CHAPTER NINETEEN

1.1K 17 0
                                    

At dahil nga sa nangyare kagabi na away saamin ni Syxto ay sina Sir Kieffer at Jane muna ang nag-handle sa mga trabahong naiwan nito.

"Ano bang nangyare, Ahluna?" tanong sakin ni Sir Kieffer nang makapag-break time na kami, kasalukuyang nasa loob kami ng opisina ni Sir Kieffer, huminga naman ako ng malalim.

"Don't tell me sinabi mo na sakaniya?" tanong nito at tumango ako ng dahan-dahan.

"Eh kaya naman pala, kilala ko yan si Syx hindi naman basta-basta nagli-leave yan kung walang sakit, napaka-workhaholic kayang taong yun." sabi nito at napayuko nalang ako saka ininom ang kapeng binili sakin ni Sir Kieffer ayaw kasi nito ang kape dito sa opisina.

"So, anong balak mo?" tanong nito sakin.

Tiningnan ko siya na parang nagtatanong kaya tinaasan niya ako ng kilay.

"Wag mong sabihin sakin na wala kang gagawin? Teka nga mahal mo ba talaga kaibigan ko? Bakit nag-away kaagad kayo dahil sinabi mo lang sakaniya ang totoo, hindi sa kinakampihan ko si Syx pero I know him, alam kong mahal ka niya kaya iintindihin ka nito pero ano bang nangyare kagabi ha?" tanong nito.

"Sinabi kong first love ko si Migo." kwento ko at napapikit ito ng mariin.

"Tapos nung tinanong nito kung mahal ko pa si Migo at kung mahal ko din ba siya ay hindi ako nakaimik." patuloy kong kwento.

"Bakit, mahal mo pa ba si Migo?" tanong nito at nilingon ko siya.

"Hindi ko alam, Sir Kieffer, pero ang sakit lang kapag naaalala ko ang mga nangyare noon, limang taon na pero hindi ko pa din siya nakakalimutan, ayoko namang sabihin kay Syx na hanggang ngayon naiisip ko pa din ang kapatid niya...hindi ko alam kung bakit..feeling ko, ang sama-sama kong girlfriend nito." sabi ko at narinig ko ang malalim nitong paghinga.

"Alam mo dahil sa mga sinabi mo gusto kong mainis sayo pero naiintindihan din kita at the same time, sinabi mo nga na he's your first love but, Syxto is your present now and masasaktan to ng sobra dahil sa mga ina-acting mo..." sabi nito.

"Tinuturin nadin kitang kaibigan ko hindi dahil girlfriend ka ng kaibigan ko, tinuturin na kitang kaibigan kasi alam kong mabait at matapang ka, at dahil kaibigan mo, ninyo ako ni Syx, gusto kong maayos kayo." sabi nito at tumango ako.

"Salamat, Sir Kieffer." saad ko.

"Kieffer nalang, Luna." sabi nito saka ngumiti sakin kaya tumango ako at inubos nalang namin ang kape na iniinom.

_

KINABUKASAN muli ay pinuntahan ko agad si Kieffer sa opisina ni Syxto, andito kasi siya at may inaasiko.

"Bakit?" tanong nito.

"Alam mo ba kung saan nagi-stay si Migo ngayon?" tanong ko at tiningnan naman ako nito.

"Why are you asking?" tanong nito.

"Gusto ko lang siyang makausap, I-settle down ang lahat and to make decision na din." sabi ko at huminga ito ng malalim.

"Hindi ko alam kung maari kong sabihin sayo ang kinaroonan ni Migo, baka naman magalit sakin si Syx pag nalaman nito." sabi nito kaya napabuntong hininga ako.

"Tell her if she want to see him."

Napalingon naman kami sa may pintuan at nagulat ako ng makita si Syxto, andito na siya pero ang seryoso ng expression nito.

"Sigurado ka, Syx?" tanong ni Kieffer.

"Gusto niyang makita di ba?" sabi nito.

"Well, if that case. Ikaw ang magsabi sakaniya, Syx." sabi nito at iniwan kaming dalawa.

MONTEVERDE SERIES: ONE NIGHT STAND- COMPLETED [ SYXLUNA BOOK ONE]Where stories live. Discover now