✎CHAPTER 22 - MISSING

10 3 0
                                    

✩.・*:。≻───── ⋆✎⋆ ─────.•*:。✩

╔═══════════╗
☾Yeonjun's Pov☽
╚═══════════╝

Nandito ako ngayon sa penthouse namin ni Taehyun. Nagpapahinga ako sa kwarto ko nang sunod-sunod na tumunog ang cellphone ko, binuksan ko na kasi ngayon ay nanlaki ang mga mata ko sa sunod-sunod na message at tawag ni Soobin! Pucha! Napabangon ako bigla at tinawagan na si Soobin.

Nakailang ring na ang tawag pero hindi pa rin niya sinasagot ang tawag ko, tumingin naman ako sa orasan. 6pm na ah, may free time na siya kaya bakit hindi niya sinasagot ang tawag ko? Tinawagan ko ulit si Soobin pero hindi talaga siya sumasagot, galit ba siya sakin?

Mabigat naman akong bumuntong hininga at tumayo. Nagsuot naman ako ng jacket at cap. Lumabas naman ako at tahimik na pumunta sa parking lot, nakahinga ako ng maluwag nang makaalis ako.

Pumunta ako sa bahay ni Soobin para malaman kung anong nangyayari sakanya pero pagdating sa bahay niya ay walang katao-tao, hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako ng husto ngayon. Damn it! Wala akong alam na pwede niyang puntahan ngayon, subukan ko muna sa school.

Pagdating sa school ay umalis na raw si Soobin kasama si Beomgyu! Argh! Nasan ba ang mga yun? Hindi ko rin makontak si Beomgyu. Last place pero may lakas ba ako ng loob na harapin ang taong yun?

Hayst! Kailangan kong makita si Soobin!

●●●

Nakatayo ako sa harapan ng bahay ng pamilya ni Soobin, nagdadalawang isip. Mariin akong pumikit at bumuntong hininga bago magdoorbell. Maya maya pa ay may katulong na lumabas. "Sino po sila?" Tanong niya.

"Ahh ako si Yeonjun, umm.. gusto ko sanang malaman kung nandyan si Soobin, nandyan po ba siya?" Uutal-utal na tanong ko.

"Ahh wala pa po siya rito, kanina pa po namin inaantay." Sagot niya.

"Ah sige po, kung umuwi man siya rito pasabi na patawagan o pamessage si Yeonjun, ako yun. Salamat po." Nakangiting bilin ko.

"Sige po." Yumuko pa muna ako bago pumasok sa kotse ko ulit. Ano bang nangyayari sakanila? Bakit hindi ko siya mahanap?

Umuwi ako sa penthouse ng walang nabalitaan, halos wala akong marinig sa mga sermon nila. Saan pa ba ako pwedeng pumunta? Mabigat naman akong bumuntong hininga, nilulunok ko na lahat ng pride ko! Hayst! Nang matapos akong sermunan ni Taehyun ay dun ko na tinawagan si Liu Shen.

☎︎"Oh my gosh, Yeonjun! Hindi ko alam na sinave mo pala ang number ko!" Kinikilig niyang bungad sakin, hawak ba nito lagi cellphone niya?

☏"Wag kang mag-imagine ng kung ano-ano dyan, may gusto akong malaman." Seryoso kong usal.

☎︎"Ow, ganun ba? So anong kailangan mo?"

☏"Nakita mo ba si Soobin kanina sa school?" Tanong ko.

☎︎"My gosh, kailangan paulit-ulit mo akong sasaktan? Talagang sakin mo pa tinanong si Soobin?!" Bitter niyang tanong, napairap naman ako.

☏"Sagutin mo tanong ko ano ba!" Asik ko.

☎︎"Oo malamang! Bakit ba?! Hindi mo ba siya kasama ha?! Kanina pa yun umuwi!" Sigaw na sagot niya sakin..

☏"Kung kasama ko ay hindi kita tatawagan."

☎︎"Eh baka nasa bahay na nila, bakit parang hinahanap mo siya ha?"

He is the Husband of a Mafia BossWhere stories live. Discover now