CHAPTER SIX

1.4K 20 0
                                    

Nakatayo lamang ako sa harap ng pinto namin at hindi magawang ihakbang ang aking mga paa.

Hindi ko na alam kung ano-anong mga emosyon ang nararamdaman ko ngayon ngunit takot ang nangunguna sakin.

Takot na baka narinig nga nito, takot na magalit ito sakin, takot na madisappoint siya sa nagawa ko.

Halo-halong takot na ang nararamdaman ko ngayon at balak ko na ngang magpalipas na lamang ng gabi kay Michelle para sana ay maibsan ang galit nito at makapagpaliwanag ako kay Nanay ng maayos.

"Anong ginagawa mo diyan sa labas ha, hindi magbubukas ng kusa yan." sabi ni Tiya Isang na kinagulat ko pero agad akong yumuko para itago ang pagluha ko.

"Umiiyak ka ba? Anong nangyare?" tanong nito pero hindi ko nagawang sumagot dahil bumukas na ang pinto at niluwa don si Nanay na mukhang galit.

"Hoy Belinda, umiiyak tong an----"

hindi na natapos ni Tiyang ang sasabihin ng mapasigaw ito sa gulat ng sampalin ako ni Nanay na agad na kinasinghap ko, sigurado nako, alam na nga ni Nanay, agad namang humarang si Tiya ng muling sasampalin niya ako.

"Ano ba Belinda, ano bang nangyayare ha?" sigaw ni Tiya na kinaiyak ko nalang lalo.

"Huwag kang mangialam dito Ate Isang!" galit na sabi ni Nanay kaya naman agad akong lumuhod sa tapat nito at agad pinagdikit ang aking mga palad .

"P-Patawarin mo ko Nay, hindi ko ho sinasadya.." umiiyak kong sabi habang nakayuko ang aking ulo.

"Hindi mo sinasadiya? Hindi ka ba nagiisip Ahluna?! Nakipagtalik ka ng hindi kapa ikinakasal, at tama ba ang narinig ko, sa isang lalaking ni hindi mo matandaan ang mukha!" galit na galit na sabi nito kaya naman nagsilabasan na ang aming mga kapit-bahay.

"H-Hindi ko po talaga sinasadiya Nay...h-hindi ko po alam ang ginagawa ko nun..lasing po ako, l-lasing kami..."

"Pero bakit sumama ka sakaniya, hindi mo siya kilala Ahluna, naiintindihan mo ba yun?!" sigaw nito.

"ANONG TINITINGIN-TINGIN NIYO JAN HA! MGA TSISMOSA KAYO! MAGSI-UWI NGA KAYO SA LUNGGA NIYO!!" sigaw ni Tiya sa mga kapitbahay na nakikinig saamin.

"AT KAYO NAMAN, LALO KANA BELINDA, ILUGAR MO NAMAN ANG PANENERMON MO SA DALAGA MO! NAKAKAHIYA! GUSTO MO BANG MALAMAN NILA YAN AT PAGCHISMISAN ITONG ANAK MO, HA? YUN BA ANG GUSTO MO HA? SIGE, AKONG BAHALA. BUKAS NA BUKAS DIN AY IPAGSISIGAWAN KO SA LAHAT ANG GINAWA NI AHLUNA." mariin nitong sabi na kinapikit ni Nanay at pumasok sa loob.

"AHLUNA! PUMASOK KA DITO, HINDI PA TAYO TAPOS MAGUSAP!" sabi ni Nanay na kinatakbo ko papasok.

At naabutan ko nga siya sa may sala na nakatulala.

"N-Nay.." tawag ko dito sabay hawak sa braso nito ngunit agad din nitong tinabig yon.

"Ang sabi mo kanina, lasing ka nung may nangyare sainyo? Ang ibig sabihin lang non ginah4s4 ka ng wal4nghiy4ng lalaking yon!" sabi nito habang napapatango kaya naman agad akong umiling, tumingin to sakin.

"O-Opo..l-lasing kami ngunit inay...w-wala po akong pagtutol nung ibinigay ko sakaniya ang sarili ko...patawarin niyo po ako inay..." sabi ko at tila isang lantang gulay itong napaupo.

Umiling to.. "Pinalaki kita ng maayos Ahluna? Ano ito? Ang sabi ko iba kasa mga kabataan diyang napapariwara ang sarili dahil inuuna ang init ng katawan...bakit? Bakit ganito anak? Bakit?!!" sigaw na impit nito na kinayuko ko lang, agad naman siyang lumapit sakin at hinawakan ang magkabila kong braso.

"Sobra-sobra mo akong binigo, Ahluna." sabi nito at napahagulgol na lamang ako ng bitawan niya ako at pumasok siya sa loob, at siya namang dating ng kapatid kong si Maximo.

MONTEVERDE SERIES: ONE NIGHT STAND- COMPLETED [ SYXLUNA BOOK ONE]Where stories live. Discover now