asawa." Gatong ko, natawang usal niya.

"Yan lang ba ang gusto mong pag-usapan natin?" Tanong niya. "Nga pala, kelan ang simula?"

"Ngayon." Natawa naman siya.

"Wow, anong itatawag ko sayo? Babe? Love? Honey? Hubby?" Sabay naman kaming natawa.

"Bahala ka na, at ito pala.." Inabot ko sa kanya ang mini box na naglalaman ng singsing namin. Napataas naman ang kilay niya. Binuksan ko ang box at bumungad samin ang frosted rose gold plated titanium wedding band. "Do you like it?" Nakangiti kong tanong.

He is the Husband of a Mafia BossWhere stories live. Discover now