✎CHAPTER 09 - ENEMY

18 3 0
                                    

✩.・*:。≻───── ⋆✎⋆ ─────.•*:。✩

╔═══════════╗
☾Yeonjun's Pov☽
╚═══════════╝

Hindi ko na tinapos ang laro, bumalik na ako sa upuan ko para matulog ulit. May 4 hours pa bago makarating sa Hawaii. Pag-kaupo ko ay napansin kong sumunod pala si Soobin sakin, umupo rin siya sa upuan niya. Inayos ko naman ang headset ko at laptop ko. "Choi Yeonjun, may kape ba rito? Gusto kong magkape." Parang batang usal niya.

"Yes, humingi ka na lang sa kanila." Sagot ko at humiga na.

"Choi Yeonjun, gusto ko ako ang magtimpla. Samahan mo ako, ayaw kong distorbohin sila. Please..." Pakiusap niya. Kainis naman, hindi ako titigilan nito eh. Bumangon naman ako at tumayo.

Malapit yung kusina sa mga kumag yun. Nadaanan namin sila, nagtatanong pa kung saan kami pupunta pero si Soobin na ang sumagot. Pagdating sa kusina ay umupo ako sa may upuan. "Bilisan mo, gusto ko ng matulog." Utos ko. Tumango naman siya.

"Nasan pala ang mga chief?" Tanong niya.

"Nagpapahinga, may oras sila, wrong timing ka." Seryoso kong sagot. "Marunong ka bang gumamit niyan?" Kunot-noo kong tanong.

"Oo, nagtatanong lang kung nasan ang chief." Sagot niya, hindi na ako nagsalita. "Ikaw, ayaw mong magkape?" Tanong niya. Umiling naman ako.

"Hindi ako mahilig magkape." Sagot ko.

"Deretso almusal ka na lang?" Tanong niya. Ayaw kong sumagot dahil nahihiya ako. Umiwas na lang ako ng tingin. "Si Beomgyu pala gusto ang gatas, timplahan ko na lang din siya." Usal pa siya.

"Naggagatas si Beomgyu?" Curious kong tanong.

"Oo, ayaw niya kasi sa kape, bumabaliktad sikmura niya kaya gatas na lang sa kanya." Nakangiting sagot niya, tumango-tango naman ako. "Mukhang gatas din ang iniinom mo at hindi kape." Nakangiting dagdag niya.

"Tch, ano ako bata?" Inis kong tanong. "Hindi ako naggagatas." Dagdag ko pa.

"Walang masama kung gatas ang iniinom sa umaga, bata o matanda may karapatang umiinom ng gatas at kape. Bata nga mahilig sa kape eh." Malumanay niyang usal, hindi naman ako sumagot.

✩*⢄⢁✧ --------- ✧⡈⡠*✩

Hindi na ako natulog dahil uminom ako ng gatas. Kumakain kami ni Soobin habang nanonood ng movies. Yung mga kasama namin ay hindi pa rin tapos maglaro pero iba na ang laro nila, ang ingay nila kaya may posibilidad na magising ang mga flight attendant at chief.

Napatingin ako kay Soobin na tutumba-tumba ang ulo niya, tulog na pala. Tumayo naman ako inayos ang upuan niya para mahiga siya ng maayos. Nang maayos ko na ang higa niya ay kinumutan ko na siya at bumalik sa pwesto ko para matulog na lang din.


Nagmulat ang mga mata ko ng saglit para ayusin ang higa ko, napansin kong nasa mga kanya-kanyang pwesto na sila at pahinga. Sa wakas ay napagod din sila sa paglalaro, ang dami nilang energy. Bahagya akong matawa nang ilan sa kanila ay humihilik pa. HAHAHAHA!

Nang gumising ako ay hindi na ako nakatulog pa ulit. 30minutes na lang ay makakarating na kami. Ang haba talaga ng byahe namin. Nakikita ang view ng mga matataas ang lugar, ginising ko naman si Soobin ng marahan. "Soobin, wake up, ang ganda ng view sa labas." Usal ko kaya agad siyang gumising.

"Talaga?" Nakangiti niyang tanong, tumango naman ako. Agad siyang sumampa sa upuan ko para sumilip sa bintana kaya ang lapit ng mukha namin sa isa't isa kaya bahagya kong nilayo ang mukha ko. Ramdam ko ang pag-init bigla ng pisnge ko. "Woah..." Namamanghang usal ni Soobin, inabot ko sa kanya ang cellphone niya para ma-video niya.

He is the Husband of a Mafia BossWhere stories live. Discover now