✩.・*:。≻───── ⋆✎⋆ ─────.•*:。✩
╔═══════════╗
☾Yeonjun's Pov☽
╚═══════════╝Matapos ang buong maghapon na paggagala namin ay bumalik na rin kami sa hotel. Ang report sakin kanina ay umalis sila Liu Shen, satingin ko ay gagawa na naman ang yun ng bagong plano. Pinadouble check ko lahat ng mga kwarto bago kami umuwi, lahat ng hotel ay chineck pati ang mga CCTV, wala namang kakaiba sa mga ginawa nila kaya umuwi na kami.
Si Soobin ay pagod na pagod kaya tulog siya sa byahe. Nang makarating kami ay marahan ko siyang ginising. Inalalayan ko siya sa paglalakad at hinatid sa room nila. Nang maihatid ko na siya ay pumunta na ako sa room ko para magbihis at icheck na ang business ko rito sa Hawaii.
Matapos kong magtrabaho ay imbis na matulog ay lumabas muna ako para maglakad-lakad, hindi pa kasi ako inaantay. 11pm na ngayon. Naglalakad ako rito sa may tabing dagat, ang lakas ng hangin ngayon at umaalon ang dagat. Bumuntong hininga ako at iisipin na sana ang plano kaso biglang sumulpot si Asher.
"Boss, bakit nandito ka pa?" Tanong niya.
"Eh ikaw?" Tanong ko rin.
"Hindi ako makatulog, tulog na si Zayden." Sagot niya.
"Hindi rin ako makatulog." Sagot ko. "Asher, satingin mo.." Bahagya pa akong tumigil sa pagsasalita dahil nagdadalawang isip ako.
"Ano yun, boss?" Taka niyang tanong.
Malalim naman akong bumuntong hininga. "Satingin mo.. ikaw ang mananalo sa pustahan natin?" Seryoso kong tanong.
"Huh?" Hindi niya inaasahang itatanong ko yun.
"Kasi di ba ang taas ng confident mo eh." Dagdag ko pa.
Ngumiti naman siya. "Boss, ginawa ko yun para hindi ako magmukhang mahina pero kung ikaw man ang manalo ay ayos lang at least nagawa kong makipag-pustahan sayo." Nakangiti niyang sagot.
"So...?"
"May posibilidad din kasi na nagpapanggap ka lang ng sobra na halos kaming lahat ay napaniwala mo." Natatawa niyang usal. "Alam naming plano lang ang lahat, alam namin ginagawa natin toh para sa Mommy mo, para sa pamilya mo." Yun din ang iniisip niya.
"I see..." Tatango-tangong usal ko.
"Bakit nasa labas pa kayong dalawa?" Si Hilarie.
"Eh ikaw?" Sabay naming tanong ni Asher.
"Gumising ako tapos hindi na makatulog, nakita ko kaya sa bintana kaya pumunta na rin ako rito." Sagot niya, tumango tango naman kami. "Anong pinag-uusapan niyo? Sali ako." Akala naman nito laro ang pinag-uusapan namin eh.
"Iniisip kasi ni Boss kung mananalo siya sa pustahan namin." sagot ni Asher.
"Ahh yun." Alam niya pustahan namin? Sinamaan ko naman ng tingin si Asher, baka sasusunod eh buong mundo na ang may alam sa pustahan namin. "Ikaw ang mananalo, Asher!" Kumunot naman ang noo namin ni Asher.
"At bakit?" Sabay naming tanong.
"Oww, Yeonjun.. kahit sabihin mong ang galing mong magpanggap ay hindi ka naman talaga nagpapanggap." Nakangisi niyang usal.
"What?" Kunot-noong tanong ko.
"Totoong expression mo na yun, tss. Wag ako, Yeonjun dahil gawain ko yan!" Natatawa niyang sagot, nagkatinginan naman kami ni Asher. "Sa una ay akala mo nagpapanggap ka lang pero hindi mo alam ay unti-unti nang nadedevelop ang feelings mo para sa kanya, gaya ko." Nakangiting usal niya ngunit seryoso ang dating. "Alam mo ba kung pano ko nalaman na may feelings na ako sa kanya?" Nakataas kilay na tanong niya.
YOU ARE READING
He is the Husband of a Mafia Boss
Action╔════════════════╗ HE is the HUSBAND of a MAFIA BOSS ╚════════════════╝ ╭────────────╮ YEONBIN ╰────────────╯ ➪Yeonjun ➪Soobin ➪Taehyun ➪Beomgyu ➪Kai