CHAPTER 39 - LEE KIHYEON

6 3 0
                                    

✩.・*:。≻───── ⋆✎⋆ ─────.•*:。✩

╔═══════════╗
☾Yeonjun's Pov☽
╚═══════════╝

Nandito ako sa puntod ng magulang ko, hindi ko inaasahan na dito ko sila makikita. Kahit hindi ko sila maalala ay ang sakit-sakit. Walang tigil ang pagtulo ng luha ko, si Soobin naman ay medyo malayo sakin kasi gusto niya ako bigyan ng space para sa mga magulang ko.

"Mom, Dad, sorry po. Hindi ko alam kung bakit pero sorry po, wala akong maalala na kahit ano po. Sana masaya at maayos na ang kalagayan niyo dyan po, gagawin ko ang lahat para makuha ang hustisya kahit na wala ang mga memory ko ay kaya ko pa ring gawin yun." Malumanay kong usal ngunit seryoso.

Wala ako sa sariling tumingin sa bulaklak na nakalagay sa ibang puntod, katabi lang sa mga magulang ko. Bahagya kong tinitigan yun, hindi ko alam kung bakit. "Gusto ba nito batiin ko rin siya?" Mahina kong tanong. "Hello po kung sino man kayo po." Nakangiti kong bati dun sa may puntod, hindi ko talaga alam kung bakit nakuha nitong bulaklak ang atensyon ko hehehe..

Tumayo naman ako at lumipat sa kabilang puntod. "Gusto mo ata linisin ko ang bahay mo eh.. sige po." Nakangiti kong usal, ginamit ko ang kamay ko para alisin ang mga dahong nakakalat sa lapida niya. Hahawakan ko na sana yung bulaklak para ilipat muna saglit pero natigilan ako nang tawagin ako ni Soobin.

"Yeonjun! Umalis ka dyan!" Malakas niyang sigaw, kumunot naman ang noo ko sa pagtataka. "Yeonjun!" Agad naman akong tumayo at tumakbo papunta sa kanya. Nang malapit na ako sa kanya ay malakas na pagsabog ang narinig namin.

Nanlaki ang mga mata ko at lumingon sa likuran ko, agad akong pinalibutan ng mga tauhan ni Soobin. "Mom, Dad..." Mahinang usal ko. Muling may pagsabog na nangyari kaya napayuko kaming lahat at dali dali na pumasok sa kotse.

"Umalis na tayo! Bilis!" Malakas na sigaw ng isang lalaki, para akong nawala sa sarili ko.

Magkahiwalay kami ng kotse ngayon ni Soobin. Nakita ko sa front mirror ng kotse ang apoy na kumakalat ngayon, ang sakit kasi nandun sila Mommy at Daddy. Ang sama nila! Patay na nga sila tapos pinasabog pa ang tahanan nila! Ang sama nila! Inis kong niyukom ang mga kamao ko, hinding hindi ko talaga siya mapapatawad!

Pagdating sa bahay ay agad akong kinamusta ni Soobin. "May tama ka ba? May masakit ba sayo? Yeonjun?" Sunod sunod niyang tanong na may pag-aalala. May ilang kotse naman na dumating, sila Shian, Mark, Cyrus, Min Hyuk, Taehyun, Shaine.

"Okay lang ako, ikaw?" Tanong ko sa kanya.

"Sigurado ka ba?" Tumango naman ako.

"Yeonjun hyung, are you okay?" Tanong ni Shaine na sobrang nag-aalala rin. Tumango naman ako.

"Pumasok na muna tayo sa loob." Usal ni Soobin, tumango naman sila.

"Shaine, pano mo malaman na may bomba dun?" Tanong agad ni Taehyun sa kanya.

"Naalala ko na matagal nang may nakatanim na bomba dun, may nakatanim na dun nung araw na nilibing ang Daddy ni Yeonjun. 5 months na rin yun kaya hindi ko na naalala, hindi rin namin maalis yun nila Wang Chen dahil 24 hours nakabantay ang tauhan ni Jin Bu Yeon dun, until now." Pagpapaliwanag niya. "I'm sorry, muntik nang mapahamak si Yeonjun hyung dahil sa katangahan ko." Yumuko naman siya ng bahagya.

"Okay lang yun, buhay pa ako." Wala sariling usal ko.

"Pano kung hindi ko nasabi agad yun?! Hindi okay yun! Muntik ka ng mamatay dahil sakin!" Sigaw niya sakin.

He is the Husband of a Mafia BossWhere stories live. Discover now