✎CHAPTER 21 - MAFIA BOSS

21 3 0
                                    


✩.・*:。≻───── ⋆✎⋆ ─────.•*:。✩

╔═══════════╗
☾Yeonjun's Pov☽
╚═══════════╝

Dahil sa wala akong masyadong makita ngayon at wala pang gamot na nahanap si Shian para sakin ay hindi muna ako pinapasok sa school, nandito lang ako ngayon sa bahay ko, walang magawa kaya nakahiga lang ako sa sofa. Maayos naman ang pakiramdam ko, hindi na ako nahihilo gaya kahapon at hindi rin ako nanghihina.

At kahapon ay bago ako umuwi ay may note na nakalagay sa side mirror ng kotse ko, si Mark ang nagbasa kasi siya ang naghatid sakin kasama si Nico. Pansamantala lang itong nangyayari sakin at walang gamot na makakapaglinaw ng mata ko ulit, mawawala rin daw toh, ginawa ko rin daw kasi ito noon at binabalik lang niya sakin.

Dun kami lahat nagkaroon ng malalim na interes. Inaalala ko lahat ng mga nakaaway ko noon, wala akong natatandaan na may binulag ako nun. Si Taehyun kaya? Pero ang sabi ay ginawa ko raw noon eh wala naman akong naalala! Anak ng..

So naghihiganti sakin ang kalaban ko ngayon, tch.

Matatapos lang ang gulong ito kung isa samin ang mamamatay.

Syempre hindi ako yun, ano siya sinuswerte?! Humph!

Dahil sa malabo ang paningin ko ay pinagbabawalan akong gumamit ng mga gadgets! Hay..

Kumunot naman ang noo ko nang may mapansing may lalaking lumabas galing sa kusina, itim lahat ng suot niya at sigurado akong walang nakatakip sa mukha niya. "Sino ka?" Tanong ko, alam niyang malabo ang mata ko kaya ang lakas ng loob niya. Tumayo naman ako at naging alerto. Ang mga tauhan ko ay nasa labas ng bahay kaya pano siya nakapasok?

Hindi siya nagsalita, bigla siyang tumakbo papalapit sakin para sugurin ako. Mabilis kong sinangga ang kamay niyang susuntok sakin pero nasuntok naman ako nung isa niyang kamay. Natumba ako dahil ang lakas nun! Agad akong umikot papunta sa likod ng sofa, pagharap ko ulit sa kanya ay sisipain na niya sana ako pero agad akong nakaiwas.

Sinugod ko naman siya, malabo lang ang mata ko! Hindi ako bulag para hindi makita ang bawat galaw niya at hindi rin ibig sabihin nun ay nawala na ang pagiging magaling ko sa pakikipaglaban! This punk!

Masyadong mabilis siyang kumilos at malakas siya kaya nahihirapan din ako pero kaya kong maiwasan lahat yun, hindi pa masyadong malinaw ang mga mata ko kaya sablay ang pagsugod ko sa kanya!

Nang sipain niya ako ng malakas sa sikmura ay hindi ko naiwasan yun, natumba ako sa glass wall at nabasag ko yun. Nilapitan naman niya ako at tiningnan lang ako na nasasaktan, ang lakas ng pagkakabagsak ko na parang tumilapon talaga ako. Talagang kinuha niya ang chance na toh para sugurin ako ngayon!

"Who the hell are you?!" Galit na galit kong tanong, hindi siya nagsalita, kumukulo na ang dugo ko sa hayop na toh! Umalis naman at hindi ko alam kung saan siya pupunta ngayon. Sinubukan ko namang tumayo, ang sakit ng sikmura at katawan ko, arghhh!!

Pagtayo ko naman ay lintik! May malakas na tumama sa ulo ko! Basag yung pinalo niya sa ulo ko, ramdam ko ang pagtulo ng dugo ko mula sa ulo ko. Muli akong natumba, anak ng hinayupak! Kakatayo ko lang! Grrr..

Damn! Nang matumba ako ay bahagyang luminaw ang mga paningin ko pero hinang hina na ako. Isang paso ang hinampas niya sakin! Nakapamulsa siyang umalis, tanging likod at sapatos na lang ang nakita ko sa kanya. Napaka-pamilyar niya sakin.. "Who.. are you?" Halos bulong kong tanong. Papikit-pikit na ang mga mata ko.

"Boss!" At dun lang dumating ang mga tauhan ko, anong nangyari sainyo mga kupal!

Patay na ako bago niyo ako makita! Grrrr...

He is the Husband of a Mafia BossWhere stories live. Discover now